Chapter 6: Laser Beam

31 12 0
                                    

May kung anong hindi maintindihan ang lahat. Saan pupunta ang kalalakihang parang inutusan ni Orlando. Nakapostura si Orlando na may mukhang ipagmamalaki.

"Taray, Bakla anong paandar yan? How could you do that? In just few claps, parang nagsunuran ang mga papa ng room n'yo ahh." Tanong sa kanya ng isang baklang may bangs na parang katulad ng kay Nikki Minaj

"Just watch and learn, but first, just stand there and see what my mind can do."

"Ay kabog, may telepathic power ka ba?"

"Hahahahahahahahahaha Wala" sarkastiko nitong pagtawa at tipid na sagot.

"Ganto lang kasi 'yan teh, all you have to do is to be Gorgeous charrr...be friendly lang sa mga kerengkeng mong babaeng kaklase na may boyfie at the same time kaklase mo rin. Kapag nasayo na ang power ng girls, ayun susunod na rin sa'yo ang mga boyfriend nila, " paliwanag nito.

Dumating na ang mga lalaki na may bitbit na mukhang mabigat.

"Salamin? Bakla ano gagawin mo dun?" naguguluhang tanong ng baklang nakahead-band ng parang kay Arianna Grande na 'frieny' ng baklang may bangs katulad ng kay Nikki Minaj.

"Magreretouch. baka kumalat na yung liptint ko..." mabilis na sagot ni Orlando.

Hindi naman nabasag ng biro ni Orlando ang mga estudyante na nasa kanyang paligid na seryoso ang aura. "Joke lang, kayo naman" 'di niya napigilan ang kanyang sarili na tumawa kahit pilit sabay hawi sa nakaharang n'yang bohok sa kanyang noo.

"Okay, ganto kasi iyan, kapag may tumatamang liwanag sa salamin, what would you think na mangyayari sa liwanag?"

"Deflect" sabi ni baklang may head-band katulad ng kay Arianna Grande.

"Refract" sabi naman ng baklang may bangs na kahawig ng kay Nikki Minaj.

"Mga Gaga, 'Bounce' ang correct term, my gosh" pagtama naman ni Orlando.

"Whenever a light waves goes to the mirror, it bounces back. Mirror deflects the rays of the light. And refract the light that may vary depends on the glass or lens had used. Ohh ang taray diba, mag-STEM na kaya ako, what do you think girls?" pagtatanong niya sa mga kaklase n'yang babae na todo selfie parin.

'Di naman mapost-post dahil dead network lahat ng cellular network, kaya pa-edit-edit nalang.

#PalabasinN'yoKamiNgGate.

Pinasok ng sabay-sabay ng mga babaeng kaklase ni Orlando ang kani-kanilang phone sa bag, gayundin ang paglabas nito ng kani-kaniyang liptint, pulbos at suklay na pang-retouch kaharap ang malaking salamin na bitbit-bitbit ng mga lalaki.

"Understood na ng mga lalaki na once na pumalakpak ako, salamin ang tinutukoy ko. Pinag-usapan namin kanina na kunin ito. Hihihi. Okay guise kung ayaw niyo majombag ng salamin na ito. Kindly get out of the way. Humbly give way to the boys to place the big mirror," pasintabi ni Orlando

Tumabi ang lahat at tanging yaong mga lalaki at si Orlando lamang ang nasa harapan ng gate. Umupo si Orlando sa table ng guard at inutusan na niya ang grupo ng kalalakihan na nagbitbit ng salamin na i-pwesto ang salamin parallel sa mga laser at i-rotate ito less but not greater than 45 degrees, East Direction- sa ganoong paraan madedeflect or bend na ang laser beam palabas.

Maganda ang naging resulta ng teamwork ng GAS strand. Nakalabas ang marami at napalitan ang pangamba ng tuwa sa puso ng bawat isa.

ALPHAWhere stories live. Discover now