Chapter 48: The Death Case (Part 2)

4 2 0
                                    

Jwyneth’s POV

“Shhhhhh huwag kang maingay” pagpipigil ko kay Angel Jhan na babaan lamang ang boses dahil confidential ito. Sinabi ko naman kung papaano ko ito nakuha. Dahil pinagkatiwala sa akin ito ni Sr. Daryl.

“Si Sr. Daryl? Pinahintulutan ka niyang kuhanin ‘yan?” pag-uusisa niya dahil hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig. Syempre ako pa ba? Hindi Char…Hiniram ko ito with his authority, since siya naman kasi ang sa management sa loob ng moseo pinagkatiwala niya sa akin ito.

Kahit na medyo hindi nagfa-function ng maayos. I think kaya ko pa namang pag-aralan kung paano ito buoin.

Syempre dapat may panibago naman akong matutunan. Minsan na rin nasira yung bisekleta ng kapatid kong lalaki, as Ate bumili ako ng panibagong part ng brake at saka ko in-installed ito sa kaniyang bisekleta.

Sa kasong ito, mapapalaban yata ako, hindi lang dahil kailangan, kundi may gustong ipagawa pa sa akin si Sr. Daryl. May kung ano kasi sa loob nito na hindi na ma-retrive dahil sira ito. Wala ng gustong mag-ayos nito na may pangalan sa loob ng instituyon dahil may kinatatakutan silang tao na may mataas na katungkulan.

Ang tapang ko noh? Ako ang naglakas loob na hiramin ito, at magtatangkang ayusin. Hindi, charr lang. Wala naman akong takot sa kahit kanino as long as nasa tama ang ginagawa ko.

Hihiramin ko lang naman at nagbabakasakaling ayusin. May Bad Image mang nakatago sa likod nitong device na ito, gusto ko paring gamitin ito sa tama.

At gagamitin ko ang device na ito para makita ang nasa isip ni Kenneth. Ito lang ang tanging paraan para malaman kung ano nga ba ang tamang gawin para magkamalay muli si Kenneth.

Nagtaka naman si Angel Jhan kung bakit madadawit s’ya sa kalokohan ko pero siya lang kasi ang kilala kong may ability na pasukin ang isipan ng tao. Sa ngayon, hindi pa namin pwede magamit ang mga ability namin without proper process of the institusyon.

Ang tanging plano ko lang is malaman kung ano ang nangyayari kay Kenneth at si Angel Jhan o ang device lang na ito ang makakapagbigay sa akin ng
kasagutan.

Pumayag naman si Angel Jhan sa plano ko na after matapos ang Preliminary Round ay isasagawa na namin ang plano. Plan A, gamitin ang ability ni Angel Jhan para basahin ang nasa isip ni Kenneth. At Plan B ang paggamit ng Lin.C upang makita ang
nangyayari sa loob ng isip ni Kenneth. Tinapos ko na ang pag-uusap namin tungkol sa bagay na gusto kong malaman niya.

Dumako naman kami sa usapang fling-life. Humaharot na kasi hindi man lang ako sinasabihan.

“Ikaw ang harot mo na a, kailan pa naging kayo?” pagtatanong ko.

“Sinong kayo?” tinatanggi pa sa akin. Dati ako ang idinidiin na humaharot, e siya pala.

“Hoy! Kung sa iba maitatago mo sa pagtanggi-tanggi mo, sa akin hindi noh. Lokang ‘to obvious naman sa tagong ngiti mo. Hmp…” saad ko.

Sumeryoso ang mukha ni Angel Jhan tapos hindi napigilang ngumiti ang loka.

Kala mo huh…Napahugot pa ng unan sa kama at saka tinakpan ang mukha. Nanggigil naman siya. ‘Di maintindihan kung kinikilig.

“Hoy tigilan mo yang unan ko, iharap mo sa akin ang makapal mong mukha at sabihin mo sa akin kung meron na talaga kayong relasyon.” Pagpaparinig ko.

“Iehhh Jwyneth naman ieehh, tigilan na kasi natin ‘to. Ayoko pag-usapan. Wala pa kasing official na kami kaya ‘di ko pa masabe” ika niya.

“Luh, ang thoughtful niya nga sa’yo tapos wala pa rin?” Sa panahon kasi ngayon mabilisan nalang ang pagrerelasyon. Ewan ko lang sa babaeng ito, ayaw pang humarot,
pinapatagal pa.

ALPHAWhere stories live. Discover now