Chapter 46: A Bowl of Surprise

6 2 0
                                    

Angel Jhan's POV

'Ramdam ko ang sakit sa aking ulo nang gumising ako ngayong umaga. Grabe talaga 'yong nangyari kagabi sa amin. Bakit kase wala akong nasagot dun?

Malay ko ba na kailangan alam namin ang mga nandun sa Museo na 'yon. Mukha nga lang Field Trip yung nangyari na 'yon.

Nakapaligo na rin ako sa aking banyo dahil sa wakas pwede na rin daw maligo sa kani-kaniyang kwarto. Ano pa purpose ng banyo kada kwarto kung hindi naman gagamitin?

Ano pa purpose ng tub dito? Ano pa purpose ng shower? Kaya nga dalawa ang sabon sa locker sa CR, isa roon, at isa rito - sa magandang banyo ko. Kaharap ko ang salamin at todo toothbrush pa rin ako sa bibig ko. Nakakainis talaga sa tuwing maaalala ko yung kagabi.

Nagbihis na ako at dumerecho palabas ng aking kwarto. Hindi ko kekwento talaga sa kanila ang nangyari sa amin sa loob. Nakakahiya, nakakadiri, nakakabaliw.

Please help me to conquer this gross experience.

Habang kumakain kami ng pancake at waffle as agahan served with milk drink pa and yogurt as a dessert, pinagkekwentuhan nang lahat ang nangyaring kababalaghan ng gabing iyon.

Jusko lulubog ako sa lupa. Kababae kong tao kasama pa talaga ako? Pero I'm not the only girl who experienced that gross punishment noh!

Sila Harvey at BJ naman tawa ng tawa sa naranasan nila.

"Ikaw nga boi nililimahid mo pa ng dila mo sa kamay mo." Sabi ni Harvey.

Matinis na boses naman na paimpit na nagsalita si BJ habang nakangiti na parang walang bukas. "Si Harvey...Inakalang palanggana! Dinukdok pa mismo ulo n'ya at lumuhod na sarap na sarap!"

"Harapan ng ano? Dali sabihin n'yo na...pa suspense pa." pagmamaktol ni Jwyneth na gustong-gusto na marinig. Please, pwede na bang lumubog sa kinauupuan ko. Ako na nahihiya para sa kanila at para sa sarili ko.

"Si Kark nakadalawang kamay habang kinakain 'yun. Sinasandok pa, " pagkekwento naman ni Jessie.

"Parang si Jessie hindi takam na takam a. Dati nga takip ng ballpen pinangsandok mo dun sa pururot sa 3rd floor new building CR a. Ano nga ulet kulay nun?" pagpapaalala naman nitong bobong Kark. Napapasabunot na ako sa ulo ko.

Paano ba naman kasi lahat ng hindi nakasagot sa tanong ni Sr. nung gabi na yun ay pinag-stay muna kami doon sa room na 'yun. Tapos nun isa-isa kaming nakablind fold. Siguro ilan lang ang nakasagot kasama na si mareng Jwyneth. Papatalo pa ba 'to sa memorization? E baka nga pati buong periodic table of element kaya nitong makabisado sa isang araw lang.

Ayun na nga, pinaluhod ang lahat kasama ako sa lumuhod. Shet bakit ko naiisip na parang paternity ng mga oras na iyon jusko baka hampasin kami ng paddle jusko, kakasuhan ko kayong lahat ng hazing pucha.

So unexpectedly, bigla akong nakaamoy ng napakabangong hazelnut tapos cocoa. Parang kaamoy ng masarap na palamang nutella. Damn parang amoy ferrero. Kinapa ko ang nasa harapan ko, bakit kaya ang laki nito. Palanggana ba ito.

"Ngayon isubsob niyo ang mukha niyo. Kung hindi ninyo gagawin ay mapipilitan akong paalisin kayo sa pwesto niyo. Walang magtatanggal ng blind folds niyo hanggat 'di ko sinasabi." Sabi ni Sr. Daryl.

'Di naman ako sweet tooth na gusto ng matatamis, pero I was craving. It's been 3 months since nakakain ako ng chocolates. Sinubsob ko ang mukha ko at mas lalo akong natakam sa amoy. Ginamit ko ang kamay ko para kapain. Ang amoy nito na sobrang nakakaakit ang lalong nagbibigay ng addiction addictina lalong matakam at ubusin ang lahat.

Nang maabot ko ang dulo at saka ko naramdaman na basa yung mga daliri ko. Inamoy ko ito at amoy ng mga nabanggit ko. Sarap mag-request ng marshmallows, at mas masarap sana 'to kung mainit-init sana.

ALPHAWhere stories live. Discover now