Chapter 51: Angel in Disguise

4 2 0
                                    

Song strongly suggested: Sa'yo (by Silent Sanctuary)

Angel Jhan's POV

"5pm @ Lobby" Oo yan yung nakasukat sa petal na iniabot niya.

Sa papel nalang dapat niya sinulat hindi sa petal, sulatan ba naman toh? Kawawa naman yung mga petals na nasayang kung nagkakamali siya ng pagsulat.

Napapaisip-tuloy ako kung pupunta ba ako o hindi. Ano ba kasi sasabihin niya? Kailangan may oras pa at kung saan? Ano kaya ipapakita niya? Hala baka gantihan lang ako nun. Hindi pa nakakaganti 'yun sa akin since na nilagyan ko ng pampakati yung
tuwalya nun. Chaka saan niya kaya nakuha 'tong petal na toh?

Nakadukdok lang ang buong atensyon ko habang nagmumuni-muni ako sa loob ng kwarto ko. Inaantay ko nalang maghapunan, pero 2 oras pa.

Siguro hindi naman yata mapapatagal ang oras ng sasabihin nun. Kaso naiisip ko talaga baka gantihanako nun e. Mag-disguise kaya ako?

Nagsoot ako ng hoodie at saka eyeglass para iwas recognition. Pupuntahan at susubaybayan ko lang siya mula sa malayo. Baka pagtripan lang ako nito, mahirap na. Maloko rin kasi mga ka-tropa nitong sila Geejay at Denziel.

Nandito na ako sa pwesto kung saan kita ko lahat ang nangyayari sa buong lobby. Nasaan kaya ang unggoy na ito. 5:01 na hindi parin sumisipot pagkatingin ko sa relo, sabi na nangtitrip lang 'yon e.

Inantay ko pa haggang umabot ng 5:05 pm. Haysst naku, bakit kasi nagpauto na naman ako.

"This is insane." Ani ko dahil nanggigigil ako.

"What's insane?" isang malalim na boses ang galing mula sa likod ko.

"Ay ponciong pilatong sinapian ng sampung kabayo." Nagulat ako. Nasa likod pala ang gago.

"Ginagawa mo dyan?" tanong sa akin ni Aljohn na naka-porma.

Wala na naman akong maisip na dahilan. Bakit kasi ako pumunta dito? This is epic fail na naman.

"Ahh, you must be curious sa sasabihin ko noh?"

"Luh! Feeling? Ahm... ahmm Hindi noh!" Wala talaga ako maisip na iba pang sasabihin, ang hirap magmaldita kapag natatameme.

"Anong ahm ahm ka dyan, tara
halika na huwag ka ng magdahilan pa, pinapahirapan mo lang sarili mo." pagputol niya sa sasabihin ko.

"Hala, hindi naman talaga. Aalis na ko, babalik na ko sa unit ko," Depensa ko.

"Wari pa 'to. Tara na. May kailangan tayong maabutan." Pagpipilit niya muli sa akin.

"Huh? Ano?" dami kong tanong noh?

"Basta huwag ka na magtatanong-tanong. Wala naman akong gagawin sayong masama." Napangiti pa ang loko.

"Ikaw loko ka, kapag 'to 'di worth it to pay attention, mukha mo magpe-payback. Susungalngalin ko ng maraming petals yang bunganga mo."

Hindi na ako nakipagtalo pa, dahil nga rin nadala ako ng pagka-curious ko sa sasabihin niya. 'Di rin ito makakaligtas sa mga tanong ko mamaya. Sige lang. Siguraduhin mong sasagutin mo ang lahat ng tanong ko once na nakapunta na tayo sa pupuntahan natin.

Nasa 10th floor ang mismong lobby, hindi ko aakalain na kailangan pa naming gumamit ng tren upang makapunta sa gustong destinasyon ng lalaking ito.

Pumasok na kami sa tren at otorisado naman kaming magamit ito. Binigyan rin siya ng pahintulot gamit ang isang Pass Card, na isang uri ng card na binibigay lamang sa mga nakakuha ng high rank mula sa nakaraang 1st category battle.

Parang privelage 'to sa 100 estudyante na nakuha nito. Pero isang beses lamang ito magagamit.

Wala naman kaming imikan sa loob ng tren na magkahiwalay ng kinauupuan o sabihin na nating, magkasalungat ng hanay na kinauupuan. Sa mga oras na ito, wala kaming imikan. Ayoko namang dumaldal nakakahiya sa mga katabi naming bantay na dalawang armadong lalaki. 'Di talaga mawawala ang mga bantay. Pero sabi naman ni Aljohn ay hanggang sa tren lang ang mga ito, at makakamit din namin ang private conversation namin.

ALPHAWhere stories live. Discover now