Chapter 4: S.C.L.

41 13 0
                                    

Bumukas ang TV ng mag-isa habang nasa kalagitnaan ng after shock. May isang babaeng balingkinitan ang nag-flash sa TV screen - Ang Vice President ng school.

"Good Day my Dearest Hawksonians, I'm Sleigh Hawkson and I'm here stand at the front of you -".

"Anong stand at the front?" pamimilosopo ni Jessie. Nang dahil doon lumabas sa screen ang figure ng Vice President na naka-3D model na parang Holographic Figure.

Napatingin ang Vice-President sa lugar kung nasaan si Jessie.

Nanlaki ang sukat ng pagkalalaki ni Jessie ng makita ito.

"Si Jessie ohh, may tumatayong martir sa loob ng pantalon niya" pagpapatawa ni Zeus.

Tumawa ang lahat kahit seryoso ang nangyayari. "Tang-in*! Sh*t! Nasa kalagitnaan ng kalamidad libog ang iniisip niyo," depensa ni Jessie sa kanyang sarili.

"Wow! Kami pa noh? Kaninong tit* kaya yan?" saad naman ni Dave.

Tinuon ng lahat ang kanilang paningin sa babaeng nasa harapan nila habang pinagpapatuloy ang sinasabi nito.

"Today we will secure you in the Arm of this institution. The System Control Lockdown (SCL) would be activated in 30 seconds.

For further explanation about this, the system will lock you here inside the institution for such reasons:

• To secure your Safety
• To protect you all from Danger of Global Pandemic
• To enhance your Skills and Abilities within your genes

All persons out of the school would not be under our jurisdiction - parents, friends, relatives or even your pets. Only All of You. To those who want to leave, then leave. But - I'm sorry Death..."

Nag-glitch ang hologram pero natuloy naman ang pananalita
nito- "... will come after you, If you would."

Nagmadali na ang lahat sa paglabas ng room matapos ang pagyanig dahil 30 seconds lang binigay na palugit para makalabas ng gate. Lahat ay kinuha ang kani-kanilang bag at lumabas sa room nang nagmamadali. Kung 'di sila lalabas ng institusyon, maaari silang maguhuan, pero kung lalabas naman sila, hindi nila masusunod ang sinabi ng Vice President ng institusyon.

Kahit pinipigilan silang lumabas ng gate, mas gugustuhin pa nilang lumabas dahil lubhang delikado kung mag-i-stay sila malapit sa building habang lumilindol.

Natapos na ang sinasabi ng Vice-President at nawala na ito. Sunod na nangyari nalang, nag-emit ng red-laser mula sa Tv at tumama iyon sa likod ng room na nagpapakita ng mga letra.

"UTZ GXT GY LEIGGS, OY NGX RGFZ, NGX'SS WT RTQD," nakalagay dito na katulad ng mga letrang nakita nila Dave sa faculty room..

Hawak kamay sina Zeus at Angel Ann. Takip tenga lumabas si Louie. Hawak ni Ezra ang kanyang dumudugong ilong. Hawak ni Charles ang kanyang selpon. Hawak ni Jessie ang kanyang...(Never mind). Yakap ni Alex si Danica dahil nabubunggo ito.

Hawak ni Jwyneth ang kanyang baba at baka makasakit. Bitbit naman ni Kark ang kanyang mumunting bag - Kasya kaya notebook dun?

Sila Prince at Nehm ay nakikipagbunuan sa kanilang mga kaklase. At ang karamihan ay ligalig sa nangyayari.

"Minus T- 20" halos karamihan ng Stem 12-A ay nasa taas parin at 'di magkamayaw sa pagmamadali. Nagtutulukan na ang lahat dahil sa inis at bagal ng nasa harapan.

Napagitla ang karamihan dahil sa natunghayan sa labas ng school. Nakatirik ang ibang sasakyan at nakabukas ang mga pintuan ng kotse na parang inabandona na ang mga ito.

Sa 'di kalayuan, nakita ni Danica ang isang batang babae na may hawak na isang doll na kalalabas lang ng kotse. Walang malay ang mga magulang nito. Lumabas ang bata siguro para humingi ng tulog ngunit kahit isang taong may malay ay walang matatanaw. Sa 4th floor ng building tanaw ang buong nasa harapan ng Hawkson.

Nakita ni Danica ang isang malaking truck. Tumawid na ang bata mula sa kabilang sidewalk dahil nakita ng bata si Danica na nasa taas. Ngumiti ang bata na may luhang pumapatak mula sa mga mata nito.

Nabundol ang bata. Pagkaawa ang naramdaman ng puso ni Danica. At tumulo ng tuluyan ang mga luhang nasa tangis ng kanyang mga mata.

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon