Chapter 15: Teleporting Katana

14 7 0
                                    

She gave her hand after she said “cute” to me in a delight way.

Pero halata sa mukha niya ang sobrang pagkahapo because of how she breathe.

Napagtanto ko nalang kung saan galing ang armas niyang hawak. Ito yung naka-display sa guard house, akala namin imitation lang, totoo pala. Tumalsik ito kasabay ng pagsabog malapit guard house. Mabuti't nakuha niya ito.

Her passionate face changes into solemn when another gale-force of agony inside the hole could stand all the hair over my body. Except you know what I mean?

Tumatayo rin kaya yun? Hahaha.

She turned her head towards me. Dali-dali rin siyang lumapit sa akin while she tucked her hair behind her ears and say the words…

“Listen to me big guy, everything would be fine if you gonna run faster inside that chapel room. Scream more than 505 decibels the name of the founder of this f*cking school with the help of others. Whoever inside that room would be no longer target of these transfigured students.”

Ang tangi ko nalang nasambit ay, “Ano?"

“Hey, I know what’s running inside your head but please, listen to me”

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang sinasambit ang mga katagang iyon ng punong-puno ng pag-aalala.

Kusang naglakad paatras ang mga paa ko na tila nag-uunahan para magawa na ito. Then bigla nalang ako napahinto at nasambit, “paano ka?”

Without conscious kanina, pati rin pala si Angelo ay nasugod ng isang halimaw na hanggang ngayon hindi niya parin napapatumba.

Tapos, nang kakagatin na siya nito, bigla nalang napaluhod ito na parang may pwersang nagpapasunod dito. Ang mga braso nito ay kusang natanggal.

Humiyaw ito ng pagkalakas-lakas, babae ito dahil nakapalda. At ang huling nangyari ay sumabog
ng marahas ang ulo nito at nagsitalsikan ang itim na likido malapit sa amin.

Nilibot ng aming tingin ang buong paligid kung sino ang maaaring may gawa noon. At si Danica iyon. Angelo said thanks to her na may panginginig pa sa boses nito.

Nagpatuloy sa pagtakbo si Danica papunta sa chapel kasama si Alex. Tinuon ko naman ang paningin ko kay Dianne.

“I will look after you,” saad n'ya na susunod siya kapag natapos niya ang mga ito.

“You don’t have to do that!” giit ko, hindi niya responsibilidad ang lahat, wala ba siyang takot?

“Yes I have to” na may lungkot sa mga mata niya.

“No, I will stay…With You” madiin kong pagsambit.

Wala siyang nagawa kundi tumakbo palapit sa akin at marahas akong inakap na parang akala ko magugunaw na ang mundo ko.

Humihikbi siya sa aking kaliwang balikat. Umangat kusa ang aking mga braso na tumugon sa mga akap niya. Na sa mga oras na iyon, habang nagkakagulo ang lahat.

Kumalas na siya sa aking pagkakahigpit at ngumiti. Dumaloy ang panibagong luha sa mata niya at kaniyang ibinigay ang relo niya sa akin.

“Vey, kailangan kong gawin ‘to.
Patawad.”

Pumikit s’ya ilang segundo at minulat ang mata niyang nagliliwanag na, na parang hiyas na Asul.

At sa isang iglap ay biglang nasa chapel na ako ng school. Para yata akong masusuka sa nangyari. Ang bilis ng pangyayari na akala ko hyperspace ang dinaanan ko
sa isang segundo na iyon.

Nilabanan ko ang pagkahilo at nakipagbunuan sa mga estudyante pero sobrang lakas ng pwersa papunta sa akin. Gitgitan na at walang espasyong mararaanan. Ni pusa ‘di magkakasya.

“Tabi. Alis. Paraanin niyo ko!”

Sinisingit ko ang katawan ko, pinipilit ko. Napapaluha na ako. Wala akong pag-asang nakikita na makalabas dito. Nakikita ko siya. Natatanaw ko siya mula rito. At bumibigat ang puso ko sa bawat pagkumpas ng kaniyang ‘katana’ sa mga nilalang na 'yon. Pagod na siya pero ayaw niyang sumama papunta dito.

Prinoprotektahan niya ang bawat estudyante mula sa mga nilalang na ito.

Naubos niya na. Sa Wakas.
Pero mali pala. Bumangon naman ang ibang mga estudyanteng nakagat. Sa bibig din ng mga ito ay tumatagas ang mga itim na likido pati pulang dugo na wari ay mga
nakapangingilabot din na nilalang. Nasunog ang kanilang mga balat.

Halos sila ay may kagat sa leeg. Kitang-kita kahit na nasa dilim. Dahil ang mga bitak sa kanilang balat na nagliliwanag. Simula sa kagat sa leeg na kumakalat sa buong katawan ang mga bitak na
iyon. Hanggang sa unti-unti na rin naging abo ang mga mata nito.

Nasusunog ang kanilang braso at naging isang magkapares na tulos.
Nilabanan ni Dianne ang lahat na iyon. Sinasalag at iniiwasan ang bawat hagupit ng mga tulos. Patuloy siya sa paghiwa ng braso upang maputol ang mga iyon.

She sliced every part of them na pwedeng vital para ipanglaban sa kaniya. Nangungumpol na
ang lahat sa kaniya at nahihirapan na siya. Ipina-ikot ikot na niya sa kaniyang pwesto ang armas, para madepensahan n'ya ang kaniyang sarili mula sa bawat kalaban.

Sa isang banda ay tumalon ng malakas ang isa papunta sa lugar kung saan mahina ang depensa niya, sa itaas. Inuna muna niya at ipinaikot ng mabilis ang armas niya ng sa gayon ay mahiwa sa gitna mga lahat ng nasa paligid niya. She slide slightly from her place.

Mula sa ere ay bumagsak ang tumalon na nilalang papunta kung nasaang pwesto siya kanina. It broke the lower portion of its body dahil sa taas ng talon nito.

Dianne too rapidly move her weapon, within that chance, that transfigured creature spits a lot of dark rotten blood and its head
apart from its body.

There are two more left banda sa amin and the students simultaneously scream for help. Dianne turns her eyes where the voices came from.

Out of no where again ay biglang
sumabog ang ulo ng isang nilalang, ginawa muli ni Danica pero this time hawak-hawak na niya ang kaniyang noo, mukhang nahihilo siya kapag ginagamit ang ability niya.

Nakakalas ang babae mula sa panghahatak ng nilalang na iyon.
Isa nalang ang natitira at mapangahas na hinihila ang isa pang babaeng estudyante. Nakatunog ang isang 'to na siya nalang ang nag-iisang halimaw.

Lumingon siya kung nasaan kami. Nag-attempt ito na kakagatin ang babae. Napatingin ako kung
nasaan si Dianne.

Mabilis niyang ipinuwesto ang katana niya. Binato niya ito. Nag-iba ang kulay ng kaniyang mga mata kasabay ng pagkawala sa ere ng katana. Paglingon ko sa halimaw, dito na nakatarak ang katana.

Lumakad si Dianne kung nasaan kaming lahat. Takot na takot. Walang matakbuhan. Punong puno ng pangamba. Nasa dulo ako ng chapel, hinahanap niya ako.
Oo hinahanap niya ako. Pagod s’ya kaya ‘di siya makasigaw.

Napasandal s’ya sa pintuan
ng chapel gamit ang kaniyang balikat. Napangiti siya banda sa’min. Tapos na. Natapos rin niya ang lahat.

Pero hindi pa pala, isang mahabang tulos na tumarak sa tiyan niya, at hinatak siya’t nilamon ng dilim.

ALPHAWhere stories live. Discover now