Chapter 17: It's Just the Beginning

13 6 0
                                    

FLASHBACK (3 days ago)

“Under the Presidential Decree 505, Section 1, all of institutions accords the education, all must be have safe zone protocol before the training implements. The
government said that this protocol should developed inside any institution (college and
university) specifically under the sacred places. This would be allow to enhance the 1st core value (Love of God) must possesses by each of the students run by the institution. Moreover, this place is must absolutely disaster proof to avoid abundant loss of life and to encourage everyone
that sacred place is a life saving place after the incident happened way back when Cagsawa Church in Albay submerged by lava causes approximately 1, 200 people died”

- Ani ng speaker.

Angelo’s POV

Matapos ang paniniwalang makaliligtas sila sa sakuna dala ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa loob ng Simbahang iyon, maling-mali na asahan ang mga sagradong lugar para makaligtas sa dalang mainit na daluyong ng bulkan.

Nagdarasal naman sila ng mga oras na iyon at puno ng atensyon ang harapan na 'yon ng mga hapis at luha. Pero bakit hindi sila pinakinggan? Nasaan ang kaligtasan ng pagdarasal?

Hindi sa lahat ng oras, luhod at pagmamakaawa ang kailangan para maligtas ang buhay mo maging mga mahal mo sa buhay.

Mas mabuting itakwil mo ang takot at gumawa ka nang paraan para makaalis sa pwestong kinasasadlakan mo. Hindi yung titigil ka sa isang pwesto, habang papalapit sayo ang papatay sa’yo.

Pero kung nakatadhana na sa kanila iyon. Walang magagawa. That’s their fate. At least nagkaroon sila ng oras para magsisi. Yung iba nga namamatay nalang ng bigla na walang sign, na bilang na pala ang oras nila sa mundo.

Ang tagal ng mala-SONAng ito. Biyernes na Biyernes ang daming pasabi. Pwede namang isingit sa Monday nalang, tutal Flag Ceremony naman.

Iilan lang nakarating sa forum na ito. Halos ¼ lang ng students ng Senior High ang naka-attend at isa ako sa pinaka ma-swerteng studyante na pumunta rito.

Dapat pala nagdahilan nalang din ako na sobrang nahihilo. O kaya subukan ko kaya tusukin ng likod
ng ballpen ang ngala-ngala ko para masuka ako at maka-alis dito. Charr edi sinaktan ko lang ang sarili ko.

Yung iba kasing students ay naka-uwi na para makapagpahinga matapos ang
kaninang session sa second floor dun sa new building. Nagkaroon ng Blood Testing at paglalagay ng genes, na ayon sa balita nagbibigay ng lakas. Ano yun, parang steroids?

Chaka turukan ba naman kami ng serum na iyon na wala mang consent mula sa mga magulang, mandatory raw. Itong school naman namin todo support.

Ang sakit sa batok ko! Hinala ko bone marrow na tinest sa amin at sa spinal cord na namin tinurok ang pakingshet na likido na yun.

Medyo nakakaramdam ako ng hilo pero ayos lang ako at nakakatayo pa naman.

Buti nga at hindi ako sumusuka katulad ng nakita ko sa taas. Ang weird ng mga suka nila. ‘Di ko ba alam if flavor lang ba ng ice cream nila iyon o reaction sa katawan nila nung likido.

'Di ko talaga malilimutan yung pagsuka sa harapan ko ni Angel Ann. Kung ng mga oras iyon, hawak ko ang phone ko. Vivideohaan ko pa siya at gagawing memes.

Halos hatakin ko ng buong-buo ang kumot na meron ako huwag lang matapunan ng suka niya.

Laughtrip! Hayun kasama siya sa napauwi na dahil sa hilong
nararamdaman.

“Magandang araw at maraming salamat sa pakikinig”

Rinig ko nalang sa sabog na malakas na speaker na malapit sa akin. Hayy Salamat makakauwi narin. Sa totoo lang wala talaga akong naintindihan sa sobrang
daming kada ng speaker.

ALPHAWhere stories live. Discover now