Chapter 9: Cover Up

25 9 0
                                    

Hinawakan ni Zeus si Angel Ann para pakalmahin.

“Skatt (endearment), huwag ka papadala sa mga bagay na nangyayari. Ini-stress mo lang ang sarili mo. You better to sit there para kumalma ka. Kukuha lang kita ng inumin sa dispenser.”

Kinuha ni Zeus ang bote nito at pumunta sa water dispenser. Bumalik siya kung nasaan si Angel Ann at narinig niya ang sigaw ni Eralyn.

“STOP!” rinig ni Zeus. Mukhang lahat ay nakatingin kay Eralyn na parang may ginawa itong katawa-tawa. Tatawa na sana si Zeus ng biglang nagkaroon ng isang maingay at nakapangingilabot na alarma na naman.

Mula sa taas lumagpak sa baba ang katawan ni Raven. Galos sa siko ang natamo nito mula sa pagkakabagsak. Hindi naman siya nasapo ng dalawa dahil nakuha ni Eralyn ang atensyon ni Nehm at Bj.

Parang nagising nalang sa pagkakatulala ang dalawa ng malaman na lumagpak si Raven. Tumakbo kay Raven ang dalawa niyang kaibigan na si Sydny at Miguel na nagulat din sa nangyari.

“Okay ka lang Raven?” tanong ni Miguel dito.

“Ano ba nangyari sa’yo bakit ka nalaglag?” tanong ni Sydny.

“Di ko rin alam, (napakamot siya ng ulo) Nang hahawakan ko yung kabilang sulok ng pader, may nakaharang dito na parang salamin na di nakikita ng mata, tapos no'n naramdaman ko nalang na may parang hangin na nagpatalsik sa akin. Ang lakas!”

Nagtaka ang iilan. Hanggang sa magpatay malisya sila sa alarma na kanilang naririnig. Within few seconds ay biglang nagdilim ang buong paligid.

Tanghaling tapat pa lamang pero parang akala mo ay may solar eclipse na nangyayari. Napatingala sila sa taas at napanganga ang karamihan dahil nababalutan unti-unti ang invisible field ng mga Octagon na metal na patuloy tinatakpan at pinadidilim ang paligid.

Tanging ang blue hologram na naglalaman ng text ang nagpapatanglaw sa kanila. Matapos ang ilang segundo ay namatay ang alarma na sinundan din ng pag-apoy ng mga sulo.

“Hayun, nabigyang hustisya rin kung bakit may sulo sa logo ng Hawkson, see! ang daming sulo na kanina naman ay wala sa mga dingding. Walastik talaga ngayon ang Hawkson” Napangisi ang mga nakarinig.

Lumapit si Teod kay Angel Ann na may gustong ipakita. Hawak nito sa kanyang kaliwang kamay ang notebook na may nakasulat na kagaya ng nasa holographic screen ngunit sa notebook ay may mga correct spelling na. Habang hawak naman nito sa kanang kamay ang ballpen at kagat-kagat nito ang kuko niya sa pangangatog. Pudpod na ang balat ng daliri ni Teod. This time kuko naman.

Nagulat din si Angel Ann, Napatingin din si Zeus, namangha naman si Charles. Pinunasan ni Kenneth ang kanyang salamin. Tinignan nila ang nakalagay sa notebook ni Teod. Isang mensahe na nakagigimbal ng puso at isip.

Kinabahan sila. Nanlamig. Nakaramdam kahit papaano ng pag-asa.

ALPHAWhere stories live. Discover now