Chapter 69: The Prom Night

5 2 0
                                    

Nang matapos ang 3rd Round na inabot ng isang linggong tagisan ng lakas at kapangyarihan na may higit sa tatlong daan at limampong mga laban, nagkaroon ang
board ng pagsang-ayon sa inihaing plataporma para sa isang selebrasyon. Natapos na kasi ng mga kabataan ang Preliminary Round na kinalalamanan ng 3 category.

Bilang pagbibigay ng surpresa at masaganang handog, iniimbita ang lahat sa isang gabi ng masquerade prom. Hindi magkamayaw ang lahat ng marinig ang magandang balitang ito.

Kani-kaniya silang pagpapagawa ng magarbong mga damit at
kani-kaniyang estilo ng disenyo sa damit at maskara sa araw ng sukatan.

Sa damit, may mga mahahaba na tila ba hindi na makita ang paa, may disenyo naman na typical lang sa sukat pero may dating sa disenyo banda sa dibdib at balikat.

Sa maskara rin ay hindi mawawala ang pagandahan, nariyan ang maskara na 3/4 ang nasasakop sa mukha, may sa bandang mata lang ang natatakpan at mayroon ring
kalahati ng mukha ang natatakpan.

Iba't ibang sukat, iba't ibang disenyo na marapat dapat na magsilbing pamisteryo ang datingan.

Nang sumapit ang araw ng selebrasyon, pagpatak ng alas-siete ng gabi nagdatingan na ang lahat sa Information Hall, dito ginawa ang venue dahil may sapat itong espasyo para i-handle ang sangkatutak na dami ng darating.

Naka-prepared na ang mga dining tables at chairs na pinalalamutian ng clothing, at table furnace na siyang tunay na kaakit-akit dahil sa aesthetic nitong bulalak na nilagay ng epoxy resin at pinaiilaw ng LED lights sa ilalim.

Sa ceiling naman ang siyang tatlong nagsisigandahan mga Chandelier na may mapanglaw na ilaw ng kahel at dilaw.

Ang mga pader naman na pinalalamutian ng kurtinang
madilim na kulay nang lilac upang lalong umangat ang umiilaw na mga bagay sa paligid.

Sa gilid naman nakalugar ang mahabang-mahabang table kung saan nakahain ang masaganang katakam-takam na mga pagkain. Nasa gitna nito ang siyang ice figurine na siyang logo ng institusyon.


-


Jwyneth's POV

Magsisimula na ang programa sa dakong alas siete trenta ng gabi. Mayroon pang bente-uno minutos na natitira para makarating at makahabol kami doon.

Napakatagal kasi mag-prepare ng mga kaibigan ko. Halos dito na nga ako sa labas naglagay ng blush on at lip tint jusme.

Sumunod na lumabas si Danica sa kaniyang unit. Pati rin si Shayne.

Ang natitira nalang, si Angel Jhan. Jusko talaga yung babaeng iyon sobrang tagal.

Kinatok namin siya sa kaniyang unit, at salamat, sapatos nalang ang kaniyang susuotin. Ang problema, nawawala ang isang kapares.

"Saan mo ba kasi nilagay 'yon? Ano ka si Cinderella teh? nawawala isang sandalyas? Asan ba prince charming mo baka nasa kaniya..." pranka kong ani kay Angel Jhan.

"Iehhh wala sa kaniya, aanhin naman niya iyon?"

Tinignan ko ang cabinet niya nagbabakasaling mahanap ko roon.

"Guys, Nakita ko na!" masiglang ani ni Shayne. Tinignan nito kasi ang ilalim ng kama pero hindi niya abot bagkus malayo. Habang pwersahang inaabot ni Shayne
nagulat nalang siya sa tahol sa ilalim kaya tinaggal niya agad ang kamay nito sa takot.

Nagtawanan kami dahil napaupo nalang ito sa sahig at mabilis na napalayo sa kama.

"Sorry..." Ani ni Angel Jhan. "...Si Snow yata ang kumuha."

"At sino naman si Snow? bago mong friend? Friend under the bed? Anuyan boogeyman?" Ani ni Danica.

"Tumatahol, boogeyman?" Ani naman ni Shayne na matawa-tawa.

"Guys meet snow....Ang aking mabalbong puppy." Pagpapakilala ni Angel Jhan sa maliit niyang puting tuta.

Sabay-sabay nalang kaming napa-awwwhh dahil sa sobrang ka-cute-an ng puppy ni Angel Jhan.

"Kanino/saan galing iyan Angel?" pagtatanong ni Dani (Danica).

"Well regalo siya ni Asungot"

"Regalo ni Aljohn? Woah! Sanaol" ani ko nalang.

"Uyy gusto ko rin n’yan." pabebeng ani ni Danica dahil sobra itong nako-cute-an sa akin, i mean sa tuta ni Angel Jhan.

ALPHAOnde histórias criam vida. Descubra agora