Chapter 29: Fear of Losing Someone

7 3 0
                                    

Miguel’s POV

Nung mga oras na nawala si Angel Ann sa kaibigan kong si Zeus na ilang taon na rin magkasintahan, naintindihan ko kaagad na mas mahalaga ang buhay ng taong mahal mo o minamahal mo, dahil yun ang parte sa buhay na iiyakan mo kapag nawala ang tulad niya.

Wala ka nang makakadaupang palad, wala ng bisig na yayakapan, wala ng mga bungisngis na tawanan, wala ng matatamis na halikan, mga habul-habulan at mga salitang parang isang
magandang kanta kung pakikinggan mula sa isang espesyal na tao sa buhay mo.

Ang nararamdaman ko ngayon? Takot. Kahit na alam kong wala na kami, mas nagkaroon ako ng takot na mawala s’ya kaysa magkaroon ng takot sa sarili kong kamatayan. Natakot na baka anong nangyari sa kaniya? Ano ang kalagayan niya? May masakit ba sa kaniya? Then all of a sudden, ang tanging magagawa mo nalang ang tumingin sa kaniyang mata at hayaang maintindihan niya ang lahat ng gusto mong iparating sa kaniya.

Tumango naman sya sa oras na iyon. Batid kong alam niya ang ibig ng aking puso na malaman niyang nag-aalala ako sa kaniya kahit na nandito na kami sa punto ng
relasyon na masasabing mapait at hahayaan nalang ang tadhanang muling magbigay ng hudyat para sa aming dalawa.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hanggang ngayon tinatanong ko parin sa aking sarili na binigay ko naman lahat-lahat. Anong naging kulang? Immature ba ako
magmahal? Ang dami kong gustong itanong pero bakit ang tanga kong sabihin na ayos
lang na maghiwalay kami.

Sumang-ayon ako sa isang kaduwagan. Naduwag ba akong
ipaglaban na mahal ko siya? Sa una hindi naman pero sa mga rason niya na gusto na niyang lumaya, naduwag ba ako?

Wala akong gustong gawin nun kundi yakapin siya. Maramdaman ko muli ang ulo niyang nakahimlay sa aking balikat. Hahaplusin ang kaniyang buhok pababa hanggang maging komportable na ang lahat. Magtatapat ang puso na parehas sumasabay sa ritmo ng isa’t isa.

Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa lalo na’t sukdulan na ang aking nadarama.

Lumapit ako sa kanya at sinunggaban s’ya ng yakap. Hinayaan naman niya akong gawin iyon. Pero may mga braso s’yang nakaharang sa pagitan naming dalawa.

Naiintindihan ko. Oo iintindihin ko nalang.

After nun nagkandaloko-loko na ang lahat sa paligid namin. May sumabog sa guard house.

Maraming napadapa sa pagsabog na ‘yon. May mga boses at kakaibang nilalang ang nagsilabas sa parte ng aming paaralan.

Maraming nabiktima, maraming
nagpalit anyo. Mga kaibigan namin, mga kaeskwela.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari ng pagsabog na iyon.

Pinagkekwentuhan namin ang karumaldumal na pangyayaring iyon sa buhay namin.

Kasama ko sina Raven at Sydny, mga kaibigan ko at dalawang taga ibang strand.

Nasaan na kaya si Ann? Iniisip niya rin kaya ako? May ability rin kaya siya katulad ko? Nito ko lang nalaman na meron pala kaming ganitong abilidad. Aksidente lang ang lahat ng malaman namin kung anong meron sa amin.

Hinala namin na hindi 'to basta abilidad lang. May pinanggalingan to? Kung saan man. Mukhang galing ito sa genes. Kung natanong lang namin si Angel Ann, sana
nasagot na ang lahat ng ito. Kung bakit kami may ganito? Nag-iiba ang kulay ng mga mata namin kapag nagagamit namin ang abilidad namin? Pero wala e. Ang gara nang pagpanaw niya.

Nakaligtas naman siya at kasama naming bumaba. Protektado siya ni Zeus at walang galos, walang sugat. Paanong…?

Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad.

“Ambagal niyo naman magsilakad…” reklamo ni Sydny.

“E kung tulungan mo kaya kami” saad ko naman. Iika-ika parin si Raven dahil sa nangyari. Hindi rin namin alam kung nasaan kaming lupalop. Naaalala lang namin e
bumulusok ng napakabilis ang chapel pababa at tiniis ang makapigil hiningang pagbagsak na iyon. Instant elevator ‘ana’ at nandito na kami sa mala-maze na lugar na ito.

“Alam niyo ganito lang ‘yan.” Pagmamalaki ni Syd. Nag-iba ang kulay ng mata niya at naging kulay pula. Nagkandagewang-gewang naman ang katawan ni Yao dahil
pinapaangat siya ni Syd gamit ang abilidad nito.

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon