Chapter 50: I LOSE, I WIN

5 2 0
                                    

Angel Jhan's POV

Nagising nalang ako na nasa higaan, na napapalibutan ng mga kama at pasyente. As expected
nasa Medical Ward ako at kasalukuyang nakahimlay sa puting kama, ninanamnam ang
pagkapanalo ko. Lumapit ang isang nurse dahil nakita niya akong nagising na. Siya yung nurse na inaway ko nung nakaraang araw dahil sa inis ko kay Aljohn, naku ate nurse pasensya na po. Nagi-guilty na ko sa sinabi ko sa inyo last time.

Nakangiti naman niya akong sinalubong at nagtanong kung naigagalaw ko na ba ang katawan ko. Alam niya ang ginawa ko kaya ako narito panigurado. "As shown to your biopsy, your body got paralyzed and you lost your consciousness. It is because you..." nahinto pa siya at tinignan ang wrist device ko. "you used your ability at na-detect ito ng device kaya ito nagrelease ng chemical na agad nagreact sa katawan mo."

Pagpapaliwana pa niya as I know na mangyayari talaga ito kung sakaling basahin ko ang nasa utak ni Aljohn.

Mabilis kong In-address kung may nararamdaman siya sa babaeng nakatawanan niya last time. Yes I am jealous because of them.

Narinig ko ang bawat pag-uusap nila, pinapatawa lamang pala ni Aljohn ang babae dahil itong babae na ito ay girlfriend ng namatay na kaibigan ni Aljohn. I felt somehow guilt at inis sa sarili. Misjudgment ko lang pala.

"Teka ate nurse, Nurse...Mirriam, may napagsabihan ka na ba ng nangyari sa akin?" tanong ko sa nurse. Ilang segundo rin bago siya nakapagsalita. Nakita ko naman agad na bumukas ang pinto at saka nagpakita ang pagmumukha ni Aljohn mula sa malayong iyon.

"Ayy Oo, nasabi ko na sa lalakeng naghatid sa'yo dito." Napatingin naman ako sa nakangiting nurse na ito dahil sa sinabi niya. Don't tell me ate nurse na si...

"O ayan na pala siya, sa kaniya ko palang nasasabi. Kasi siya ang unang nagtanong matapos lumabas yung resulta sa biopsy mo." Ika niya.

Napalingon naman ako sa pinakagilid ko para maitago ang pagmumukha ko na mukhang may ikahihiya na naman. I'm hoping na hindi niya mapagtanto ang ginawa ko.

Diretso lang ang tingin sa akin ni Aljohn at walang emosyon ang kaniyang pagmumukha.

Nakakatakot ang aura niya para siyang seryoso na seryoso, alam niya kaya ang ginawa ko. Privacy niya kasi ang nakuha kong impormasyon, gusto ko lang talaga gumanti sa ginawa niya.

Nakakainis. Nang matapos ang pag-uusap nila ni ate nurse at ni Aljohn, humakbang na palayo ang lalaking ito at lumabas ng pinto.

I felt pain inside me na parang sobrang sakit naman ng ganito. Yung titig na walang emosyon at parang tinignan lang ako na parang 'di kilala. Okay Angel what would you do next? Iniiwasan ka na niya. Dapat ba akong magsorry sa ginawa ko? Gustoko siyang tawagin sa oras na iyon, pero walang boses na lumabas upang tawagin man lang ang lalaking tumalikod sa akin.

Mag-isa akong kumain sa katanghalian na walang kasama dahil may mga ginagawa ang mga kaibigan ko na mas dapat unahin. Ako naman kakagaling ko lang sa medical ward para man lang makalabas doon, wala naman akong sakit so what's the sense upang manatili pa ko don?

Nakakawalang gana, masarap naman yung pagkain pero yung mood ko ayaw makisama. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko nalang pumunta sa kwarto ko at magmukmok nalang.


Dumaan ang maraming araw at nagsisimula na ang aming paghahanda para sa 2nd Category. Sinimulan na kaming papiliin sa mga gamit na nakalagay sa isang mahabang frame glass. Malaya kaming pinapili kung ano ang gusto namin na armas na pag-aralan at the same time.

Kahit ano pwede naming piliin sa rami ng araw na pwede itong pag-practisan, pero mas advisable nila na isa o dalawang armas ang mahasa namin dahil sa araw na dumating na ang AI Battle, susubukin ang tatag namin dahil magiging mahirap ang mangyayari at computer intelligence manipulated ang buong magiging sistema.

Nahahati ang frame mula sa dalawang section. Sa right hand section nandoon ang mga Ranged-Weapons o mga armas na nagagamit sa pangmalayuan habang nasa left hand section naman ang mga Hand-to-Hand Weapons o mga armas na mostly close combat talaga.

ALPHAWhere stories live. Discover now