Chapter 57: Matheo's Remaining Truth

8 2 0
                                    

Angelo's POV

Napabalik na ako sa unit mula sa cafeteria. Tinulungan ko si Jack, kaibigan namin, na tanggalin ang mga kinabit naming prep sa cafeteria. Excited niya akong tinanong kung ano ang nangyari
nang umalis kami, kinewento ko sa kaniya ang nangyari at naramdaman niya rin ang lungkot ko dahil mukha raw akong napag-iwanan at busted.

Exhausted nga kung tutuusin pero kasalanan ko naman. Ako talaga ang may kasalanan. Hindi ko alam kung FO na ba or sadyang busted lang talaga ang nangyari, mas mabuti munang bigyan ko siya ng space ganun din ang sarili ko para makapag-isip ng tama.

Binuksan ko ang pinto ng unit namin habang bitbit ang box ng props. Medyo tinanggal ko na rin ang ikalawang butones sa long sleeve polo shirt ko kanina dahil sa init at pagod. I never felt this before, ngayon lang ako nanglumo, hinang-hina at 'di alam ang gagawin.

After I opened the door, closed it, and headed to the cabinet, I fixed the box inside there. Some dress move aside and a photograph fell and swung right to the front of me.

I didn't hesitate just to look after it and see the photograph belongs to the name written behind it,
'Matheo.' I see myself on the photograph holding a ball came from the familiar janitor.

I felt mixed mad, guilt, pain, pissed off that outrage my body. I felt numbed, betrayed, confused this time.

The door swung opened after a minute of standing there. "O bakit ang aga mo?" habang sinasarado n'ya ang pinto.

"Anong ibigsabihin nito?" bungad ko. Tumingin naman si Mark ng derecho sa mata ko matapos sabihin ang mga katagang 'yon. Tumingin din ito sa litratong tinutukoy ko. "Mark sumagot ka, magpaliwanag ka." Parang nanigas ito sa kaniyang pwesto.

Napailing lang siya at lumapit sa akin upang agawin ang letrato. Inihagis ko lang ang letrato sa hangin at sinuntok ko sa kanang pisngi si Mark. Hindi siya umiwas kahit alam niyang tatamaan s’ya nito.

Sinapo ng sahig ang letrato at saka sinundan ito ni Mark.

"TARANTADO!" sigaw ko sa kaniya. Hinatak ko ang damit niya at inaabangan lang niya ang susunod na suntok ko. Nanginginig ako, parang hindi ako ito.

"I don't....know" mahinang tugon niya kung kaya't nahinto ang kamao ko sa ere.

"Ginagago mo ko. Magpaliwanag ka. Bakit may letrato ko ang cabinet mo? Sino si Matheo? Sino ka?"

"Pasensya." Maikling tugon nito.

Alam ninyo yung pakiramdam na parang pinagkaisahan ka, niloko ka, tinatago ang katotohanan sa'yo. Ganun ang nararamdaman ko.

Sinuntok ko siya ng mahina sa balikat dahil wala na akong lakas para sa lahat ng nangyayari sa paligid ko. Parang lahat unti-unting nawawala ang lahat. Una - nawala ang pamilya ko, pangalawa - sinira ko ang pagkakaibigan namin ni Marthia, ikatlo - may stalker ako na niloloko ako habang magkasama kami sa iisang kwarto.

Napasandal lang ako sa aparador at naupo sa sahig kasama siya. Gulong-gulo ako, hindi ko na alam ang iisipin. Wala kaming imikan at katahimikan lang ang naghari sa pagitan namin. Tumagal rin ng ilang minuto ang pangyayari at tanging mabibigat na paghinga lamang ang naririnig namin sa isa't isa. Hawak lamang niya ang letrato habang naiwan naman ako sa kawalan na tulala at litong-lito.

"Look...Angelo..." panimula nito "...I really very sorry..." sincere niyang paghingi ng tawad pero wala ako sa mood para makipag-usap o kahit makinig. Kung kanina humihingi ako ng mga salita mula sa kanya, ngayon parang nawalan na ako ng gana.

"Fuck off Mark. Stop. Just Stop. I need rest," walang gana kong sagot.

I'm damn mean when I lost, at pagod na. Hinayaan niya lang ako na kusang tumayo, maglakad at mahiga sa kama ko.

ALPHAWhere stories live. Discover now