Chapter 44: The Defendants

8 2 0
                                    

FLASHBACK

September 16, 2019/ 10:00 am

Underground Office

(Office where located unmodified files, government protocols and history of the institutions)

“Ang batas ay batas.” Walang makakabali ng batas sa panahon na kailangan ang katarungan. Pero bakit nga ba nagkakaroon parin ng buktot at kaliwang kaisipan tungkol sa hustisya sa mga bagay-bagay na lingid sa kaalaman ng iba, hindi pantay ang tingin ‘pagkat isinasang-alang-alang ang estado ng isang tao at may mga taong nasa likod ng mga kakatwa at anumalyang mga bagay.

Ipinaalam sa Board of Committee ang napag-alamang misconduct ng isang research paper at instrument ng biyernes na iyon at usap-usapang hindi ito palalampasin sa pagdinig na mangyayari ngayon.

Nakahanda na ang lahat at ilang oras nalang ay sisimulan na ang pagdinig sa kasong kinasasangkutan ng isang team sa nanalo ng premyo sa patimpalak.

Naka-upo na ang walong nasa Board Of Committee sa isang curved desk. Ang nasasakdal sa
kasalanan ay nakaupo sa gitnang harap ng BOC.

Sa likod naman ng nasasakdal ang mga nais manood sa kaso at hindi
maitatangging nandito lahat ang faculty teachers galing sa iba’t ibang department katulad ng Basic Education Department, Senior High Department maging ang College
Department.

Sa kabilang banda, nasa taas ng mga manonood ang dalawa sa pinakamataas ang katungkulan, ang Presidente at Bise Presidente ng Institusyon na hangad rin manood sa diringging kaso ngayong araw ng Lunes.

Pinasimulan ng Director sa pamamagitan ng unang pagbati. Kasunod nito ang pagpapahayag ng layunin ng pagdinig at pagkatapos ay ang paglilitis sa mga nasasakdal sa kasong Plagiarism sa professional level ng institusyon.

Sa totoo lang ay naging mainit na ang usapin ng simulan ng Director ang pagpapahayag. S’ya ang matinik na nanghusga sa research paper ng nasasakdal. Siya ang
naging panelist nito at s’ya rin ang paulit-ulit na babati upang idiin na nagkaroon ng kakatwang kaso sa isang patimpalak.

Inihain ng nasasakdal ang kaniyang gustong ipaabot, ang ngalan ng nasasakdal – Clarisse Custudio. Ibinigay niya ang lahat ng kaniyang makakaya at ebidensya, na ang lahat ng inaakusa sa kaniya ay isang pagkakamali at walang misconduct na nangyari sa haba ng kanilang pagreresearch.

Malinis ang naging hangarin nila. Binigay ang mga detalye regards sa kanilang research topic. Maging ang mga sites na ginamit ay may tamang format at walang halong daya silang nagawa. Ang diskusyon ay umabot ng tatlong minuto upang ibigay ang natatanging mga suporta at ebidensya na hinihingi ng committee sa pamamagitan ng interrogation.

“Do you admit or deny the said allegation against your study?” isang tanong na ka-klaro sa maaari pang susunod na tanong ng Board of Committee.

Kahit na nag-iisa, tumayo siya gamit ang dalawa niyang paa at isang tindig para sumagot.

Dalawa dapat sila ng kaniyang ka-partner na sumasagot sa Board of Committee. Pero hindi na yata mangyayari ito dahil mukha itong natakot.

Masakit para sa isang researcher na mapagbintangan na plagiarized ang kanilang gawa.

Nakakapanglumo ang bawat oras na ginugol nila upang matapos lamang ito. Ngunit kung wala namang dapat ikatakot at kompyansa ang isang mananaliksik sa kanilang hawak na papel, marapat lamang na ipaglaban nila ito. Ganoon na nga ang ginagawa ni Ms. Clarisse.

Nanatiling kalmado at walang pakielam ang Director sa mga sinasabi at ipinapaliwanag ni Ms. Clarisse. Nirecord naman ng apat na recorder ang lahat ng
dokumentong magpapatunay na hindi at walang plagiarism ang naganap. At ang mas mahalaga, walang nandaya.

ALPHAWhere stories live. Discover now