Prologue

139 21 10
                                    

"News flash. Magandang Umaga. Umabot na sa tatlompu't pitong milyong kabataan ang nabigyan ng bagong uri ng gene sa iba't ibang parte ng mundo. Ang bagong uri ng gene ay kilala sa tawag na Alpha gene na kayang magbigay ng kakaibang kakayanan o abilidad sa isang kabataan. Kapapasok rin na balita, isang 'di pa natutukoy na spacecraft ang bumaba mula sa kalangitan ang nakita sa syudad ng Giza at Mexico at maging sa mga pulo ng Easter Islands. Maraming teorya kung saan patungkol ito, pero isa lang ang pinatutunguhan ng mga eksperto, may bantang dala ang mga nilalang na nasa loob nito. Isang footage ang nakunan sa pagbaba ng mga bagay na nanggaling sa spacecraft. Makikita sa video na nakaabang ang hanay ng militar sa parteng iyon ng Amerika nang biglang magpakawala ng dalawang shockwaves ito sa lupa. Ang source ng footage ay galing sa nasawing sundalo na may sulat kamay sa isang papel, "Be wary on mutation". Nanatiling may kwestiyon sa naiwang mensaheng ito na 'di pa matukoy ng mga eksperto. Aming aantabayanan at manatiling nakatutok sa inyong mga telebisyon at radyo. Magandang umaga muli."

"Alien Invasion?" napasinghap ako dahil sa kaguluhang nangyayari ngayon sa ibang mga bansa. Nakakatakot dahil magkakaroon ng digmaan o matinding gulo kapag nangyari ang pagsakop ng mga ito. Hindi lamang mga bansa na nasabi sa balita ang maapektuhan ganun din ang buong sanlibutan. But as the planetary defense said, wala raw dapat ipangamba. Maaayos nila at tutukuying mabuti kung ano ang sanhi ng pagpunta ng mga nilalang na iyon dito sa ating daigdig. Maaring gusto muli nilang kumuha ng tao. Pwede ring gusto nila muling kumuha ng ginto. Pero may isang teorya ang dahilan kung bakit sila muli naparito, narinig nila ang unang pagsabog ng bomba atomika na kumitil ng maraming tao. Tila ito'y hudyat na kailangan na nila muling manmanan ang sangkatauhan.

"Nak, ito na baon mo baka makalimutan mo dalhin" saad sa akin ni Mama habang hindi magkanda-ugaga kung magpe-prepare ba ng pagkain, manonood ng TV at nagpaplantsa ng damit pangtrabaho ni Papa.

"Salamat Ma." Hinalikan ko siya at si Papa sa pinge at papalabas na ng bahay. Nang biglang nadulas ako sa pagtakbong iyon dahil sa pagka-out of balance. Buti nalang at napahawak ako sa may pintuan. Inaatake na naman ako ng vertigo dahil sa epekto ng gene. Samahan pa ng puyat sa kakaiyak nitong mga nakaraang araw. Ang sakit pala ma-heartbroken mga sis. Una ko yorn!

"Oh anak, ano nangyayari sa'yo?" mabilis na pagkalukot ng mukha niya marahil sa pag-aalala. "Wala 'to Ma" pagsisinungaling ko.

"Huwag ka na kaya pumasok anak, natatakot ako na baka maabutan mo ang rally malapit dyan sa eskwelahan mo. Magulo ngayon at baka madisgrasya ka pa. O 'di kaya'y gusto mo ihatid na kita?" Yuong mama ko talaga masyado advance mag-isip, napaka-protective pa. Kaya mahal na mahal ko to e.

"Salamat Ma. Pero paano si bunso, sino magbabantay? May tren naman na kaya madali nalang yun, mauna na ako ha" pasigaw ko. May sasabihin pa sana si mama pero mabilis na ako tumakbo paalis.

Ayokong mag-drive si Mama ng motor at baka usad pagong na naman ang mangyari papunta sa eskwelahan ko. Dati kasi, nakikipagpatintero na nga kami sa trapiko tapos ang kupad pa n'ya. Josko ayoko pa naman nale-late. Yung ibang teacher pa naman sa amin, walang consideration at kapag nalate ka, automatic absent ka, plus school maintenance service, in short paglilinisin.

By the way, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Jwyneth, ang babaeng nagmahal, nasaktan at haharapin ang bawat hamon sa aking buhay, kasama ang mga mahahalagang tao, mga kaibigan at magiging kaibigan.


Artwork Credit:

Esoterica Art Agency. (2017). Alien Invasion [Oil on Canvas]. New York, NY. Pixels (n.d.). Retrieved from: <a href='https://pixels.com/featured/alien-invasion-raphael-terra.html'><img class='imageShare' src='https://render.fineartamerica.com/images/rendered/share/22494571&domainId=12' alt='Buy Art Online' title='Buy Art Online' style='border: none;'></a>

ALPHAWhere stories live. Discover now