Chapter 12: Wound

12 7 0
                                    

FLASHBACK (3 days ago)

Angel Ann POV.

Ang sakit ng ulo ko. 'Di ko ba alam kung dahil ba 'to sa research na lagi ako ang inaasahan.

Napapaisip ako kung bakit ko pa 'to ginagawa samantalang nagleave na ko sa GC namin sa practical research. Di ko sila matiis, gusto ko na matapos yung research namin ng maayos. Kung 'di ako gagalaw, paano sila?

Lagi nalang ako napapatingin sa mga kagrupo ko. Maayos naman silang kasama kaso nawawala yung pagiging initiative nila na magtanong.

Napalingon ako kay Jessie chaka Nehm, sila tong mga tao sa group namin na napaka-iniative.

"Ganda, ito na ung order mo. Sabay lagay nung pagkaing inorder ko sa harap ni Aling Eba na siyang nagtitinda sa canteen.

Gulat nalang akong humarap kay Aling Eba nang sabihin niyang 45 pesos ang inorder kong mac and cheese. Kamahal!

Nabigla ako kasi kulang ung perang dala ko. Barya lang 'to na piso-piso na hiningi ko sa mga kaklase ko sa room.

"Ate Oh, dagdag para sa kulang nitong babaeng katabi ko."

Nagulat naman ako sa kaklase kong tahimik lagi. Stress kung lagi mo makikita. Kaya ayun tuloy ang payat-payat.

"Tinitingin-tingin mo dyan?" Masungit na tanong ni Gelo.
Diko ba alam kung tatawa ako o hindi. Minsan kasi nagjojoke siya pero yung mukha niya nakapoker-face.

"Ang sweet mo naman Gelo, tenkyu!" Sabi ko na pabebe mode.

"Wala lang, bakit masama ba tumingin sa gwapo mong mukha Gelo?" Tanong ko.

"Hindi naman. Is that compliment? Bawiin ko na po yung dinagdag ko." Sabi nito kay Aling Eba.

"Uyy grabi naman toh! Peace tayo Gelo. Tenkyu ulit... "

Jusko ano ba naman tong mga kaklase...SO WEIRD, But KIND AND SWEET.

Kinuha ko na ang inorder ko at umupo na sa harap ng mga kagrupo ko. Kasalukuyan kaming gumagawa ng research dito sa baba dahil naka-locked ang room. Lahat ng teachers ay kasalukuyang nasa meeting.

Sumasakit ulo ko dahil sa dami ng iniintindi. Gusto ko umiyak kaso parang ang arte ko naman kung ganun. Yakapin ko nalang si skatty ko mamaya.

Yung pinagmi-meeting-an kasi is about the genes this Friday. Pero walang consent ng magulang na binigay sa amin kaya magkaroon ng rally sa Monday. Kinausap ako kanina ni Ma'am Clarisse tungkol sa genes na ito at lahat ng Senior
High student is required na makakuha.

"Guise good news sabi ni Ma'am Clarisse" paunang wika ko. Galing kasi ako kanina sa faculty room bago dumeretcho dito sa canteen.

"Mawawalan ng pasok sa Monday."

Ay Bongga natuwa lahat sila.
Napatingin yung ibang section sa kinaroroonan namin na may ngiti sa labi.

Gagawa palang kasi ng memo about doon.

"Legit yan Gel?" sabi ng kaklase kong ma-clarify at ubod ng hands-on na si Jwyneth.

"Oo bhebs, pero 'di tayo kasama, I mean lahat ng Senior High is still may pasok. Ang Pre-school, Elementary, Junior High at College students is wala."

Napabugnot naman sa simangot ang lahat. Lalong-lalo yung mga kaklase kong nagrereklamo kapag walang nagtuturo. Tendency walang matutuhan. Pero kapag may teacher na sa harapan. Hayun! Angal ng angal. Yung totoo saan lulugar mga teacher?

"Magkakaroon or itetest yung blood natin mamaya, pagkatapos after makita kung
anong type ng blood natin, may gagawin silang operation. Ewan ko, sabi ni Ma'am Clarisse. Venue, room 102 sa New Building, sa harap ng Faculty room para ro'n. Wala nga lang consent sa magulang."

ALPHAWhere stories live. Discover now