Chapter 64: Awakening from the Dark

8 2 0
                                    

Jwyneth's POV

Sa bawat araw na lumilipas, isa lang ang goal ko, mahanap ang tunay na nangyari kay Kenneth.

Kasama namin siya sa experiment na kung saan ang bawat pangyayari ay parang katotohanan, pero isa lamang kathang isip at tinetest lang ang kakayanan ng isip namin na mag-isip sa sitwasyon na gawa lamang ng malikot na pag-iisip nila Ms. Raghel at Mr. Vincent.

Yuon raw ang kauna-unahang experimental test para subukin ang capabilities ng isang estudyante kung mako-kontrol niya sa isip ang kaniyang abilidad. Kung makontrol ng isang tao sa kaniyang isip ang ability niya, at kakayanin niyang isa-isip na kaya niya, sa reyalidad, magagawa niyang kontrolin ito.

Sa dinami-rami ng pinag-aralan ko sa library, mabuti nalang nakasama ko si Angel Jhan sa planong ito. Sinama rin niya si Aljohn, incase na kailangan ng man power at taga kalikot.

Napag-alaman din kasi namin na kayang magkumpuni ni Aljohn at kayang magbasa ng manua wirings.

Nasa isip ko sila Teody Lyn o kaya sila Dave na may alam sa mga computer system pero mukhang abala sila sa kani-kanilang gawain.

Si Teod, todo sideline para sa Working Points (WP) parin, habang si Dave, laging kumpleto ang bebe time kay MJ (Mary Jane for complete name).

Mabuti nalang nandito ang mga ito, kundi dahil sa kanila, hindi mabubuo itong device na ito na siyang magiging susi upang malaman ang nasa isip ni Kenneth.

Kung tutuosin, mala-professor X ang datingan mula sa X-men, ang kina-iba wala pang ganoong technology sa reyalidad, tanging visuals sa monitor lang ang makikita sa pamamagitan ng mga electric impulse mula sa utak ng tao ang makikita.

There's no such colors but just atomic particles na may formation, and sound waves na nata-transcript into understandable audio ang makikita sa monitor kung ano ang kasalukuyan at memorable na nasa isip ng pagkukunektahan.

Nasubukan namin ang device na ito sa unit namin ng kasama ko. Kinunchaba ko na rin at full detailed kong in-explained ang lahat sa kaniya. Kasama sila Aljohn at Angel Jhan, na-witness namin ang kamangha-manghang bagay na nagagawa nito.

Nagvolunteer si Angel Jhan na magamit sa kaniya ang siyang device at kaming dalawa ni Aljohn ang nag-operate. Then lumabas sa monitor ang pinakatatagong memory ni Angel Jhan which is memorable para sa kaniya, ang panahon na kung saan nagpalitan sila ng mga salita ni Aljohn sa harap ng papalubog na araw.

Tinanggal kaagad ni Angel Jhan sa kaniya ang siyang head connector para matigil ang visualization dahil na-conscious na siya at private time nila ni Aljohn 'yon.

Nakatawa naman si Aljhon sa inasal ni Angel Jhan. "You're so cute." Ani Aljohn kay Angel Jhan kung kaya't namula ang pisngi nito.

Hinampas naman ni Angel Jhan si Aljohn sabay ngiti.

Sa kabilang banda, akala ko imposible na magawa pa ito, credits nga pala kay Charles na siyang may-ari ng flashdrive na kailangan ng system nito.

Kinailangan kasi ng system ng flashdrive para mai-restore ang mga back-ups at other data na laman nito incase raw na mag-shutdown at mag-reset ang device, depende sa options.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras. Tinaymingan (timing) namin ang paglabas namin sa unit namin habang bitbit-bitbit naman ni Aljohn ang mismong device.

Tinakpan namin ito ng itim na tela para walang makaalam tungkol dito. Marami-rami nakakapansin nito pero hindi naman nila tinatanong. Wala na kasing pakielaman sa mga ginagawa ng iba. Ika nga nila MYOB (Mind Your Own Business.)

Nakapasok na kami sa kwarto ni Kenneth. Pansin namin ang pag-impis ng kaniyang pisngi. Pumayat siya ng sobra na 'di namin aakalain. Nagmukha siyang matangkad. His eyes still like that...chinito. Hindi rin ako sanay na wala siyang salamin sa mata.

ALPHAWhere stories live. Discover now