Chapter 13: Violet

11 7 0
                                    

PRESENT

Harvey’s POV

‘Di ko alam kung ano mararamdaman sa oras na mga iyon. Parang isang panaginip na
sana, 'di na ako magising.

Matagal ko nang pangarap yun, mahawakan ng matagal ang malalambot na palad niya. Mahimbing sa kanyang balikat amoy-amoy ang sing
bango ng samyon na buhok niya na parang mga alon. At sa tuwing iipit niya iyon na parang pony tail, napaka-hot n'yang tignan.

Ano ba 'tong mga iniisip ko?..

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway pababa mula rito sa 2nd floor ng New Building since tumigil na ang lindol. Sa wakas ay makakababa na rin kami. Iniwan
kasi kami nila Dave, kukutusan ko talaga ng malakas ung kupal na 'yon.

Madilim syempre ang paligid na tanging nagliliwanag lang ay yaong relo ni Dianne. Cool kung titignan ung relo, color black at may maliit na lente 1mm lang ito kung oobserbahan. Nagtataka ako kung bakit gano'n? Blink lang ng blink sa mabagal na tempo.

A few meters away, nakita ko na yung neon color sa mga steps sa hagdan. Buti nalang medyo matalino ang designer ng Hawkson, para nga hindi naman matapilok ang sinomang aakyat o bababa ng hagdan ay naglagay sila ng mga glowing marks na
nagre-recharge sa lente ng ilaw.

Pagbaba namin, nakita namin ni Dianne na napakaraming nagkukumpulang estudyente sa harapan ng canteen na kung saan madalas pumaparada yung mga sasakyan ng mga opisyales ng school.

“Ano kaya nangyari run Vey?” tanong sa akin ng maganda kong sinta.

“’Di ko alam, baka may tumalon galing sa taas ng 4th floor, ‘di na kinayanang mag-stay dahil lumilindol, kaya ayun, nagpakatihulog nalang, mas okay nga naman na mapilayan ka kaysa sa maguhuan ng building.

Binatukan niya ako ng pagkabilis-bilis dahil sa biro ko. Sa liit nyang yuon naabot niya ulo ko. 'De joke lang. Hanggang balikat ko kasi height niya.

“Aray ko, nagbibiro lang ako, sadista ka masyado!” pagtatampo ko.

“Ahh magtatampo ka pa nyan? OH HETO! ” sabay karipas ng takbo.

Nyemas tinadyakan niya nang pagkalakas-lakas yung binti ko. Napahimas tuloy ako ng de
oras.

“Oi saglit lang, hitayin mo ‘ko!”
Inunahan niya na ako at nakisiksik na sa mga nakatayong mga estudyante. Agad ko naman s'ya sinundan.

Sa Peripheral Vision ko, hindi ba ako nagkakamali, nakakakita
ako ng maraming sulo sa bawat corner ng first floor? Bago yun ah!

Bumagal ang pagtakbo ko sa paghabol kay Dianne at inoobserba ang paligid.

Teka bakit ang dilim? Diba tanghaling tapat palang. Naguguluhan ako. ‘Di ko
alam kung ano na nangyayari sa Hawkson. Buset pasarado na nila 'to. Inis kong sinipa yung plastic bottle, at tumilapon iyon sa paa ng isang malaking, matabang lalaki.

“Zeus?” Naaninagan ko agad ang mukha niya. Malungkot. Mesirable. Puno ng kawalan.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at binigyan espasyo naman ako ng mga taong nakasalubong ko. Tinitigan kong maigi kung sino yung babaeng nasa likuran niya.

“Angel Ann?”

Bakit umiiyak si Angel Ann? Anong nangyari?

Tumakbo ang isang babae papunta kay Angel na halos katulad din nyang mala-alon ng dagat ang kanilang mga bohok. Labo kasi ng paningin ko, si Dianne lang pala.

Tinangka ni Dianne na hawakan si Angel Ann, ngunit umiwas si Angel na may takot sa kaniyang mga mata.

“Ako ito, si Dianne. Ano nangyari sa’yo ate Angel?”

Walang imik si Angel Ann sa tanong ni Dianne. Tinangkang hawakan ni Dianne ang kamay ni Angel pero ganoon parin ang nangyari.

Sa isang iglap ay ang kakatwang
katawan ni Angel Ann ay unting-unting nagpira-piraso sa mga maliliit na particles na
kumikinang na lila.

Mula sa hangin ay nag-disintegrate na ang katawan ni Angel Ann sa mga kumikinang na bagay na ikinabagsak naman ng katawan ni Zeus.

Nakasubsob siya sa parteng iyon na parang nawalan siya ng lakas para tumayo. Naghihinagpis ang puso niya ng mawala ng tuluyan ang figure ni Angel. Patuloy sa pagpukpok ng kanyang mga kamao sa sahig para lang maibuhos ang kaniyang nararamdaman sa sementong iyon.

'Di ko alam kung ano ang mararamdaman sa oras na mga ito. Paalam Presidente ng School Council, aming mabuting kaklase, Angel Ann.

-

Matapos ang nakapangingilabot na pangyayari ay tumakbo ng mabilis si Dianne palayo sa karamihan.

Sinundan ko ng tingin kung saan s’ya papunta – sa loob ng CR.
Pero walang sindi ang mga ilaw. Ano gagawin niya ro'n? IIhi? Di bale meron namang umiilaw na relo ‘yun at selpon. Intayin ko nalang siya malapit sa hagdan para magkita kami.

Lumakad paparoon ang aking mga paa upang makaupo man lang sandali. Nang biglang sa gawing kaliwa ay may nakita akong lumiwanag. Nagkakuryente na kaya?

Tinunton ko sakali kung saan man ako dalhin ng aking paningin.
Nakita ko yung chapel, nagkaroon ng ilaw. Nung dumaan kami ni Dianne dito wala namang ilaw. Ano 'yon, dito lang nagkailaw?

Tinignan ko yung gawing kung saan kumakain ang mga estudyente. Madilim. Nakakapanindig balahibo sapagkat may mga sulung may apoy dito.

Bumalik na ako sa ibig kong pwesto para hintayin sa paglabas si Dianne.

Nang pagkakita ko ay nakabukas na ang pintuan ng CR. Siya lang ang may lakas ng loob na nagtangkang mag-CR. Pero bakit nakabukas ang pintuan?

Marahil ay nakalabas na s’ya. Pero saan naman s’ya pupunta ng hindi ako kasama?

Bumukas ang pintuan ng banyo ng lalaki. At doon ko nasipat ang nilalang na may pulang mga mata.

ALPHAWhere stories live. Discover now