Chapter 10: Decoded

22 9 0
                                    


"Good afternoon everyone. Thiss letter is guiade por eaech of Yhou to knoaw vwhere tha safe plance is. Decoude this mnessaged oen the scrreen emit by the flagg poler abouve. Thne protocol is unger implementation by governmens of the naation. Please be sakfe aend use yourt ability if you haveh controle. Thosce whho aian't fpound yet their'se, find ways to fight. Glood Luck.."

Thiss.... S (misspelled word)
guiade.... A (misspelled word)
por... F (incorrect letter)
eaech.... E (misspelled word)

yhou.... H (misspelled word)
knoaw..... A (misspelled word)
vwhere.... V (misspelled word)
tha..... E (incorrect letter)
plance..... N (misspelled word)

Decoude..... U (misspelled word)
mnessaged... N
D (misspelled word)
oen..... E (misspelled word)
scrreen... R (misspelled word)
flagg.... G (misspelled word)
poler.... R (misspelled word)
foor... O (misspelled word)
abouve..... U (misspelled word)
thne..... N (misspelled word)
unger..... D (incorrect letter)

governmens... T (misspelled word)
naation... A (misspelled word)
sakfe... K (misspelled word)
aend... E (misspelled word)

yourt... T (misspelled word)
haveh... H (misspelled word)
controle... E (misspelled word)

thosce.... C (misspelled word)
whho.... H (misspelled word)
aian't..... A (misspelled word)
fpound... P (misspelled word)
their'se... E (misspelled word)
Glood... L (misspelled word)

"SAFE HAVEN UNDERGROUND TAKE THE CHAPEL"

Na-decode ni Teod ang mga nakasulat sa text na iyon na nasa itaas ng flag pole.

Ito ay sa pamamagitan ng paglilista ng mga salitang may mali sa pagbabaybay.

Narito na ang lahat ng clue at tinuturo nito ang Chapel na nasa gawing dulo na sobrang dilim din dahil walang ilaw dito.

Nanghihina naman si Angel Ann dahil may kakaiba itong nararamdaman.

Umaatake na naman ang panghihina ng kaniyang buong katawan. Naiwan nito ang bag
niya sa kaniyang building at naroon ang meds na prescribe ng kaniyang doctor.

Lumapit sa kaniya ang mga kaibigan niya. Nanguna si Zeus habang abot nito ang tubig kay Angel Ann.

Nakatingin lang si Teod kay Angel Ann na mukhang alam nito ang nadarama ng kaniyang matalik na kaibigan.

Napatingin si Angel Ann sa abot na bote ng tubig ni Zeus. Kinuha na niya ito at pinanatili ito sa kaniyang kamay ng ilang segundo bago inumin.

Hawak na niya ito, at ilang sandali lang, dumulas o biglang nalaglag sa kamay ni Angel Ann ang bote dahilan upang tumapon ang laman na tubig.

Tuluyang nagulo ang isip ni Angel Ann at minamasahe ang sariling kamay na may kakaibang nangyayari dito.

Sinubukang pakalmahin ni Zeus si Angel Ann sa pagtangkang pagyakap nito pero ang mga braso n'yang iyon ay tila mainit na hangin lamang ang yumakap sa kaniya.

Tumagos ang malalaking braso ni Zeus kay Angel Ann. Nagulat ang mga kaibigan nila na nakakita ng pangyayari. What happened to them? What happened to Angel Ann?

Nakaloloko ang nangyayari? Hinawakan muli ni Zeus ang braso ni Angel. Pero ganun parin ang nangyari. Tumagos lang ang kamay niya sa balat ni Angel.

Naramdaman ni Angel Ann ang init ng mga palad ni Zeus. Nagkatinginan sila mata sa mata.

Disbelief reign to Zeus mind while, Angel Ann got astonishing face.

Her eyes beads with tears na nagpatuloy sa pag-iyak. Her hair looks mistreated. She run
over Zeus with confusion and as expected, tumagos lang ang katawan ni Angel Ann sa
katawan ni Zeus.

Her eyes burst on tears. No one can comfort her as nobody can touch her. Sinapo lang siya ng malamig na semento.

"Skatty, anong nangyayari? Bakit 'di kita mayakap? Anong nangyayari? Patay na ba ako? Kaluluwa na ba ako? Bakit 'di kita mahawakan? Namatay ba ako sa loob ng room?" hysterical na pagtatanong ni Angel.

Nanlaki ang mga mata ni Zeus. Nag-iinit na rin ang gilid ng kaniyang mga mata.

"Hindi skatty, hindi..." pabulong na sabi ni Zeus habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao sa kanyang gilid. Nagpatuloy ang pangyayaring yaon. Magkatalikod silang dalawa habang nakatayo si Zeus at nakaluhod si Angel sa semento.

Nakatingin nalang sa gawi nila ang kanilang mga kaibigan habang nakapalibot sila kay Zeus at Angel Ann.

Hindi rin nila alam ang kanilang gagawin sa totoo lang. Napaluha ang ilan sa kanila.

Pinakikiramdaman lang ang bawat isa. Maingay sa ibang dako, pero sa kanila; binalot ng matinding presensya ng kapighatian.

Tinatanglawan lamang sila ng mga nagniningas na mga apoy mula sa sulo.

Akbay-akbay si Raven ng kaniyang girlfriend dahil mukhang nagkaroon ito ng sprain sa
ankle nito mula sa pagkakalaglag kanina.

Si Sydny naman nakapwesto ang kaliwang braso sa harapan ng kaniyang tiyan at ang kanang kamay ay nakatakip sa labi na parang may iniisip.

Si Miguel naman ay nakatitig kay Ann (Ex ni Miguel) na parang may tinatanong ito mula sa kalayuan, kung okay ba si Ann.

Nagkakaintindihan ang dalawa kahit sa mga simpleng titigan na
iyon. Tumango si Ann.

Naintindihan ito ni Miguel at dumako na ang kanilang tingin sa
dalawang importanteng kaibigan nila na nasa kanilang harapan.

-

-

"DIANNE"

"DIANNE..."

"Nasaan ka? Okay ka lang ba?"

Sumisigaw si Harvey hanap-hanap si Dianne. Nasa magkabilang parte sila ng faculty. Naghahanap ng clue kung bakit wala ang mga teacher.

Naramdaman nila ang lindol, mabuti at puro lamesa ang naroroon sa faculty room at doon pumailalim magkahiwalay ang  dalawa.

Matapos ang paglindol, pinuntahan ni Harvey si Dianne sa kabilang parte ng faculty.

Nabahiran ng pagtataka ang kaniyang kaisipan ng may makita siyang asul na liwanag sa sahig na nagre-reflect sa likod ng lamesa.

"Dianne, ikaw ba 'yan?" tanong ni Harvey habang dahan-dahan na lumalapit para tignan ang asul na liwanag.

Sumakit ang ulo ni Harvey na ikinangilo ng kaniyang buong katawan. He got dizzy after few seconds at lalong humina ang kaniyang pandinig, nawalan rin siya ng balanse at nanlabo ang paningin marahil ay dahil sa lindol.

Nangapa siya. Tawag-tawag pa rin ang ngalan ng babaeng kinahahangaan niya.

"Dianne, ikaw ba 'yan?" bigkas muli ng kaniyang labi.

Lumabas sa kinaroroonan nito si Dianne; sa ilalim ng mesa ni Sr. Vince.

Hinawakan ni Dianne ang kamay ni Harvey. Patuloy si Harvey sa pagsasalita habang nanlalabo parin ang kaniyang paningin. May sinasabi si Dianne. Alam ito ni Harvey dahil bumubuka ang bibig nito pero hindi niya maintindihan.

Tuluyang bumagsak ang katawan ni Harvey at napasapo naman sa katawan niya si Dianne na may gulat na nadama.

ALPHAWhere stories live. Discover now