Chapter 35: You Can Manipulate Your Own Bed Dream, But Not Only You

7 2 0
                                    

You can manipulate your own bed dream, but not only you!

Isang palaisipan parin kung bakit nga ba nanaginip ang isang tao.

May mga bagay tayong nakikita sa bawat pagsara ng ating mga talukap. Natuto tayo doon na maging masaya, malungkot, magalit, mamighati at iba pa. Na kahit na nasa dilim ang paningin natin sumandali ay bigla nalang magkakaroon ng mga bagay, kulay, ingay sa paligid natin.

Napag-isip-isip na ba natin na may mga bagay tayong dito lang makikita? O marahil nagawa na ba nating manipulahin ang panaginip natin na kung saan hawak natin ang katutunguhan nito?

Isang failure ang naganap sa loob ng isang pasilidad ng institusyon. Nag-error ang system sa mga computer na puro warning sign ang nag-pop-up sa lahat ng screen.

Sa kahiwalay na restricted wards nakahimlay ang ilang daang estudyante sa ilang daan ding mga kama. Naka-organisa silang lahat batay sa kanilang apelyido at pati
kasootan ng bawat isa ay hindi na uniporme kundi mga naka-white scrub suit na sila.

Pumasok ang isang naka-formal white suit na lalaki sa pasilidad ng babae.

Malakas ang karisma, may salamin sa mata, makakapal na kilay, may matangos na ilong, at mapulang labi. He's so attractive para kay Ms. Raghel.

Ang pumasok na lalaki ay galing sa isang restricted ward kung saan siya ang bahala sa mga estudyanteng mga walang malay.

He was the boss there at kahit assistant ay hindi niya kailangan. He doing his work all alone and that was enthusiastic. Para siyang doctor na mag-isang nagtatrabaho sa Intensive Care Unit.

Siya si Mr. Vincent (Vince for short). Isa siyang professional na instructor at research worker sa Institusyon na ito. Kasama siya ni Ms. Raghel sa research na may iisang layunin.

"Is everything under control?" Malalim na boses ang dumeretcho sa tenga ni Ms. Raghel galing kay Mr. Vincent. That was new for her to hear that sound of man asking her. Walang emosyon.

Napailing nalang siya without turning her head to that man behind her.

"Do something before they wake up." Ika ni Mr. Vincent kay Ms. Raghel na ang kapal ng lipstick at pang model ang datingan. She is Extravagant in this kind of her
personality.

Regards on her personality, alam niyang wala siyang ginagawang masama. Then, there were some students na kaya siyang saktan.

Palibhasa nadala lamang siya ng
pagiging cleany niya kaya niya nagawang pagbuhatan ng kamay ang isang dalaga. At ayaw niya sa maruruming bagay o marahil sa taong marumi na rin.

She wants everything clean and best sa paningin niya. She rather choose to wear white color wardrobes than this black fitted outfit na humuhulma sa katawan niya. Well its pretty sexier at nagmukhang desente kaysa sa teacher unit dress niya dati ng nagtuturo pa siya.

Nasa kasalukyan siyang research sa institusyon na iyon kasama si Mr. Vincent.

Para magawa niya ito, they needs hundreds of students to become part of the research. At siya ang utak ng konsepto ng manipulasyon ng bawat bagay. Her animation skills is beyond expectations ng marami. It was even real and no doubt there's no one would notice all are just illusions inside experiment, except their consciousness.

Neurological Computer Technology o NeComTech ang isang bagay na
kinahahangaan niya. Sa pamamagitan nito, ang mga advance na bagay katulad ng
computer ay maaaring kumunekta sa mga stimulus, neurons at faculties ng isang tao.

Kaya nitong hasain ang abilidad ng isang indibidwal at ilabas ang tunay na energy na meron ito.

Si Mr. Vincent ang nagtrabaho sa pagkabit sa membrane ng bawat estudyante gamit ang computer system na dinevelop ng mas superior sa kanila sa Institusyon na iyon. Habang si Ms. Raghel naman ang gagawa ng mga bagay na pwedeng ma-manipulate at i-input sa bawat brain membrane ng mga estudyante gamit ang computer technology.

Sa malaking screen makikita ang bawat outcomes ng ginagawang pagma-manipulate ni Ms. Raghel sa iisang panaginip na kung saan nakalagay ang ilang daang
estudyante na nangangarap makalabas sa isang maze. Isa lamang itong manipulasyon sa
utak at eksperimento upang tulungan ang ibang bata na makita o madiskubre ang kanilang abilidad.

Naging mahirap ito sa kaganapan ni Ms. Raghel dahil iba-iba ang frequencies and electrical impulses ng utak ng tao at lumiligwak o nawawala sila sa daloy ng iisang panaginip na gawa nito.

Nagkakaroon pa sila ng isang panaginip sa kanilang panaginip katulad ng nangyari sa isa niyang estudyante na nagngangalang Harvey.

Si Mr. Vincent naman ang mag-momonitor ng heartbeat, pressure at iba pang vitals ng bawat estudyante na kung sakaling magkaroon ng mali ay sasabihan niya agad si Ms. Raghel, at magawan niya ito ng paraan o iibahin ang mga pangyayari.

Ang babae ring ito ang nag-activate ng ulan sa panaginip na 'yon upang mabawasan ang difficulty sa loob at mas lalong maka-survive ang mga estudyante sa mga pagsubok.

At kung magkaroon ng masamang pangyayari sa estudyante sa loob ng panaginip na iyon, may order sa kanila na ipagbigay alam agad ito sa Director, at ibang tao na ang
bahala dito. May possibility kasing maapektuhan ang katawan ng tao sa reyalidad na mundo dahil sa nangyari sa loob ng experimentong panaginip.

Kapag nangyari ito, nawawalan ng control si Mr. Vincent. Kapag nagpatuloy sa masamang mutation ang katawan dahil sa genes, nawawalan na ng pag-asa pang
mabuhay at gumising sa realidad ang isang indibidual sa device na ito.

However, Ms. Raghel and Mr. Vincent only need to do is to give watch and focus to their research slash experiment para matulungan ang mga bata. Kailangan na silang
ihanda at malaman ang kanilang abilidad kung kaya't pinepwersa na sila, order ng Director.

Sa kasawiang palad tumugon si Ms. Raghel. "It's obviously damaged. My servers and computers has been destroyed by this..." tukoy niya sa buhangin at lupang nakasiksik sa mga hardware parts ng computers at servers. Maging tinukoy niya rin ang mga disconnected na cables at napag-alamang may pumutol sa mga ito.

Her heart was damaged by this kind of catastrophe in her facility.
Nanghihinayang siya.

Dumampot ng isang square device si Mr. Vincent sa kaniyang bulsa. He softly pull the both edges into opposite side ways at tumawag gamit ito.

It's an intra-cellular device na one way communication process lang ang function.

Sinabi niya ang bawat detalyeng nasaksihan nila. Mga failures at errors sa mga bagsak na system. Pinagbigay alam niya rin na marahil kumpleto na ang data at na auto-backup na sa device ni Ms. Raghel ang lahat. And at last, he pushes the screen to end the call.

Napalingon-lingon muna ito sa kaniyang paligid bago nagsalita – "Where is the garbage bin?" seryosong tanong ni Sr. Vincent kay Ms. Raghel.

"At the front of doorway exit where you entered ago. I don't like the presence of dirt inside my facility" Tugon naman n'ya.

Tumaas ang kilay ni Sr. Vincent. "Sa dirt ang tao nagsimula" trivia niya. Fact or Truth ba sinasabi niya? Sabay silang lumabas sa pintuang iyon. He put his shoes to the lever of dustbin to open the cover of it. And then he left the device there na bigla nalang
umusok.

May auto destruct ang lahat ng one way communication device. The phones are prohibited kaya mga device ng institution ang ginagamit nila.

Kasabay din nilang lumabas ang iba pa na tauhan sa pasilidad na iyon.

Nagpaalam ang dalawang babae na magbabanyo muna at susunod nalang sa kanila.

Kung nakamamatay nga lang ang tingin, patay na siguro itong dalawa na ito nang dahil sa titig nitong si Mr. Vincent.

Lumapit sa kanilang dalawa si Mr. Vincent at inobserbahang maigi ang kinikilos nila.

"Why are you so shaky?" tanong nito sa isa.

Deretchong sumagot ito na may deretchong tingin mata sa mata sa lalaking nasa harapan n'ya, "Sr. kanina pa ko nagpipigil, if you consider my reason please excuse me with her.

"Bakit ba ang mga babae kapag magsi-CR lang, kailangan pa ng kasabay?" pabulong nitong tanong saka tumalikod. Mukha namang wala itong pakielam bakit niya
pa itinatanong.

Tumalikod na ang dalawa na nagmamadali gumamit ng CR.

Napahinto sa paglalakad si Mr. Vincent at iniutos niya sa isang Security na bantayan sa labasan ng CR ang dalawa. Naghihinala siya na may ibang nakapasok sa
pasilidad nila upang sirain o manmanan ang mga pag-aaral nila.

ALPHAWhere stories live. Discover now