Chapter 43: Defense-Offense Mechanism

4 2 0
                                    

Nagmamadali na silang makabalik kasama ang batang may angking kakayanan din.

Hawak ng estranghero ang mga gamit, habang sinabi naman nito na hawakan ang batang babae sa kaniyang dalawang apprentice.

Padaan na sila ng cross lane habang sinusundan ang pedestrian lane. Ang kalangitan ay kumukupas na ang angking liwanag at napapalitan na ng mga madidilim na kulay.

Nasa unahan ang tatlo na kinakabahan na. Dumidilim na at malayo-layo pa ang kanilang tatakbuhin.

Sa likod ng tatlo ay nakasunod ang estranghero na bitbit ang lahat. At hindi namamalayan ng lahat na may nagmamatyag sa kanila salungat sa direksyon nila na 50 metro ang taas.

Meron itong tatlong mga nagtataas-taasang binti. Sa tuktok nito ang pinakacontrol system na pinoprotektahan ng bilohabang mga bakal. Isang Trigod.

Agad nitong tinutukan ng angkin nitong liwanag na ikinagulat ng apat na ‘di magkamayaw sa pagmamadali.

“Bilis.” Baliktanaw ng nakatatandang estranghero. Agad nitong ipinadyak ang kaniyang binti sa lupa. Umangat ang tulos na bato. Tumira ito na parang kanyon sa bilis sa gitna ng hangin.

Pinasabog ito sa isang tirahan lang ng sinasabing Trigod.

Nakaagaw ito ng pansin sa ‘di kalayuan na parte ng Angeles. Nahumaling ang mga kakaibang nilalang sa ingay na dulot ng pagsabog. Tila ang mga ito ay mga halimaw. Nilalang na ‘di masukat kung anong klaseng hayop na malapit na malapit ng maagnas ang buong katawan.

Ang katawan naman ay nababahiran ng mga tuyong dugo
at ang mga balat ay mistulang mga nagbibitak-bitak sa sobrang panunuyo. Walang mga mata ngunit ang pandinig ang siyang nagiging balanse upang makakilos ito. Matutulis na ngipin na pangkagat sa nakakatakam na leeg ng mabibiktima nito. Ang mga kuko na tagos sa laman ang tindi.

Bilis ay doble sa takbo ng tao. Kapareha ng mga halimaw na
nakasagupa nila sa loob ng mall na may mutated genes na kung tawagin ay Gamma genes.

“May darating. Marami sila. Mga nakakatakot na nilalang.” Ika ng batang babaeng nagngangalang Beatriz. Napaluha ito habang tumatakbo.

Ang mga yabag na ito ang pumatay sa tahimik na pamumuhay ng kaniyang kabaranggay. Wala siyang nagawa dahil nagkibit balikat lamang ang mga ito.

Sinabihan na niya ang kaniyang buong kabaranggay. Pero ang naging balik lamang sa kaniya ay
baliw na anak ng kapitan. Kapitan ang kanyang tatay habang mabuting may bahay naman ang kaniyang nanay. Protektado ang kanilang pamilya ng kanilang mga tauhan at gwardiya ngunit hindi ito sapat dahil walang bala ng baril ang kayang patayin ang ganitong klase ng nilalang kung hindi ito patatamaan sa ulo.

Humagis sa gitna ng daan ang isang taxi na naging sanhi ng paggulo ng ilang nakaharang na sasakyan. Nagliyab ito at sumabog dahilan ng isang laser na kagagawan ng Trigod.

Wala ng makakapigil pa sa gutom na sikmura ng mga halimaw na nasa kabilang ibayo. Nagtatalunan na ito sa mga fence na nakaharang sa palibot ng Astro.

Kusang naghiwalay ang panga ng dalawa. Ganuon na ba talaga katagal silang hindi nakita ang mga ganitong halimaw? Nagmutate na ito at patuloy sa pag-akma sa
daigdig na kanilang magiging kanila at hindi na tao ang siyang nasa taas ng uri ng hayop. Dahil ang mga ito ay walang sinasanto at inaayawan.

Takot na ang naghari sa isipan ng tatlong babae habang gumawa ng paraan ang estranghero upang ma-divert ang atensyon ng mga halimaw.

May naisip ito pero kabaliwan ang gagawin ng dalawa nitong apprentice.

Tumatawid na sa malawak na damuhan ng astro ang mga mababangis na halimaw na iyon. At nauubusan na sila ng oras, kailangan nang isagawa ang plano.

Isinagilid ng estranghero ang kanilang mga nakuha mula sa isang mall. Mabilis niyang pinapwesto ang dalawa sa itaas ng isang kotse na kulay pula.

Minanipula niya ang mga maliliit na tipak ng bato sa daanan, ng sa gayon derederetcho ang pagpapatama ng laser sa isang tuwid na pagtira ng mga bato papunta sa Trigod.

“Ngayon na.” Pagkatapos ng pinakadulo ng atake ng estranghero ay tumalon mula sa itaas ng pulang kotse ang dalawa na magkahawak ang kamay. Muli nitong ginamit ang defense-offense mechanism ability.

Tumama sa ability ng dalawa ang atake ng Trigod at kumawala sa kabilang dimension ang laser beam na dumiretcho sa gitna ng kahabaan ng daan at sidewalk.

Nagliyab ang napakalaking apoy
sa tulong ng leakage ng diesel mula sa mga kotse na dumaloy sa gilid ng daan.

Tumalon ng 2 metro mula muli sa kotse ang dalawa upang makahakbang sa mataas na apoy at makabalik muli sa sidewalk. Tinulungan kargahin ng tatlong babae ang mga nasantabing mga pangangailangan.

Wala na nagawa pa ang mga halimaw na ito dahil hindi na body temperature ang nararamdaman nila kundi ang init ng apoy na
nakakakalat sa gitna ng kahabaan ng daan at sidewalk.

Taimtim na katahimikan at kapayapaan ng kalooban ang namutawi. Nakahinga na rin sila ng maluwag nang nasa pader na ang atensyon nila. Binuksan at sinarado ang nagtataasang pader, ini-activate ang electromagnetic barrier na ginawa ng estranghero.
Mas enhanced ito at mas malaking diameter ang kayang maprotektahan ngunit mas malaki ito at nakalagay sa pinakatuktok ng pinakamataas na building ng
Hawkson.

Matapos ang ilang minuto ng pagpapahinga, bumaba na rin ang pulse rate nila. Nabawasan na rin ang adrenaline rush sa buo nilang katawan. Gumawa ng Bon Fire si
Angel Ann na dating laging tagagawa ng apoy sa tuwing may scouting during junior high
days, na-master na niya yata ang paggawa ng apoy, habang nag-prepare naman si Dianne
ng tinapay, jam at porridge na kakainin nila ngayung hapunan.

“Pasensya na at hindi namin nailigtas ang tatay mo.” Pag-open ni Angel Ann.

Niyakap ng dalawa ang ulilang si Beatriz na parang itinuturing na nilang kapatid.

Napangiti si Beatriz sa kaniyang loob-loob dahil may mga ganitong taong kayang i-approach ang damdamin niya sa gitna ng pagdadalamhati.

“Minsan na tayong namatayan huwag na nating hayaang dumami pa ito.” Ani ng estranghero na siyang tumutulong sa dalawa na lalo pang malinang ang kanilang bawat kakayanan. May dahilan ang lahat ng nangyayari sa isang tao. May mga tao talagang
nawawala sa ating piling, mga kaibigan, pamilya at maging minamahal na pag-ibig, para
bigyan tayo ng lakas at magpunsige sa bawat hamon ng buhay.

Lahat sila na nasa paligid ng apoy at natatanglawan ng ilaw nito. Nabibigyan ng sapat na init.

Ang buhay ay parang apoy na kapag nawala, paano na ang daigdig? Kaya dapat hindi sila padaig sa lakas ng dilim at dulot nitong lamig. Mananatili dapat silang mabuhay. Manatiling nakasindi ang apoy sa kanilang loob.

Lumawak na ang usapan patungkol sa kanilang naranasan. Ang hirap na hindi kasama ang kanilang mga mahal sa buhay hanggang ‘di na mapigil pa ng estranghero ang pagtatago sa kaniyang maskara.

Kilala ni Angel Ann ang boses ng estranghero dahil minsan na niya itong narinig na nagtuturo sa kanilang paaralan. Hula niya na ang estranghero na ito ay isang guro at imbentor. Madalas kasi siyang nasa faculty room ng mga guro ng senior high kaya imposible na hindi niya makilala ang bawat isa na naroon.

“Sr. Marcuz Jones po tama?” pagpapangalan ni Angel sa estranghero na tinatanggal palang ang nakaharang sa mukha nito.

Mabagal na umiring ang estranghero at nang natanggal na ang tali mula sa batok nito ay sumilay ang pamilyar na pamilyar na buhok, mga singkit na mata, katamtamang ilong, malalapad na pisngi at ang palangiting labi.

Nagulantang ang dalawa sa kanilang nakita. Hindi si Sr. Marcuz ang nasa likod ng maskara kundi isang babae, ang kanilang teacher at class adviser na si Ms. Clarisse Custudio.

Nagulantang ang buong pagkatao ng dalawa dahil bakit boses lalake ang tinig ng kanilang dating adviser. At bakit kailangan pa nitong magmaskara at itago ang
identidad?

Sinabi sa harap nilang lahat na wala s’yang masamang mithiin kundi mapabuti ang lahat at walang masamang mangyari na idudulot kung sakaling mahanap sila.

Nagtago lamang siya sa isang maskara dahil takot siya na hindi na muling pagkatiwalaan dahil sa idinulot ng maling paghusga at sablay na hustisya. Dahil doon,
namatay ang kaniyang ka-ibigan na si Sr. Marcuz.

Ang kaniyang pagiging boses lalaki ay nagmumula sa isa ring technology device na kayang gayahin ang anumang boses na i-program dito. Kailangan niyang gumanti, kailangan niyang gantihan ang utak ng pagbaril at taksil na hustisya. Binaliktad lamang sila dahil nalaman nilang dalawa ni Mr Marcuz ang maitim na balak ng isa sa naging kanilang panelist na isa ring may mas mataas na katungkulan sa institusyon, ang Direktor.

ALPHAWhere stories live. Discover now