Prologue

422 8 4
                                    

Trust.

Pasado alas onse ng gabi nang bumaba ako sa kusina namin upang uminom sana ng tubig, subalit natigilan ako sa paglalakad nang makarinig ng iba't ibang bulungan mula sa tila pamilyar na tinig na nanggagaling sa sala.

Dahan-dahan akong humakbang sa bandang kanan, kung saan nakalagay ang malaking halaman na parang bulaklak na istatuwa rito sa bahay namin.

Bahagyang gumilid ako upang makita sa kaunting awang ang mga taong nasa sala namin. Nanlaki na lamang ang mata ko nang makita ang dalawa kong kaibigan at ang isang taong pinakamamahal ko— na tila importante ang kanilang sinasabi dahil sa sobrang hina ng kanilang pag-uusap.

Sa kuryusidad ay umupo ako't tinuon sa sahig ang kamay at tuhod upang gumapang sa likod ng sofa. Nang makarating sa likod niyon ay lalong kumunot ang noo ko nang marinig ang sinasabi nila.

"Papaano ang plano natin?" sambit ng aking kaibigan. Naramdaman kong nagsimula nang tumunog ang dibdib ko, waring nakikiramdam na hindi magandang ideya ang pagtago ko rito.

"Plan B tayo. Malapit na ang birthday niya at ang grand ball ninyo. Ako na ang bahala kung kailan, sasabihan ko na lang kayo." Tila kumirot ang ulo ko't uminit ang dugo ko nang mapagtanto na ako ang pinag-uusapan nila, subalit nanatili akong tahimik at patuloy sa pakikinig sa kanilang usapan.

"Oh, shoot! I forgot, malapit na nga ang birthday niya!" pagwika ni Zavry. Tila tinusok ng karayom ang dibdib ko nang mapagtanto na hindi pala nila alam. "By the way, It seems like I can't attend? We have family reunion yata eh." Pinakiramdaman ko ang galaw nila habang patuloy pa rin sinisiksik ang sarili sa likod ng sofa.

"What? Why didn't you tell us?" pabulong na sigaw iyon ni Mavis, ngunit sapat lang upang aking marinig.

"Bruha ka! Hindi ba't ilalayo natin si Bri sa kaniya?" Naramdaman ko ang pagdikit ng aking kilay nang mapagtanto ang tinutukoy nila.

Hindi ko sila maintindihan, ano ba ang pinag-uusapan nila?

"Omg, I forgot again. Anyway, piece of cake. Hindi naman sila magtatagal 'no! What a nine."

Hindi na ako nakapagpigil pa at nakakunot ang kilay na tumayo upang harapin sila. Napansin kong natigilan sila nang makita ako, kaya hindi nila naituloy ang kanilang pag-uusap. Binigyan ko sila ng malalim na titig at blangkong reaksyon.

"Anong plano ang pinag-uusapan n'yo?" Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan. "Magkasundo kayong tatlo? Pinagkakaisahan ninyo ako?" Wala silang nilabas na salita at nanatiling nakatitig lamang sa akin, waring nangangapa ng sagot.

"Kailan pa? Simula una pa lang? Bukod sa pagtatraydor, alam n'yo rin lahat ng nangyayari sa buhay ko?" Lumingon ako sa isa kong kaibigan at nang tumango ito ay hindi ko naiwasang tumingala upang pigilan ang pagtulo ng likido sa aking mata.

"Alam ninyo ang sagot sa mga tanong ko noon pero wala kayong sinabi. Bakit? Para sa akin na naman?" pagtangis ko. Walang nagbukas ng bibig upang ipaglaban ang mga sarili nila. Wala man lang pumutol sa akin at sabihing imahinasyon ko lamang ito.

Pumorma ng kumurba ang gilid ng labi ko, mapapansin ang pait at pagdaramdam.

"Bri, makabubuti ito sa 'yo. Mas maigi kung wala ka munang alam," sambit ni Mavis. Hindi makapaniwalang tumitig ako sa kaniya.

"Bakit ba laging ako ang iniisip n'yo? Bakit ba laging kapakanan ko ang importante rito? May buhay rin kayo! May ibang mga tungkulin din kayong dapat ginagampanan, pero bakit mas pinili n'yong pakialaman ang buhay ko? Sa tingin ninyo ba ay masaya ako sa ginagawa n'yo?" Umiwas sila ng tingin. "Pati 'yong taong nagpapasaya sa akin, ilalayo ninyo."

Pinahid ko ang mainit na likidong hindi ko namalayang tumulo na pala sa pisngi ko. Silence greet me when I stare at my best friend. She gave me an apologetic stare, but I couldn't do anything but to get anger at them.

"Papaano ko na kayo muling pagkakatiwalaan? Ang akala ko ba ay walang magtatago sa atin? Sa ginawa n'yo palang, para akong sinaksak sa likuran—" Natigilan ako nang may umalingawngaw ang malakas na tunog.

Nakaramdam ako ng hapdi at init sa aking pisngi. Doon ko lang napagtanto na lumapat ang palad ng isa kong kaibigan sa aking pisngi.

"Sa tingin mo ba ay hindi kami nahihirapan? Sa tingin mo ba ay hindi kami nagsisisi t'wing humahagulgol ka sa harapan namin, at ang dahilan ay 'yang buhay mo?" pagtangis ni Mavis. Lumingon ako sa kaniya upang labanan ang nagbabagang titig niya.

"Higit pa roon ang nararamdaman namin, Bricelle! Sobrang mahalaga ka sa amin kaya namin ginagawa ito. Sobrang mahal ka namin, na tipong kahit nasasaktan kami ay patuloy ka pa rin naming tutulungan! Sana naman ay maintindihan mo 'yon!" Habol-habol ang hininga nang tumigil siya sa pag-sigaw sa akin.

Kalaunan nang kumalma ay natigilan ito nang makita ang pagpula ng pisngi ko, sanhi ng kaniyang pagsampal.

"Omg, Bri. I'm sorry—"

"H'wag mo akong hawakan." Lumayo siya sa akin kaya't napansin ko ang panginginig ng kaniyang kamay.

Lumingon ako sa dalawa kong kaibigan habang nararamdaman ang pagkurba ng sariling labi. Pinahid ko ang mainit na likidong tumulo sa aking pisngi at tinalikuran sila, subalit hindi ko hinakbang ang paa. Nanatili ako sa puwesto na iyon habang nakatalikod sa kanila.

"Hindi ko inaasahang kayo pa ang maninira sa akin patalikod. Hindi ako makapaniwala na magagawa ninyo akong pagtaguan." Sa huling pagkakataon, lumingon ako sa kanila nang may rumaragasang luha. Tila nakisama ang panahon sa nararamdaman ko nang makarinig ng kulog na umalingawngaw sa bahay namin. "Hindi ko kailangan ng tulong ninyo. At higit sa lahat, wala akong kaibigan na kayang pagtaksilan ang taong nasaksihan nila ang paghihirap, masagot lamang ang tanong na alam ninyo mismo."

Sinimulan ko na'ng hinakbang ang paa upang lisanin ang lugar na iyon.

Habang hinahakbang ko ang paa sa hagdan ay doble-dobleng bigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Nasasaktan ako, iyon lang ang alam ko sa ngayon.

I feel betrayed. Hindi ko matanggap na pinagkaitan nila ako ng sariling pagkatao. Hindi ko lubos na matanggap na mismong kaibigan ko pa ang nagkubli mula sa akin ng katotohanang dapat ay alam ko. Ang bigat sa pakiramdam na ginawa nila iyon upang protektahan ang buhay ko.

Wala talagang pinipiling tao pagdating sa pagsisinungaling. At wala ring kasiguraduhan kung maibabalik ang tiwala na binigay nila sa 'yo.

I won't gonna let the same thing in the past will happen again.

I won't allowed anyone sacrifice nor slaughtered their lives just to protect my existence.

This is my battle. I will not sorrow.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now