Chapter 26

85 8 2
                                    


      
       
Bricelle POV

Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa malamig na simoy ng hangin dito sa gym kung saan nagkumpol-kumpulan ang mga estudyante at ibang guro dahil sa anunsyong ilalahad sa kanila ni Dean. Kasalukuyang nandito kami sa unang palapag, kung saan kitang-kita at bungad na bungad ang pagmumukha namin sa mga taong nasa stage.

Kunot na kunot ang aking noo habang hindi komportableng nakaupo rito sa unahan. Naiirita ako dahil sa malamig na hangin, gayong buwan ng Oktubre pa lang naman. Naiirita rin ako sa ingay ng mga tao, sa kanilang bulong-bulongan na nakakabasag tainga.

“Hoy, girl! Kanina ka pa nakasimangot! Do you have a regla ba?” Walang ekspresyon na tumingin ako kay Zavry na lumalamon sa aking kaliwa.

“Isn't it obvious? So don't pissed me off.” Nagkibit-balikat lang ito at humarap na sa unahan.

Nang makarinig na naman ako ng sunod-sunod na hiyawan at tilian ay kumunot ang noong napalingon ako sa entrance ng gym, kung saan humahakbang papalapit si Dean, ang assistant nito at ang apat na taas noong inihahakbang ang paa habang nakakurba ang mga labi.

Feeling din ’tong United Nation na ito e. Akala siguro nila ay nasa isang teleserye sila at may slow motion na nagaganap.

Inikutan ko lang sila ng mata at hinintay na makapanik sa stage si Dean. Walang ekspresyon na napalingon ako sa halimaw na tumabi sa aking kanan na malawak ang kurba ng labi. Doon ko lang din napagtanto na hindi namin kasama si Mavis, dahil si Lorence at Russell ay sa tabi ni Zavry pumuwesto. Habang si Tayler na manloloko ay tumabi kay Froilan.

“Good morning! Miss me?” pagbati ni Froilan. Nginiwian ko lang siya’t nginisian.

“Miss mo mukha mo. Huwag mo nga akong kausapin, makinig na lang tayo sa sasabihin ni Dean!” Lumingon na ako sa unahan kung saan umakyat si Dean, at nanlaki ang mata ko nang makita si Mavis sa tabi nito.

Papaano siya napunta ro’n? Hindi ko naman siya nakitang sumabay sa paglalakad ni Dean kanina.

“Good day, students! Alam kong alam niyo kung bakit ko kayo pinatawag ’di ba?” pagbati ni Dean. Iba’t ibang sagot at ingay ang umalingawngaw sa loob ng gym, kaya’t ikinatawa ni Dean iyon.

“Chill everyone. Kaya ko nga kayo pinatawag ay dahil sa big announcement ’di ba? Hindi makapag hintay, atat?” biro nito. Ang ibang estudyante ay humalakhak, habang ako ay nakikinig lamang.

“Anyway, let’s proceed.” Humakbang paharap sa kaniya si Mavis at may ibinigay na papel. Humarap muli si Dean sa aming lahat at malawak ang kurba ng labi.

“We are having a event to relax our dear students, especially artists. Ang event ay gaganapin sa October twelve to October sixteen, I think that’s enough?” panimula niya. Kaya’t nagsimula na ang bulong-bulongan ng bawat pangkat at estudyante sa loob ng gym.

“Siguro naman ay nasabi na sa inyo ng inyong lecture sa bawat room ang tungkol sa pageant and of course, ang gagawin niyo for mini shop. May reward ’yon kapag nagustuhan ng judges. Want to know what’s the price?” malawak ang kurba ng labi na pamimitin ni Dean.

“Bukod sa cash ay may two weeks travel to Spain!” Nanlaki ang mata ko sa anunsyong iyon.

Spain? Hindi pa ako nakakapunta ro’n!

“Wait for the other activities students! Sana’y mag-enjoy kayong lahat. Maaari na kayong bumalik sa bawat kuwarto niyo, Dismiss.” Biglaang sumigaw ang mga estudyante sa tuwa kaya’t nahawakan ko na lang ang aking tainga at dali-daling humakbang papaalis doon.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now