Chapter 2

281 27 7
                                    

Theater.
    
   

Nakabalik na ako rito sa room at nakikinig sa anunsyo ng aming music lec. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang pagpapahiya nila sa akin kanina. Lalo pa't kaklase ko sila at nasa likod lang ang United Nation. Pero kahit gano'n, hindi ko sila mabigyan ng pansin dahil ayoko lang mainis sa pagmumukha ng halimaw na iyon.

"So, by next week ay kailangang may partner na kayo dahil kapag wala, I'm going to give you a special project," sambit ng Lec.

Inalis ko na lang muna sa aking isipan ang nangyari kanina at mas tinuon ang pansin sa harap.

"Bale ngayon, kailangan ninyo munang magbuo ng grupo, dahil kayo-kayo rin naman ang magkakasabay mag-perform. Okay?"

Bagsak ang balikat na tumango ako at tiningnan lang ang mga kaklase ko habang nagkakagulo sa pagpipili ng mga makakasama nila.

"Bri! Halika dali, magkagrupo tayo," kinikilig na saad ni Zav.

Tumango na lang ako sa kaniya at sinundan ang tinahak nito, kung saan ang aming puwesto. Pumunta na lang ako sa isang sulok dahil busy naman ang lahat sa paghahanap ng grupo. Nang magkaroon na rin ang iba ay nagsimula na mag tipon-tipon at mag usap-usap about sa performance na gagawin daw, na alam ko namang sayaw iyon.

"Mrs. Flores! Sorry I'm late, pinatawag lang ako po ako ni Dean," sambit ng isang halimaw. Tila naghahabulan ang hininga nito habang nasa pintuan at nakatungo.

"Oh s'ya, roon ka na lang sa grupo nila Miss Stailerson at nang makapag simula na kayo." Nag-angat na ito ng tingin at tumango, sabay kalmadong humakbang patungo sa direksyon namin.

Ang malas!

"So, what's the occasion?" nakangising tanong nito habang nakatingin sa akin, kaya't inikutan ko lang ito ng mata.

"Mayroon tayong performance task, and we all need a partner. No both gender, hindi sa ganoon nabubuo ang sayaw na gagawin natin," panimula ni Zav. "Now, choose your partner."

Pasimpleng tumitingin pa ito kay Froilan na busy sa kaniyang cellphone. Alam kong may sikretong pagtingin si Zav kay Froilan. Kahit hindi niya sinasabi ito, ramdam ko 'yon. Halata rin kasi sa kinikilos niya. Ano kayang nagustuhan ng babaeng ito sa halimaw na 'yon?

"Okay! I'll choose Zav," saad ni Froilan habang nakatingin kay Zav na alam ko namang kinikilig kahit nakataas ang isang kilay nito.

Ang arte talaga nitong babaeng 'to!

"Sige na nga!" kunyaring napipilitang sambit niya at mataray na tumabi kay Froilan na nakangisi at nakatingin pa rin sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Pinaikutan ko siya ng mata at makakrus ang kamay na sumusulyap sa iba na naghahanap ng partner nila.

"I'll choose her." Hinanap ko ang taong bigla na lang nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang lalaki na seryosong nakatingin sa akin, habang ang kaniyang daliri ay nasa direskyon ko.

Si Tayler!

"Ha? Ako? Sure ka?" paninigurado ko. Ang alam ko kasi ay galit siya sa akin dahil sa nangyari kanina, pero hindi ako makapaniwala na kagrupo ko siya't ako ang pinili n'yang makakasama.

"Yes, I'm totally sure. Kung ayaw mo, then don't. I can find someone else." Binaba na nito ang nakaturong kamay niya at nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin. Tila, hinihintay ang sagot ko.

"Okay..."

Dahan-dahan akong tumabi sa kaniya, pero nilagyan ko nang kaonting space para hindi ako mailang. Nakita ko sa gilid ng aking mata na napataas siya ng kilay at narinig ko rin ang biglaang pagbuga nito ng kaniyang hininga.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now