Chapter 47

21 0 0
                                    

Brylle POV

"Where are you in that time!?" I can't control myself anymore, I burst my anger to him. Sobra n'yang pabaya!

"Signorina, I sincerely apologize. I didn't mean to leave her behind-"

"Useless! Is that how you do your duty, Conor?" I cut him off. He stayed silent and avoiding my gaze.

I sight and messed my hair out of frustration. "Tawagan mo na ang tauhan natin at sumugod tayo ngayon din."

Tumango lang siya at tinalikuran ako. Padabog na tumayo ako mula sa upuan ko't pumasok sa secret room upang magbihis.

"Track her." Tumango si Conor na nakaupo sa passenger seat kaya binuksan ko na ang hidden box dito sa kotse ko upang lagyan ng mga bala ang baril na gagamitin namin.

"Signorina, her location is not familiar with me. But we can get there for a minute." Tumigil ako sa pag-aayos nang marinig iyon sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa and dialed his number.

"Dad, I need a squat, military and everything we have regarding soldiers! Zyn's situation is hazard as of the moment, but we're heading there to save her again." I heard him cussing from the other side of the line, I sight and wait for his response.

"Make sure she's safe, we won't let that happen again. The military is coming up, email to me the location."

Binaba ko na ang tawag at kaagad pinadalhan siya ng mensahe upang mabigay ko rin ang lugar kung nasaan si Zyn ngayon. Padabog na napasandal na lang ako sa upuan at tiningnan si Conor sa unahan.

"Make it quick, I don't want to lose even a second just to save her." Tumango ito.

Napabuntong-hininga na lamang ako't napahawak sa buto na kuwintas na binigay niya sa akin. Nangako ako sa kaniya na susubukan kong isipin naman ang kalagayan ko at kalimutan ang iba. Nangako ako na dodoblehin ko ang pag-iingat sa sarili ko. But it appears that my promises will soon be broken. Dahil hindi ko kaya... hindi ko kayang iwanan ang kapatid ko para lang sa kaniya.

Napatingin ako sa isang mataas na motel nang dito kami dalhin ng location ni Zyn. Daglian namin itong sinugod nang makarating ang pinadala ni dad. Nasa unahan ko si Conor na ngayon ay sinusuri ang kapaligiran. Maraming taong naalarma sa lobby, pati na rin ang babaeng nasa reception desk ay walang ibang nagawa kundi itaas ang kamay. Ang lahat ng makakasalubong namin ay makikitaan ng pagtataka at takot t'wing tinatanong namin ang mga ito.

Una naming pinuntahan ang CCTV surveillance ng motel na ito. Nanlaki na lamang ang mata ko nang makitang tulog ang mga tauhan doon, para silang nilusob ng kung sino. Dali-daling kinalikot ni Conor ang mga computer sa harapan nila at 'di kalaunan ay may nahagip ng mata ko na nakapagpatigil sa aming dalawa.

"W-Which floor?" tanong ko rito na may bahid ng panghihina. Tiningnan niya naman kaagad at lumingon ulit sa akin.

"Sixteen floor, Signorina."

Lumingon ako sa kaniya. "Room number?"

"Only one. Sixteen is an abandoned floor and under construction, there's a huge room in that floor. Inside that is your sister and him..." Napasinghap na lamang ako at hindi nagdalawang isip na nagtungo sa floor na iyon.

Gumamit kami ng hagdanan dahil may chance daw na tumigil ang elevator kung 'yon ang gagamitin namin. Matapos makarating sa floor na 'yon ay inutusan ko ang iba naming kasama na magbukas ng ilaw, pero walang sumindi. Mabuti na lang at may dala rin silang flashlight kaya nagkaroon kami ng mata sa dinaraanan.

Natanaw ko ang isang pintuan na nakabukas, para bang inaasahan ng mga nasa loob na may papasok doon. Sinenyasan ko ang iba na mauna upang mabigyan din kami ng ilaw. Unang naglakad si Conor sa tahimik at madilim na pasilyo, 'di kalaunan ay natigilan ito.

"Signorina..." Humarap siya sa akin at parang sinasabi na huwag akong pumasok. Pero hindi ko siya pinakinggan at pumasok ako sa loob.

Nang maihakbang ko ang paa sa loob ay nabitawan ko na lang ang baril na hawak ko kanina pa. Napa-awang ang labi ko sa aking nakikita.

"Tumawag kayo ng ambulansya, ngayon din!" Ang iba nilang tauhan ay umalis at sinunod ang utos niya. "Ang mga natira ay magmanman sa paligid at halughugin ang buong kuwarto. Check the CCTV footage sa bawat kuwarto ng motel na 'to and report it to me, asap!"

Nagsimula nang mag-alisan ang lahat ng tauhan nila at naiwan na lang silang dalawa ni Conor. May hawak itong flashlight na ngayo'y nakatutok sa dalawang lupasay na katawan. Ang katawan ni Froilan at ng kapatid kong si Bricelle. Unti-unti ay nilapitan ko iyon. May kung ano sa akin na bumabagabag na nagsisimula ng takot sa sistema ko.

Nang tuluyang malapitan ay nilapat ko ang dalawang daliri sa sa ilalim ng leeg ng dalawa. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman ang pagtibok doon, hudyat na may buhay pa rin sila. 'Di rin nagtagal ay dumating ang mga nurse at maingat na nilagay sa stretcher ang dalawa nang magkahiwalay.

Nang nasa hagdanan pababa ay natigilan kami nang sinalubong kami ng mga tauhan na pinadala ni dad. "Ma'am, may nakita po kaming mga bangkay sa isang kuwarto sa fifth floor. Marami-rami po sila at sa tingin ko'y lahat sila ay wala na'ng buhay."

Nagkatinginan kami ni Conor at dali-daling pumunta sa kuwartong iyon. Nang makarating ay hindi ako makapaniwala sa mga bangkay na nakikita ko ngayon. Parang massacre ang nangyari dahil sa magulong kuwartong ito. Isa pa, napansin kong dibdib at ulo ang parang target ng taong gumawa nito.

Hindi ko alam kung tao pa ba ang gumawa ng masahol na pagpatay na ito. Wala akong masabi.

"Sino ang mga 'to? May alam na ba kayo kung sino ang gumawa nito?" Humarap ako kay Conor na ngayon ay may hawak-hawak na tablet.

"Signorina, look at this." Sinilip ko ang pinapatingin niya sa akin, at laking gulat ko nang makilala ang babaeng iyon. "It's your sister who did this."

Kinuha ko sa kaniya ang tablet at pinanood ang pakikipaglaban ni Bricelle sa mga kalalakihang ito. Noon pa man alam kong kakaiba ang lakas niya pero inisip kong dahil lang iyon sa matinding training niya noon. Pero nagkamali ako, talagang dumadaloy sa dugo namin iyon.

"Saan mo nakita ang video na 'to?"

"I found a device near that room," tukoy nito sa kuwarto na parang opisina. "I hacked it and found dirt." Kumunot ang noo ko, hindi naiintindihan ang sinasabi niya.

"What? I don't understand you, Conor. Don't use your tech language to me. I'm not a hacker." Napasinghap siya at parang nagpipigil ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I'm serious."

"Okay, I'm sorry. What I mean is I found information about this group. Iyong matanda na 'yon." Tinuro niya ang bangkay ng isang lalaking may balbas. "Makapangyarihan sa china, maraming connection sa politika at isa pa, marami na ang napatay ng tauhan niya. At ang rason... droga."

Lumingon ako sa kaniya. Talagang pinapabilib ako nitong si Conor dahil sa talento niya. Hindi lang siya magaling sa pakikipaglaban, asintado pa ito sa paggamit ng baril. Magaling din s'yang hacker. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon, pero base sa bio data niya ay pinag-aralan niya iyon. Bukod sa katalinuhan ay agaw pansin din ang itsura niya, tama lang na siya ang pinili ni dad. Maaasahan na, hindi pa marunong mang bigo.

"Utusan mo ang mga tauhan natin na linisin ang kalat." Binigay ko na sa kaniya ang tablet at lumabas sa kuwartong iyon. "Tara na, daraan pa tayo sa opisina ni dad para nag-report. Pagtapos niyon, pupunta tayo kaagad sa ospital para tingnan ang kalagayan ng kapatid ko."

Nang tumango siya ay tuluyan na kaming lumabas at nilisan ang lugar na iyon. Halu-halong isipin ang bumabagabag sa akin habang nasa byahe kami papunta sa opisina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay dad tungkol sa nangyari ngayon, ang ginawa ng bunso n'yang anak. Nag-aalala ako kay Bricelle, lalong-lalo na kay Froilan. Napapahamak ang buhay niya kahit hindi dapat. Hindi ko alam kung dapat ba akong makialam sa relasyon nila, pero kung para sa kaligtasan nilang dalawa ay mapipilitan akong makialam.

Kapag nakumpirma ko lang na sila ang puno't dulo nang lahat ng ito, magtutuos kami.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now