Chapter 38

56 2 0
                                    

      
      
Bricelle POV

Tanghaling tapat ay sa wakas pinayagan na akong maka-uwi. Kanina ay nag-usap lang kami ni Froi about sa pageant na magaganap mamaya at syempre, tinanong niya ang kalagayan ko. Sinabi niya rin sa akin ang mga dapat kong malaman na detalyado at tinuro niya sa akin ang iba nilang na-pactice. Mabuti na lang at mabilis akong matuto kaya hindi kami nahirapan sa pag-rampa kanina.

Nang dumating si Lola na kasama ni Quinn ay umalis na rin si Froi, maghahanda pa raw kasi ito.

“Ready ka na bang bumalik?” galak na tanong ni Quinn. Tumango ako rito habang may ngiti sa labi at tiningnan ang daang tinatahak namin.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kapatid ko siya, ngunit may kaonting memoryang bumabalik sa aking isipan kaya pinaniwalaan ko na siya.

Mga ilang minuto pa ang biniyahe namin at sa wakas, tumigil ang kotseng sinasakyan namin sa harap ng isang malaking gate. Sa pagkakatanda ko, parang umakyat kami ng bundok.

“Dito na ba tayo?” tanong ko kay Quinn. Ngumiti lang ito at tumingin sa harap, kaya ganoon din ang ginawa ko.

Nagulat ako sa dahan-dahang pagbukas ng malaking gate, kahit wala namang nagbubukas no'n sa harap. May dalawang guard sa magkabilang gilid ngunit hindi naman sila nagalaw.

Paano nangyari 'yon? Tulad din ba ito sa mga napapanood ko? Astig!

Umandar muli ang sinasakyan namin kaya tinanaw ko ang labas. Puro green ang makikita mo rito, mga puno, may bulaklak din. Para siyang isang hardin! Nakakabighani ang kagandahan nito.

Ilang saglit lang ay may malaking fountain kaming inikutan at sa pag-tigil ng sasakyan ay s’yang pagbukas din ng malaking pinto, na may mga nakahanay na maid at mga lalaking naka-itim na uniporme.

Body guard?

“Nandito na tayo,” sambit ni Quinn. Dahan-dahan akong bumaba sa sasakyan at pinagmasdan ang ganda ng tanawin, dinaramdam ko rin ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat.

So fresh! Ang bongga rito!

“Welcome! To Dy Holdler Castello!” pagbati ng mga tauhan. Sinimulan ko nang ihakbang ang paa ko papunta roon sa pinto at talagang hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Nakakaiyak sa sobrang ganda!

“Welcome back, Zyn,” sambit ng isang medyo may edad na babae. Naka-uniporme na pangkatulong din ito ngunit siya lang ang na-iiba ang kulay at disenyo.

“Ako ang mayordoma nang Castello na ito, nakakagalak na makita kitang muli,” wika niya. Ngumiti na lang ako rito at sinulyapan muli ang castello na ito.

Sala ang bubungad sa'yo pagbukas mo palang ng pinto. Walang nakalagay sa gitna nito kundi dalawang hagdan lang, para siyang katulad sa mga disney princess na makikita mo. Ang tanging ilaw naman nito ay ang malaki at kulay ginto na chandelier.

“Woah! Ang ganda naman dito! Bonggang-bongga! Pak na pak!” Nagtawanan lang ang mga taong nakarinig sa akin, kaya nakaramdam ako ng kaonting kahihiyan sa sarili.

“Mas bongga kung lilibutin mo ang Castello niyo, Signorina,” sambit nang mayordoma. Tumango na lang ako at sinulyapan muli ang paligid.

Saan kaya ako magsisimula? Saan kaya rito ang kuwarto ko?

“Ahm... ano pong itatawag ko sa inyo?” nahihiyang pagtanong ko sa mayordoma.

“Madam Matalia na lang, iha.” May ngiti sa labing tumango ako rito.

“Ahm... Madam Matalia, saan po rito ang kuwarto ko?”

"Sa taas iha, dumaan ka sa kanang hagdan at sa pinakadulong pinto, roon ang iyo.” Masayang tumango ako rito at nagpasalamat. Hindi ko na muna hinintay sina Lola at Quinn dahil sobrang excited na talaga ako.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now