Chapter 20

90 9 7
                                    


    
    
Third Person POV

Sa labas pa lamang ng Essenze Per La Vita Company ay mapupuna na ang karangyaang dulot ng kataasan nitong gusali at sa kagandahan ding taglay ng mga disenyo na kapuna-punang mamahalin ang mga materyales na ginamit. Ang mga nagtatrabaho rito ay makikitang abala sa kani-kanilang gawain.

Sa kabilang banda ay may agaw-pansing pintuan sa dulong bahagi ng kumpanya kung saan sa pintua'y mayroong dalawang maskuladong gwardyang nakabantay. Sa loob  ng opisinang ito'y matatagpuan ang kataas-taasan at kagalang-kagalangan nagmamayari ng kompanya na tutok na tutok sa mga papeles, waring walang kahit anong makapaghihiwalay sa kaniya sa mga ito.

Nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok at ingay sa labas ng pintuan ay kumunot ang noo nito at napabuga nang hininga na lamang.

"Come in!" sigaw niya. Pagbukas ng pinto ay iniluwa nito ang kaniyang babaeng anak, kasama ang lalaking may soot ng salamin at barong na puti. Pawis na pawis sila at nanghihinawa na, na umupo sa sofa at tumingin sa ama niya.

"Dad! We're tired! Can we stop hiding? I badly want her to remember me, I want to hug her, I want to bond with her. Can I do that? Please? We're tired spying her," madamdaming pagwiwika ng anak na babae habang bagsak ang balikat na nakatingin sa ama niya.

"Yeah, I agreed," panlilibak ng lalaking nakasuot ng kulay puting damit habang matikas na nakatayo sa parteng kaliwa nito.

Kunot noong tumingin ang ama sa kaniyang anak at malatang-mata na napatayo ito dahil sa pamimilit ng anak.

"We can't do that my daughter, we're still in a dangerous situation. Wait for the right time for now, please? We need to make sure if she's fine and safe," pangangatuwiran ng ama nito. Padabog na napa-tayo ang babae at umuusok ang ilong habang naka-kunot ang noong hinarap ang kaniyang ama.

"But Dad! She needs to remember us! She's still our family, she's still your daughter! I can teach her some fighting skills Dad, she's stronger than me when we're young!" pagsusumamo ng anak. Napabuga na lang ito ng hininga dahil sa pagka-bagot na nararamdaman.

Walang emosyong nakikinig lamang at hindi umiimik ang isang lalaki sa mag-ama.

Biglang nagbuga ng hininga ang ama niya at nilapitan ito upang punasan ang mga sakit na nagbubuo ng luha sa pisngi ng anak. Sunod ay marahang inakap ito.

"I badly want to meet her again too, but I really can't. I'm afraid. My anxiety is always attacking me everytime I wanted to plan a meet up with her. I'm so sorry my daughter, we just need to wait for a little bit," her father said while his tears is flowing down.

Walang ibang nagawa ang anak na babae kundi ang humikbi na lamang sa tahimik na kwarto.

Kumalas na ang mag-ama at hinarap ang isa't-isa. "Fine, father. I'll wait. I wish, she recur her memory immediately to remember me or us," pagwawari ng anak. Sumang-ayon na lang ang ama nito at tinanguan ang lalaking nasa-bandang kaliwa.

See you soon, my twin. sambit ng anak mula sa isipan.
          
           
        
         
Bricelle POV

Pagdating ko sa labas ng Dean's office ay hinawakan ko muna ang dibdib dahil sa kapagahasan na nararamdaman. Kaya kinatok ko muna ang pintuan.

Bakit kaya ako pinatawag?

"Come in!" rinig kong sigaw mula sa loob.

Pinihit ko na ang busol at sumilip muna saglit bago pumasok. Bumungad sa akin ang secretary ni Dean kaya malawak na nginitian ko ito at yumuko upang magbigay galang.

HIGH SCHOOL POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon