Chapter 49

20 0 0
                                    

Bricelle POV

Mugto ang mata ko nang umalis si Froilan dahil sa narinig mula sa akin. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya, pero wala akong magawa dahil nasa harapan ko si papa. Hindi naman siya tutol sa amin, alam lang n’yang mapapahamak si Froilan at pamilya nito kung patuloy ko s’yang ilalapit sa buhay ko. At ayoko namang mangyari ‘yon.

Siguro nga, tama si ate. Mas mabuting masaktan si Froilan nang dahil sa akin, kaysa masaktan siya sa mga taong nagtatangka sa buhay namin.

“Tara na, apo. Baka mahuli pa tayo sa eroplano.” Tumango ako kay lola at sumakay na sa sasakyan namin.

Buong byahe kami tahimik at nakatulala lang ako sa gilid habang sinusulyapan ang nadaraanan namin mula sa bintana. Buong magdamag na gano’n ang ginawa ko hanggang makarating kami sa airport. Isa-isa binaba ng mga bantay ang gamit namin habang ako ay nakatulala lang sa kanila.

“Bri, may tumatawag sa cellphone mo.” Napalingon ako kay Brylle na ngayon ay tinatapik ang balikat ko. Para akong bumalik sa realidad at tinanguan lang siya. Kinuha ko ‘yon mula sa bulsa ng pants ko, at nang makita na tumatawag si Mavis ay nagdalawang-isip pa ako.

Isang buwan na nang hindi kami nagkita. Bakasyon kaya walang pasok, pero anong pakay nila at tinatawagan ako ngayon?

Sinagot ko iyon at tinapat sa kanang tainga ang cellphone. “Hello?”

“Bri! Nasaan kayo?” Kumunot ang noo ko sa tono ng boses niya. Para s’yang hinihingal at natataranta.

“Airport, papuntang Italy. Bakit?”

“What!? Kailangan n’yong bumalik dito! Isama mo ang lahat ng body guards n’yo at ang ate mo! Bilis!” Napansin ni Brylle ang ingay sa cellphone ko kaya nilagay ko sa loud speak mode ang cellphone para marinig din niya.

“Bakit? Anong bang meron d’yan, Mavis?”

“Si Froilan.” Kaagad akong napatingin kay ate at binigyan siya ng nakaaawang tingin na naging dahilan upang sumang-ayon siya.

“Papunta na kami.”

Madilim na nang makarating kami sa bahay ng mga Casterñado. Kumunot ang noo ko nang may makitang sasakyan ng mga pulis sa labas niyon. Nang makapasok sa bahay nila ay napatayo si dean at ang asawa nito nang makita ang pamilya namin.

“Anong nangyayari dito, Mores? Bakit may mga pulis sa labas ng bahay n’yo?” pagwika ni papa kay dean. Napatingin ako sa miyembro ng pamilya nila, nagtaka ako nang mapagtanto na kulang sila ng isa.

“Nasaan si Froilan?” tanong ko.

“Iyan din ang tanong namin, Bri.” Napalingon ako kay Francisco nang magsalita ito. “Kanina raw may nakakita sa kaniya sa isang bar, nakikipag-inuman sa isang babae. Tapos bigla raw nawalan ng malay at may kasama raw pala ang babae na maraming lalaki, at dinala sa isang sasakyan si Froilan. Hindi namin alam kung saan dinala pero ilang beses na naming tinawagan, nakapatay ang cellphone ni Froi.” Napasinghap ako at nakagat ang labi para pigilan ang inis.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kagagaling lang niya sa tinamo niya nang huling madukot kami, ngayon naman ay nadukot na naman siya. Kapag talaga nalaman ko kung sino ang puno’t dulo ng lahat ng ito, hinding-hindi ko siya palalampasin.

“Hindi ba nakita kung sino ang mga kasama ng babaeng dukutin si Froilan? Kahit plate number ng sasakyan, wala?” paninigurado ko. Lumapit sa akin ang isang pulis at may pinakita siya sa aking picture.

“Kuha po iyan sa isang CCTV sa lugar na ‘yon at siya lang po ang hindi nakasuot ng sumbrero kaya nakuhaan ang mukha.” Nanlaki ang matang napatingin ako sa litratong iyon. Napalingon ako kay ate at kay papa na ngayon ay naghihintay ng sagot ko.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now