Chapter 1

488 34 33
                                    

The Inferior Girl
     
     
        
Bricelle

Nakapalumbaba ako sa bintana habang dinarama ang malakas at malamig na pag-ihip ng hangin. Hindi iyon masiyadong sariwa dahil sa init ng araw na nagpaparamdam sa akin ng kirot sa mukha, kaya tumindig na lang ako't hinayaang nakabukas ang bintana para pumasok ang ihip ng hangin.

Kung puwede lang sigurong mamasyal na lang at magwaldas ay ginawa ko na. Kung mayroon nga lang akong pera. Nakakatamad na mag-aral, pero no choice ako kaya kailangan kong pag-igihan.

Nakakainis naman kasi, ba't kailangan pa mag-aral?

Habang nagpapahangin pa rin ako sa tapat ng bintana ay kumunot ang noo ko nang unti-unting makarinig ng mga yabag ng paa at kasabay niyon ang pag-alingawngaw ng buong pasilyo.

"Oh my gosh! Nandito na sila." I rolled my eyes and turn my gaze at the girl who said that.

Kagat-kagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang inis na nararamdaman ko nang umingay ang third floor ng building na ito kung saan napaliligiran ako ng mga sikat.

Lorence Zchekieser, ang cute at gentleman dito sa paaralan namin. Maraming nagkakagusto rito dahil aura pa lang niya ay manlalambot na ang mga kababaihan.

He has an annoying personality too. Whenever you wanted to talk to him, you'll get annoy because he's loquacious. Iyan lang ang madalas kong marinig sa mga sabi-sabi ng ibang estudyante rito. May lahi itong Aussie kaya mapapansin mo kaagad na hindi lang siya basta Pilipino.

Mahigit na nasa 22.5K din ang followers niys sa social media at may fan club pa siya, Baby's ang name.

Second is Mark Russell Westbrook, the Babaero. Super duper hot ang isang 'to, kaya maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya at handang isuko ang bataan.

He loves partying and playing every girls heart he bond with. Marami na ring rumors na maraming babae ang nagmamakaawa sa kaniya para lang panindigan sila matapos ang one night stand. Base ulit iyon sa naririnig kong chismis. Siya naman ay may lahing Brit kaya nakaaagaw pansin ang tangkad niya at accent sa pagsasalita.

Siguro ay nasa 21.2K ang followers niya sa social media.

Third is, Tayler Vrekyston. The sobrang bait at ideal man. Hindi mo aakalain na may kaibigan siyang mala-impiyernong ugali. Hindi ko alam kung half Pilipino lang siya, pero balita ko ay taga-America talaga sila.

Nasa 23.3Ksiguro ang followers niya, gentleman din ito pero snober at cold. Pero kahit ganoon ay malambot daw ang puso niya sa mga mabababa. Marami rin akong nasasakop na balita na ang parents niya ay malakas ang business sa ibang bansa at saka marami na ring natulungan na mga taong nangangailangan. Iyon din ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng lihim na paghanga sa kaniya.

And last! Froilan Casterñado the halimaw. Kahit may sapak siya sa ulo ay marami rin ang mga babaeng nagkakandarapa rito. Ideal din siya ng iba dahil daw MVP sa basketball. Siya naman ang super guwapo na akala mo ay kpop idol na mukhang spaniard, and the super duper ultra mega famous sa lahat! Yes, half castilla siya. Ang ka-uri niya ang sumakop sa Pilipinas noon.

9.3M ang followers niya sa social media.

Buong pilipinas yata sikat 'tong mokong na ito.

Sa pagkakaalam ko, anak siya ni Dean.  Marami na nga s'yang nakaaway noon na ibang lalaki na sikat, dahil ang ka-relasyon ng mga ito ay nagkakagusto sa kaniya. Ngunit sadyang matigas yata ang puso ng halimaw na ito, dahil bukod sa reject ay talagang pinapahiya niya ang mga umaamin sa kaniya.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now