Chapter 51

43 0 0
                                    

Halos maglagas ang buhok ni Brylle dahil sa pagsabunot ng sariling buhok. Hindi siya makapante, lalo pa’t narinig na ng kaniyang kapatid ang tungkol sa plano nila. Kahit pa walang binanggit na impormasyon doon ay isang malaking pagkakamali ang marinig ng kapatid niya ang tungkol sa plano.

Hindi maaaring malaman ng kapatid niya ang plano nila, lalong-lalo nang hindi maaaring masira ang plano nila. Kaya kailangan n’yang mag-isip ng mas malawak na plano, upang mas mapadali ang pagkakakilanlan ng mga taong umaaligid sa kaniyang kapatid.

Matapos makapagplano mag-isa sa kaniyang kuwarto ay lumabas na kaagad si Brylle upang pumunta sa sikretong opisina niya. Nang makarating doon ay dumaan pa siya sa maalon na mga tao sa bar. Bilang isang may-ari ng bar sa isang abandonadong gusali ay kailangan niya pang batiin ang ilan sa mga kakila upang makapunta sa opisina niya.

Kaagad s’yang naupo sa puwesto niya at tinawagan ang lahat ng taong makakasama niya sa planong iyon. Hindi nagtagal ay dumating ang lahat ng inaasahan niya. Isa-isa niya itong tiningnan at napangiti nang todo dahil sa nakasasabik na mangyayari.

“Handa na kayo?” Tumango ang mga ito kaya isa-isang binigyan ni Brylle ng papel ang mga kasama sa plano. Binigyan niya ang mga ito ng oras upang basahin iyon at hinintay ang sasabihin ng mga ito sa plano niya.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay natapos ang lahat. Tumayo na si Brylle at pumunta sa gilid ng opisina niya upang kuhain ang isang malaking white board kung saan nakasulat ang plano nila. Kasama na ang lugar at puwesto ng mga ito.

“Tayler, I need your club for this inciting event. Some of your members will be in disguise to knock down some of our enemy's people.” Napansin ni Brylle na kumunot ang noo ng binata. Alam n’yang nagtataka ito kaya hindi na siya nagulat sa pagtatanong nito.

“What!? Why? Pati ang nanahimik kong club, ipapasok natin sa gulong ito. Are you loss of your mind?” Brylle rolled her eyes and ultimately gave him a dead strare. She knew him well. Alam na n’yang hindi ito sasang-ayon sa mangyayari, lalo na kung isasama ang club niya. Masiyadong mahalaga ang club para sa binata pero hindi maitago ang inis sa mukha ni Brylle dahil sa katotohanang iyon.

“Hindi sila mapapahamak, h’wag kang mag-alala. I just need some of your great actress and test their ability. Kung ayaw mo, e ‘di hahanap na lang akong iba.” Binalik ni Brylle ang atensyon sa white board. Mula sa gilid ng kaniyang mata ay mapapansin ang pagiging hindi mapakali ng binata.

Ilang segundo lang ang lumipas ay nagsalita muli ito. “Fine. Ang duga mo, you’re using your charm to me. Hindi ko naman kayang tumanggi sa ‘yo.” Hindi alam ni Brylle kung matatawa o masasaktan. She knew that Tayler still love her, but she just can’t accept it now, for a reason. Not now, not yet.

Inalis niya muna sa isipan ang nakaraan at may sinulat sa white board, tanda na pumayag si Tayler gamitin ang ibang miyembro ng MD Club. Sinulat niya rin kung papaano ang ruta upang mapatulog ang ibang tauhan ng kaaway at ilang oras ang kailangan gamitin upang makapagpalit sila ng damit at maging totoong tauhan ng kaaway.

Sunod ay humarap siya sa dalawang babae. “Zavry, Mavis. Maging totoo kayo sa akin ngayon. May galit ba kayo sa akin o sa kapatid ko dahil sa matagal na taong pagpoprotekta natin sa kaniya?” Walang sumagot sa tanong niya. Ang dalawa ay nanatiling tahimik, waring wala silang pinag-uusapan.

“C’mon. That’s why I called you here, its because I need your cooperation. At kasama roon ang totoong nararamdaman n’yo sa ginagawa ninyo.” Napansin ni Brylle na nagtinginan ang dalawa. ‘Di kalaunan ay nagtaas ng kamay si Zavry. Sinenyasan n’yang magsalita ito kaya ang lahat ay nanahimik at hinihintay ang sasabihin ng dalaga.

“At first, I find it fun. Pero habang tumatagal, I find it unfair. Bakit kailangan natin laging magsakripisyo para sa kaniya? Bakit hindi na lang natin sabihin? Bakit may plano pa? I have so many questions that I wanted to ask, but our time is not enough for that. I’m sorry, I love my best friend but I’m afraid I might get hurt too or my family might find out something about this.”

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now