Chapter 40

66 4 0
                                    

     
     
Froilan POV

This is it! Ito na 'yon. I need to clean our band name, our images.

“Froi? Nakahanda na ang sasakyan mo.” Nang marinig iyon ay umalis na ako sa harap ng salamin at bumaba ng hagdan.

“Ma? Are you sure about this?” tanong ko sa kaniya. Nginitian lang ako nito at sinenyasan akong bumaba nang kaonti upang magpantay kami.

“Froi, sa tanang buhay ko, kailan pa ako nagkamali sa pag-dedisisyon para sa inyo?” Hindi ako sumagot at hinayaan s’yang ayusin ang aking buhok.

“Ingat, baby boy! Wish you all the best!” Tumawa na lang ako sa pagiging-energetic ni mommy at pinaandar na ang aking kotse.

How I wish, maging successful 'to...

Nandito na kami sa CLIS at ang bumungad kaagad sa akin ay sandamakmak na reporters at flash ng camera. Nang dahil sa nangyari kahapon ay kung ano-anong issue ang lumalabas tungkol sa amin at nadamay pa ang minamahal ko.

So, Dad and I decided to have a press conference pag-tapos ng pageant. We invited them today, para sa gagawin namin. Also, ngayon din ang plano naming tungkol sa pagtugtog mamaya, para sa fans.

“Relax your mind, Bud!” Out of nowhere, my brother came. I think, it's been a weeks since I haven't seen him.

“Alam mo, Kuya. Napapansin ko lang, tuwing maganda na ’yong eksena, roon ka e-extra. What are you doing in your life? At saan ka nag-pupunta? Alam ba ito ni Abuelo? Ni Papa? How 'bout, Mom?” tanong ko rito. I know, it's sounds rude to tell that. Pero hindi niya ako masisisi, I'm worried— kahit may pagkatarantado rin itong kapatid ko.

“Don't be such a cry baby, Froi. I'm busy with business,” he said.

Business, huh?

“Business or... a girl? Who is it?” Bumungisngis ito at nilayo ang tingin sa akin. I smell something’s fishy.

“Business. Our business. That's all.” Hindi ko na lang s'ya pinansin at sinulyapan ang mga umaasikaso sa stage namin mamaya.

“How's you and Bricelle? Busted ka ano? Kaya nangingialam ka ng buhay ko?” Nang humalakhak ito ay sinamaan ko siya ng tingin.

“Never mangyayari ’yan. Itaga mo sa niyog.” Nang sabihin ko iyon ay kumunot ang noo ko nang lalong lumakas ang pagtawa nito na halos hawak pa ang kaniyng tiyan.

“What's funny? The fact that I am more handsome than you? That someone like me will never experience being busted? Come on, dude. Masanay ka na!”

“Itaga sa bato. Sa bato ’yon, hindi niyog, shunga!” Nakamot ko na lang ang aking ulo dahil doon.

Bato ba ’yon?

“Niyog ’yon! Diba? Tulad doon sa napapanood ko, ’yong mga taga-probinsya na lalaki? They taga-taga the niyog and the juice will come out,” I said, while my head is still confusing. Habang siya ay walang humbay sa paghalakhak.

“Ulol! Kaya ka hindi sinasagot e. Bato ’yon! Bato! Mas matagal ka sa akin dito sa pinas, pero ang shunga mo sa tagalog. Bahala ka nga d'yan. Puntahan ko lang bebe loves mo. Aagawan kita!” Hindi pa ako nakakapagsalita ay kumaripas na ito sa pagtakbo.

“Kuya!” Hindi niya ako pinansin.

“Siraulo talaga ’yon.” Hindi naman ako aagawan no'n. I know deep inside, he is a supportive brother. Since when we're young, tinutulak niya ako kay Bricelle.

“Hoy, Froi. Handa ka na?” Tumango lang ako kay Tayler at kinuha sa isang sulok ang aking mic.

“Ladies and gentlemen, reporters and students, stockholders and parents. I introduce you to our new Mr. and Miss Crystal Light International School for this year, 2018. Let's give them some loud of applause!” Inumpisahan ko nang ihakbang ang paa ko paakyat sa stage, kasabay no'n ay ang palakpakan ng mga tao at sunod-sunod na pag-flash ng camera.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now