Chapter 30

72 4 2
                                    

       
       
Mavis POV

Nagtama ang paningin namin ni Zavry habang nasa harapan namin siya’t nandito kami sa likod ng gym. Walang katao-tao rito at tila sumisikip ang pakiramdam ko dahil sa mga titig niya.

Matagal-tagal na rin simula nang makita ko siya at hanggang ngayon ay nakakatakot pa rin kung tumitig ito.

“Hisashiburi, Mitsuishi Maki.” Nanlaki ang matang napataas ako ng aking tingin sa kaniya. Napansin kong kumunot ang noo ni Zavry kaya tila nanuyo ang aking lalamunan.

“Sir, we don’t understand you,” pagsisinungaling ko. Unti-unting ngumisi ito at tumango-tango.

“I see. Anyway, how is she? Is it a mistake to come here?” tanong niya.

Umiling ako, “No, sir. It’s a pleasure to be you here,” wika ko.

“And she’s fine and she’s doing great to her academic,” mungkahi ni Zavry. Parehas kaming hindi makatingin sa kaniyang mata, dahil tila kikitilan kami kung tumitig kami ro’n.

“If that so, you can go back there.” Nanginginig na tumango kami’t dali-dali nang umalis sa lugar na iyon.

“Mavis, natatakot ako sa kaniya. Papaano kapag nalaman ni Dad ’to? I’m sure pagbabawalan niya akong makisama sa inyo.” Inakap ko si Zavry upang gumaan ang loob nito.

Hindi puwedeng malaman ng daddy ni Zavry ang tungkol dito, lalo na ng pamilya ko. Paniguradong mas malaki ang gulo.

“Zav, huwag na muna tayong panghinaan ng loob. Para kay Bricelle naman ito ’di ba?” tanong ko. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako ng masama.

“Again? Para sa kaniya na naman?” Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.

“Mavis, may sariling buhay tayo’t may karapatang gawin ang gusto natin. Sa sobrang focus natin sa sitwasyon niya, nakakalimutan na natin ang mga kaligayahan natin!” panimula niya. Hindi ako makatingin dito dahil ramdam ko na ang pagod dito.

“May pamilya rin tayo, Mavis. Hindi lang kay Bricelle umiikot ang mundo natin, tandaan mo ’yan. Sa ngayon, hahayaan ko na munang tumulong tayo, pero kapag usapang pamilya ay labas na tayo,” dagdag niya pa. Bumuntong hininga ako at tumango lang dito.

Nang mahagip ng aking tingin si Bricelle na kasama ni Tayler ay tinuro ko iyon kay Zavry kaya tumango ito.

It’s show time.
      
        
Bricelle POV

Pagtapos ng pag-uusap namin ni Tayler ay napagdesisyonan na naming bumalik sa gym. Pagpasok pa lang namin ay nakakabinging mga hiyawan, tilian at tambol ng mga tao sa loob. Halata ang excitement sa kanilang mga mukha.

“Bri, saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap!” sigaw ni Mavis. Nagtatakang tiningnan niya kaming dalawa ni Tayler, ngunit tinanguan lang siya nito at pumunta na sa team nila.

“Bati na kayo?” tanong nito. Nakangiting tumango ako’t sinulyapan si Zavry na nakangiting hawak-hawak ang kaniyang pom-poms na kulay pula at bughaw.

“Good. Tara na, doon tayo sa harap. Iyong ibang SSG members ay nagmamasid kung may mga estudyante pa.” Tumango na lang ako at sinundan ito sa puwesto namin.

Mga ilang oras lang ay narinig na namin ang pagsasalita at pagpapakilala ng announcer sa mga player. Biglang nagtayuan ang mga tao at lalong umalingawngaw ang nakakabinging hiyawan, nang biglang lumabas ang blue team.

Froi's team.

“Let's all welcome! Perfect Shots Stars Team!” anunsyo ng MC. Isa-isa humakbang papunta sa gitna ang mga players.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now