Chapter 45

38 2 0
                                    

Bricelle POV

Ilang araw kaming naging busy simula nang magpunta kaming Laguna. Sinabi ko kasi sa kapatid ko ang nangyari noong gabing iyon dahil sa takot kaya naging alerto sila at dumoble ang pag-iingat sa akin.

Hindi ko na rin pinapansin ang mga kaibigan ko dahil hindi ko pa rin sila napapatawad. Binilinan din ako ni Papa na huwag akong lumapit kay Froilan hangga’t hindi ito natatapos.

Dahil madadamay lang din sila...

Noong araw na nanlalamig ako sa kaniya at binabalewala siya ay doble ang kirot na nararamdaman ko. Gusto kong murahin at saksakin ang sarili ko tuwing nakikita ko ang mga mata niya.

Ang mga mata n’yang iba’t iba ang pinapahiwatig.

Kaya nang araw na lasing siya at sumugod dito sa amin ay ang araw na tuluyan ko s’yang sinaktan.

I shouldn't do that, pero kailangan.

Iyak ako nang iyak noong gabing iyon. Pinalayo ko rin si Conor sa akin dahil naiinis ako sa kaniya. Doble-doble ang paghihinagpis ko dahil sa kaniya. Pero bandang huli ay hindi ko na iyon pinansin at nakipagtrabaho sa kaniya nang parang walang nangyari.

Matagal na rin naman kasi ako umalis sa bar na pinapasukan ko noon dahil delikado raw.

Nang makapasok na kami ulit ay nagtataka ako dahil hindi ko nakikita si Froi. Ang tatlong united nation lang ang nakikita ko. Hindi ko naman sila matanong dahil bawal din akong lumapit sa kanila.

Hanggang sa isang araw habang sinamahan ako ni Conor sa loob ay napalingon ako sa loob ng gym dahil sa mga naglalaro.

Tila lumundag ang puso ko nang magtama ang paningin namin. Nag-iwas din ako kaagad dahil ayokong masaktan na naman.

“Tara na,” sambit ko kay Conor. Tumango ito at sumunod lang sa akin.

Habang naglalakad kami sa tahimik na pasilyo papunta sa office ni Dean ay may biglang tumawag ng pangalan ko mula sa aking likuran. Paglingon namin doon ay kumunot ang noo ko nang makita na ang guwardiya ng CLIS ang nasulyapan ko.

“Ma’am, pinabibigay po ito ni Dean. Ang sabi niya po ay magkita raw ho kayo sa lumang building ng college at huwag ninyo raw po isama ang inyong body guard,” pahayag niya.

“Ho? Bakit naman? Kaya nga ho kami nandito dahil pinatawag niya kami.”

Naguguluhan ako. Kanina lang ay kausap namin ang secretary niya at pinapatawag ako sa opisina niya, ngayon naman ay sa lumang building daw ng college na hindi ko naman alam kung saan.

“Signorina, my feeling is not good. We shouldn't continue, let’s go back.”

Nang hawakan ni Conor ang kamay ko at hahatakin paalis ay nanlaki ang mata ko nang pigilan kami ni kuyang guard.

“Ma’am, kailangan ninyo po talagang pumunta roon. Parehas po tayong mapapagalitan nito e,” pamimilit niya.

Hinawi ko ang kamay niya at bumuntong hininga. Humarap ako kay Conor na ngayon ay masama ang tingin sa guwardiya na tila sinusuri ito.

“Sige na, ako na ang bahala. Tatawagan na lang kita,” sambit ko rito na naging dahilan upang lingunin niya ako.

“But—”

“Hep! Ako nang bahala, I can take care of myself.” I gave him a wide smile to convince him, but I failed. Still, he nodded and let go of my hand.

“Thanks.” Humarap ako sa guwardiya. “Saan ba iyon?”

Tagaktak ang pawis ko habang naglalakad sa abandonadong gusali na ito. Mainit ang singaw ng hangin dito at dumagdag pa ang kulong na bahagi kung saan ako’y naglalakad habang may hawak-hawak na isang susi na hindi ko alam.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now