Chapter 36

76 3 0
                                    

     
    

Froilan POV

Hindi ako mapakali habang nakupo sa sofa, kung saan inukupa niya para kay Bricelle. Kanina ko pa kinukurot ang aking dailiri, nagbabakasakali na isang panaginip lang ito.

Ngunit bigo ako, dahil gising ako’t ito ang katotohanan.

Habang nakatitig ako sa kaniyang mukha na mahimbing na natutulog ay hindi ko maiwasang mag-alala, kahit pa nagising na siya kahapon— sabi ng doctor iyon.

Nakakapagtaka lang, kahapon kasi pagkatapos ng laro ay wala na siya sa upuan niya. Tapos, magugulat na lang kami sa isang tawag at sinabing nasa hospital siya.

I thought it was just a prank. But her sister... she said it was true. Kaya kaagad kaming dumiretso rito kahit hindi na namin naasikaso ang event sa school.
         
                 
       
We won! Yes!

Dali-dali akong tumakbo sa puwesto nila, ngunit naramdaman ko ang pagkunot ng noo ko nang mapansin na wala siya roon.

Nasaan 'yon?

Froi! Congrats!” sambit ni Mavis, nang makalapit sa akin.

Nginitian ko lang ito, “Where’s Bri?” Nagkatinginan ang dalawa sa aking tanong— pinaparating na hindi nila alam.

“Ang sabi niya, bibili lang siya ng tubig. Ang tagal nga e, kanina pa 'yon umalis,” paliwanag niya. Dahan-dahang tumango ako’t  kaagad kong kinuha ang gamit ko at sinubukan siyang tawagan.

Cannot be reached. “I can't reach her phone. Where the hell she is?”

Nasaan ba siya? Ang babaeng iyon talaga!

“Tara sa cafeteria, baka tumambay lang ang bruhang iyon.” Kahit hindi sang-ayon ay wala akong nagawa kundi ang tumango na sa sinabi ni Mavis. Kaya nagmadali kaming pumunta roon.

Pagdating doon ay dumiretso ’agad ako sa tindera.

“Ate, may student ba na babaeng maganda ang bumibili ng tubig kanina? Nakita mo ba siya?” tanong ko.

Nag-isip pa ito bago humarap sa akin, “Ah! Oo, paglabas ko nga ay wala na siya e. Bakit iho?” Nakaramdam ako ng pagkagulat, ngunit hindi ko iyon ipinakita sa kanila, bagkus ay nginitian ko ang mga ito.

“Nothing po, salamat manang.” Tumago lamang ito kaya pumunta na ako sa puwesto nila Mavis nang bagsak ang balikat.

“Find her?” tanong ko. Nang mapagtanto kong hindi siya tumitingin sa akin habang umiiling ay alam ko na kaagad ang sagot.

Paniguradong yari ako sa kaniya, kapag nalaman niyang hindi ko nabantayan si Bricelle.

Froi, your phone is ringing. Baka siya na 'yan.” Kaagad akong nagbalik sa realidad at dali-dali kong kinuha ang telepono sa aking bulsa.

Nang makita ang caller ay kumunot ang noo ko.

Unknown number.

Nilingon ko muna sina Mavis at sabay sumagot sa tawag.

“Hello?”

“Is this Mr.Froilan Casterñado? The Son of Dean Morales Estevos Casterñado?” Naramdaman kong nakikinig sila Mavis kaya nilagay ko iyon sa speaker.

It's a guy. Who is he? Paano niya ako nakilala? Paano niya nalaman ang number ko?

“Yes. And you are?” tanong ko. Narinig ko ang mahinang bungisngis nito, kaya kaagad kong naramdaman ang pag-iinit ng ulo ko.

HIGH SCHOOL POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon