Chapter 9

111 14 5
                                    

Chapter 9.
      
     
   
Bricelle POV

Buong afternoon subject ay lutang ako at walang naiintindihan sa mga tinuturo ng mga lec. Hindi maalis sa isip ko ang sagot ni Froilan kanina, kahit pinipilit kong hindi maalala iyon.

"Sana hindi nangyari yon para hindi tayo ganito!"

Linyang paulit ulit sa pandinig ko na parang sirang plaka. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip sa sinasabi niya, pero gusto ko pa rin malaman ang dahilan kung bakit niya iyon isinigaw.

Bakit ba kasi? Bwisit naman!

Hindi ko muna inisip iyon at sakto namang pumasok sa alaala ko ang pinapagawa ni Dean. Event? Ano kayang pwedeng gawin? Hmm...

"Ahh, alam ko na!" masayang sambit ko. Natigilan ako nang makitang nagtakang tumingin sa akin ang lahat at nahiya ako nang makitang may lec pa pala sa harap.

Ang malas naman!

"Binibining Holdler. Tila yata may sarili kang mundo at kung ano-ano ang iyong nababanggit," sabat ng pinakamabait na lecture namin.

Señora Eztorgio.

Subject niya ang favorite ko. History. Pero maraming naiinis sa kan'ya–at isa ako ro'n, dahil sa katarayan nito. Porket matandang dalaga ay napaka kj na sa'aming mga kabataan.

Minsan nga ay natatawa ako, dahil kapag narinig ka n'yang mag-english ay sasagutin ka niya ng, "Lumayas ka sa kwartong ito!" Kahit kapag nakita ka lang n'yang sumulyap sa seatmate mo at kapag naman nakita niyang sobrang kapal ng makeup mo or mahaba ang buhok ng lalaki ay ang linyang iyon ang binabanggit niya.

Hindi ba s'ya nagsasawa sa linyang iyon?

"Binibining Holdler!" Naputol ang pag-iisip ko nang bigla n'ya akong tawagin. Doon ko lang napagtanto na kanin pa pala ako tulala at kanina niya pa ako tinatawag.

Hindi naman poo ako binge.

"Binibining Holdler! Ano ba't hindi ka makausap? Ngayon ka lang naging gan'yan. Hindi ka siguro nakikinig sa'akin." sambit niya at nakataas ang manipis nitong kilay habang naka-cross arm itong humarap sa akin.

"Po? Ako? Nakikinig po ako, Señora," sagot ko. Sinuri ako nito at ngumisi.

"Oh sige, kung totoong nakikinig ka, kailangan mong masagot ng tama ang itatanong ko," aniya. Tinignan ko ang paligid at lahat ng kaklase ko ay nakangiti at inaabangan ang sagot ko.

Ako pa? Malakas 'to.

"Sige po señora, tinatanggap ko," taas noong sagot ko sa kan'ya. Ngumiti ito at mayabang na humarap sa akin.

"Unang katanungan ay aking dadalian lamang. Ano ang alam mo sa paglalathala ng Noli Me Tangere at kung paano ito nakaaapekto sa Pilipinas?" tanong niya. Napaisip muna ako saglit at nang maalala ay ngumiti ako sa kan'ya, sabay taas noong humarap sa lahat.

"The Social Cancer ang orihinal na pamagat nito. Ito ay isinulat noong 1887, Ang nobela ay hindi lamang gumising sa natutulog na kamalayan ng mga Pilipino ngunit itinatag din ang mga batayan para sa pagnanais ng kalayaan," panimula ko.

"Ang aklat ay hindi direktang nakaimpluwensya sa Rebolusyong Pilipino ng kalayaan mula sa Espanya na siya rin ang plano ni Andres Bonifacio noong panahong iyon, kasama si Rizal, itinaguyod nila ang direktang representasyon sa pamahalaang Espanyol at isang pangkalahatang mas malaking papel para sa Pilipinas sa loob ng mga usaping pampulitika ng Espanya," dagdag ko pa. Tumango-tango ito at tila nag-iisip ng susunod n'yang itatanong.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now