Chapter 5

123 15 4
                                    

Dati.
    
        
Froilan

Nakasimangot na gumising ako at tamad na inunat ang katawan. Balak ko sanang bumalik sa pag-tulog nang biglang tumunog ang reminder ko.

Nakasimangot na pinatay ko 'yon at bumalik ulit sa pagtulog. Komportable at nakapikit na ang mata ko nang tumunog na naman ito.

"Amputspa naman!" Napabalikwas ako ng bangon at sinilip ang cellphone ko. Ginulo ko ang buhok nang makitang tumatawag si Lorence.

"Anong kailangan mong bwisit ka? Kulang ako sa tulog," saad ko nang sagutin ang tawag. Lalo akong nainis dahil sa narinig na pagtawa niya sa kabilang linya.

"Hoy, Espanyol na kupad! Bumangon ka na dahil alam mo ang sasalubong sa 'yo kapag na-late ka. We will wait for that, Froi. Bye!" Agad n'yang pinatay ang linya kaya padabog na hinagis ko sa higaan ang celphone.

Magkadikit ang kilay na bumangon ako mula sa kama at dumiretso sa banyo. Agad akong nag-toothbrush at dumiretso sa shower. Mga ilang minuto rin akong nagbabad do'n. Nang ma-satisfied ay napagpasiyahan kong umalis na sa loob ng banyo at pumunta sa walk in closet ko upang makapag-handa na sa lakad.

Nang makarating doon ay agad akong nagbihis ng aking simpleng shirt. Sa pang-ibaba naman ay nagsuot ako ng simpleng maong, habang puting rubber shoes naman sa paa. I also include my favorite watch and sunglasses, which makes me cool. Napangiti ako nang makita sa salamin ang itsura ko.

Kitang-kita sa shirt na suot ko ang saktong laki ng aking katawan. Bumagay rin sa 'kin ang suot na maong, rubber shoes, watch and sunglasses na suot ko.

So simple yet, hot and cute.

Tiningnan ko muna ang kabuoang suot ko at kinuha ang pabango ko, sabay spray sa aking katawan. Napangiti na lang ako sa naging amoy niyon.

Nang masiguro na maayos na ang ayos ko ay kinuha ko na ang wallet at cellphone ko, sabay nakangiting bumaba at dumiretso sa dining area, kung saan nakita kong nakaupo si abuelo.

"Tanda, anong ginagawa mo rito?" kunot noong tanong ko sa kaniya at nilapitan ito, dahil busy pa rin ito sa pagbabasa ng diyaryo at parang hindi ako narinig.

"Binge ka ba?!" Hahawiin ko sana ang diyaryo na hawak niya nang may biglang bumatok sa 'kin.

Anak ng... my freaking hair!

Inis akong humarap sa taong iyon at aambahan ko sana ito nang makita ko na pinakamamahal na ina ko pala iyon. Kaya nakasimangot na umupo na lang ako sa bakanteng upaan sa lamesa.

"Ikaw bata ka, bakit hindi mo ginagalang ang iyong abuelo?" tukoy ni mama sa aking lolo habang may dala-dalang ulam na paborito kong umagahan.

"Hayaan mo na siya, hija. Kahit naman ganiyan ang ugali ng anak mo ay alam kong may bait na tinatago ito. Kaya ko nga naging paborito iyan," mahinahon na pagtugon ni Abuelo, gamit ang salita namin.

Tiningnan ko na lang si mama na masama ang tingin sa 'kin. Napanguso ako ro'n at mas binigyang pansin ang mga pagkaing nakahain sa hapag.

Bata pa lamang ako ay si tanda na ang pinakamalapit sa akin. Kahit matanda siya, he talks and act like a teenager. Iyon ang naging dahilan kaya kami magkasundo ng lolo ko. Nakikisabay siya sa trip namin at hinahayaan kaming kumilos nang malaya, kaya tanda rin ang tawag ko sa kaniya dahil hangga't nandito ako ayokong magsalita ng lengwahe namin. Nakapagtataka lang na nandito siya sa Pinas, eh samantalang no'ng isang araw lang ay pinipilit niya akong pumunta ng Spain para doon mag-aral kahit ayoko. Kaya sa huli, nainis ako sa kaniya.

Sumulyap muli ako kay mama habang kumakain. Nakita kong tumango siya kay tanda at pumuwesto na rin sa bakanteng upuan. Mahaba ang lamesa namin at nasa gitna si tanda, kung saan laging puwesto ng aking ama. Pang sinauna ang theme ng bahay namin, pero kahit papaano ay makikitaan pa rin ng pagiging moderno ito. Pati na rin ang mga gamit ay sinauna dahil sa kagustuhan ng aking ama na isang Kastila.

HIGH SCHOOL POPULAROnde as histórias ganham vida. Descobre agora