Chapter 23

85 8 5
                                    


    
     
Bricelle POV

I breathed in the fresh air as I sat here in shanty of our school garden. I began to felt the emptiness while tears were dripping down my eyes. Gusto ko munang lumayo sa mga sakit, gulo at ano pa.

Habang umiihip ang malakas na hangin na tumatama sa aking balat habang ang luha kong patuloy sa pag-agos ay naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Pinaglaruan niya ako, niloko niya ako at nagsinungaling siya.

Parang ang hirap na tuloy magtiwala sa mga tao ngayon kahit isang tao lang naman ang nagawang sirain ang tiwala at puso ko.

"Hey, you okay?" Dahil sa paglalakbay ng utak ko ay nakaramdam ako ng makapanhilakbot nang may magsalita mula sa labas ng kubo.

Anong ginagawa niya rito?

"Kailangan mo?" masungit na usal ko rito habang pinupunasan ang pisngi ko. Ngumisi lang ito sa akin  at umupo sa tabi ko.

"Nothing. I just saw you crying while running here, so I followed you and also, pupunta rin talaga ako rito. Nagsakto lang na nandito ka," paliwanag niya.  Tinanguan ko lang siya at tiningnan ang mga bulaklak.

Parehas kaming nilamon ng katahimikan, kung kaya't gumaan ang pakiramdam ko.

"Did he hurt you?" pagbasag nito sa katahimikan.

Inangat ko ang gilid ng labi habang nakatitig sa mga bulaklak. Nang maramdaman ko na naman ang pagbabadya ng luha ko ay huminga ako ng malalim at sinagot ang tanong niya.

"It doesn't matter anymore, tanggap ko na e. Na pinaglaruan lang niya ang feelings ko. Na may mahal siyang iba," panimula ko. Hindi siya umimiik at hinayaan akong ilabas ang sama ng loob ko.

"Alam mo 'yung feeling na simula dati pa lang ay hinahangaan ko na siya? Tapos dream come true na sa akin 'yung maging girlfriend na pagpapanggap lang. Pero wala e, talo ang pagkagusto ko kung may mahal siyang iba," dagdag ko pa. Paglingon ko kay Froilan ay nakatitig lang ito sa akin at kitang-kita ko ang awa at pag-aalala sa mata niya.

"Hey, don't give up. Don't mind him and I know he's going to hurt you lang, kaya binugbog ko siya." Nanlaki ang matang napatingin ako rito, kasabay ng pag-uwang nang labi ko.

"Ikaw ang bumugbog sa kaniya no'ng araw na may practice tayo sa gym!? Bakit?" pagkukuro ko. Nagkibit balikat lang ito at tumingin ng diretso sa mata ko.

"Because I care about you, your feelings and everything about you," aniya. Naguguluhan na tinaasan ko siya ng kilay kaya humalakhak ito. Hinampas ko na lang ang braso niya at inikutan ng mata.

"Boang ka," biro ko rito.

"Boang sa 'yo." Nanlaki na naman ang matang na patingin ako sa kaniya.

"You look cute when you're shock or confused." Inirapan ko lang siya ngunit kahit papaano ay napagaan niya ang loob ko at napangiti ako sa sinabi nito.

Kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin ay nakakabinging katahimikan na naman ang namuo sa amin, ngunit kahit papaano ay magaan na ang loob ko at hindi na ako nasasaktan dahil may isang taong nandito na handa akong damayan kahit hindi ko alam kung ganoon ba talaga ang pinapahiwatig niya.

"Bricelle? I have a question," wika niya. Tumingin lang ako rito at hinihintay ang sasabihin.

"Do you like the moon?" pagtanong niya. Napahawak ako sa aking baba habang kagat ang labi. Nang makapagdesisyon ang isasagot ay nginitian ko siya.

"Hinde e," sambit ko. Tumango-tango lang ito at napangiti.

"Why? Everyone says it is beautiful," usal niya. Bumungisngis lang ako at nahampas ang aking hita.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now