Chapter 13

76 13 2
                                    

Bricelle POV

Nandito pa rin ako sa palasyo nila Froi at hirap na hirap akong inaakay ito. Dinaanan pa namin ang mahabang hagdan, at ilang liko pa ang aming inilakad, bago makarating sa kwarto ni Froilan the lasinggero.

Grabe sakit sa paa!

"Dito na lang tayo," sambit ni Fransisco. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig.

Pinihit na nito ang door knob, at pagbukas ng pinto ay madilim na kwarto ang bumungad sa amin. Kakaonti lang ang liwanag na pumapasok dito dahil sa malaking kurtina na nakataklob sa tapat namin. Ngunit sa konting liwanag na 'yon ay mapapansin ko pa ring malaki ito.

"Bakit walang ilaw? Hindi ako makakita!" pagrereklamo ko kay Fransico. Ngumisi lang ito at nilakihan ang pagbukas ng pinto upang makapasok kami.

Sinimulan na namin humakbang papalapit sa kama nito kahit madilim.

"Ayaw ni Froi buksan ang ilaw kapag may ibang tao rito, magagalit 'yon for sure," sagot niya. Napa-irap na lang ako sa hangin dahil doon.

Nang maramdaman namin ang kama niya ay 'agad kong tinanggal sa balikat ko ang kamay ni Froi, dahilan upang mabalibag ito sa kama niya.

Ang bigat sobra!

"Dahan dahan naman!" sigaw ni Francisco. Inirapan ko lang siya at inunat-unat ang katawan ko.

Pagtingin ko kay Froi ay dumadaing ito at gumagalaw ng konti. Lalapitan ko sana siya nang may biglang kumatok, kaya na-agaw n'on ang atensyon namin.

"Baka ayun na 'yung mainit na tubig, kuhain ko lang." Tinanguan ko lang siya at umupo sa higaan ni Froi.

Wow! Ang lambot!

Tinignan ko si Froi. Kahit papaano ay kita ko ang maamong muka niya sa madilim na kwartong ito. Napangiti ako dahil natititigan ko ang muka niya ngayon.

Gwapo naman pala talaga. Cute din niya. Para siyang maamong halimaw- kaya ko lang naman siya tinatawag ng gano'n dahil sa ugali niya. Pero ang gwapo nga ni Froilan.

Grabe! Mas gwapo pa pala siya sa kuya niya!?

Ngayon ako naniniwala sa kasabihan na, Mas maganda o gwapo ang bunso kaysa sa panganay. Hindi ko alam kung ano itong inaa-asal ko, pero ang sarap titigan ng muka niya kaya sinamantala ko na, minsan lang ito.

"Baka naman matunaw ang kapatid ko." Napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita, kaya dali-dali akong umiwas ng tingin kay Froi, dahilan upang mahulog ako at kumalabog ang p'wet ko.

Aray. Ang sakit.

"Bwiset ka! Nagulat ako! Nahulog tuloy," saad ko sa kaniya. Tinawanan lang ako nito, at humakbang siya papalapit kay Froilan. Tumayo na ako mula sa sahig, dahil sinimulan na niyang punas-punasan ang mukha at katawan ni Froi.

"Akala ko ba hindi ka maalam mag-alaga ng lasing?" tanong ko. Kahit madilim ay nakita kong napangiti siya dahil sa maputi nitong ngipin.

Bakit hindi na ako masiyado kinikilig dito sa lalaking ito? Gwapo naman siya ahh? Pero mas gwapo si Froi- hindi ko na lang inisip iyon at tumingin ako sa ginagawa niya.

"Would you mind? Papalitan ko lang siya ng pantulog." Sinenyasan ako nitong tumalikod kaya tumango lang ako, at tumalikod.

Sa bagot ko ay tinignan ko ang relo ko. 6:00pm na. Patay ako kay lola nito kapag late ako umuwi.

"Done! Tara sa baba, hindi ka pa nakain. Pagpahingahin muna natin si Froi, gising na 'yan later." Tumango na lang ako at sumabay sa kaniya sa paglabas ng kwarto ni Froi.

HIGH SCHOOL POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon