Chapter 22

78 8 0
                                    

Mavis POV

Sobrang nanlumo ako nang pumasok ako't walang Bricelle na bumungad sa akin. Ngayon lang ito nangyari. Ngayon lang walang sumalubong sa akin ng malawak niyang ngiti. Ngayon lang walang mahiyain na babaeng nakasuot ng kaniyang salamin at buhaghag ang medyo kulot nitong buhok.

"Mavis." Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon. Kaya dali-dali akong napaharap sa aking likod.

Ngunit ganoon na lang ang panlulumo ko dahil hindi pala siya iyon.

"Oh Zavry, kanina ka pa diyan?" tanong ko rito. Ngumiti ito nang tipid at tumango.

"Wala pa talaga siya?" pagkukuro ko.

"Wala, nalibot ko na ang buong campus, even the library is empty. I think she's not okay pa rin or she's nagbabantay lang," pagtugon ni Zav. Sunod-sunod na tumango lang ako at bagsak ang balikat na inaya siya sa loob ng room namin.

Ilang oras na kaming naghihintay at nakapalumbaba pero, wala pa rin ito. Unti-unti ng dumadami ang mga estudyante at tao rito sa room namin ngunit hindi pa rin siya dumadating.

"Mavis, malapit na mag time," ani Zav. Napatango naman ako rito at ngumiti nang tipid.

"Mukhang hindi talaga siya papasok, hayaan na muna natin siya," talima ko. Bumuntong hininga ito at inayos na ang upo niya dahil saktong dating na rin ng lec namin- kasunod ang apat na laging late.

"Mavis!" Natakpan ko na lang ang aking tainga nang marinig ang ingay na iyon.

Bwiset! Ano na namang kailangan niya?

"Mr. Zchekieser! Can you please lower your voice?" suway ni Miss Alcantara. Tiningnan ko Lorence na pakamot-kamot lang habang humahakbang sa direksyon ko.

"Pst! Mavis!" pagtawag niya.

Taas ang kilay na hinarap ko ito, "What!?"

Naikot ko na lang ang mata nang lawakan nito ang ngiti at nagpikit-mulat ng mata.

"May sasabihin kasi ako sa 'yo," nahihiya niyang sambit. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay at hinarap ito.

"Alam mo kung may sasabihin ka, bilisan mo dahil ayokong mag-aksaya ng oras sa 'yo. Gets?" Tila na palakas ang pagkaka-sambit kong 'yon, dahil umalingawngaw ang malakas na pagtawa ng mga kaklase namin.

Epal kasi.

"Ito naman ang bossy lagi! Itatanong ko lang naman kung kailan tayo-"

Naputol ang sasabihin nito nang umalingawngaw ang sigaw mula sa labas. Paglingon ko roon ay nakita ko siyang pawis na pawis at hinahabol ang hiningang tumigil sa harap ng pintuan, kung kaya't nanlaki ang mata ko habang nakakunot ang noo, ngunit may ngiti sa labi.

Bricelle POV

Paspasang natakbo ako sa loob ng campus namin dahil alam kong late na late na ako. Pagdating sa third floor ay walang katao-tao kaya nang makitang nasa unahan na si Miss Alcantara sa room ay mas pinaspasan ko ang takbo papunta sa dulong bahagi ng floor na ito kung saan nakapwesto ang room namin.

"Miss!" sigaw ko. Hinahabol ang hininga at pawis na pawis na tumigil ako sa harap ng pintuan.

Paglingon ko sa kanila ay mga natigilan ang mga ito at nanlaki ang matang nakatitig sa akin. Ang iba naman ay na kakunot lang ang noo.

"Oh Bricelle? Ano't sumisigaw ka? And also, bakit ka pawis na pawis at mukhang hinahapo? Are you okay?" nag-aalalang pagtanong ni Miss Alcantara. Nilunok ko muna ang laway ko at nakangiting humarap sa kaniya.

"Miss, I'm sorry for being late. Hindi na po mauulit," wika ko. Pagtango lang ang natanggap kong sagot sa kaniya, kaya't nanginginig na humakbang na ako sa pwesto ko.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now