Chapter 3

161 21 11
                                    

Girlfriend.
    
    

Pagkatapos namin mag-usap ay kaagad naman kaming lumabas sa back stage, dahil nga sa audition. Sinalubong naman ako ng masasamang tingin ng mga estudyante, pero hindi ko na inintindi iyon dahil kailangan ko na makapag-audition. Dahil habang tumatagal na nandito ako, pataas nang pataas ang kahihiyan na nararamdaman ko.

"Secretary Nicole, nakapag-palista na ba ang lahat?" tanong ni Tayler sa babaeng kausap ko kanina.

Sinalubong naman kami nito ng nanunuksong tingin. "Yes, Pres. Tanging ang girlfriend ninyo na lang po ang hindi pa."

"Nasaan ba? Mag-papalista na ako." Binigay niya sa akin ang isang notebook at ballpen, kaagad kong inilista ang aking pangalan. Pagtapos ay binalik ko na iyon sa kan'ya at lumayo nang kaonti kay Tayler.

Nakakahiya, akala nila totoo niya akong girlfriend.

"Bakit parang nabawasan ang mga tao? Kanina lang ay marami sila ah?"

Tiningnan ko ang paligid. Tama nga si Tayler, kakaonti na lang ang tao. Ang mga matang nanlilisik na nakitingin sa akin kanina ay nawala na parang bula.

"Of course, nag-alisan nang malaman ang katotohanan na wala na silang pag-asa sa inyo, Pres." Napangisi ako sa sinabi ng sekretarya niya, ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang mahiya.

"Whatever. Let's start," anito sabay kinuha ang megaphone sa tabi.

"Hello? Good day everyone! I'm Tayler Kit Vrekyston, the President of MD CLUB or Madrama Club," panimula nito.

Lahat kami ay tumingin sa kaniya, kasama ang ibang members ng club na ito. Bagay sa kaniya ang mag-lead ng ganito. From his name, to his looks ay artistahin na.

"All participants and future actress, kindly seat in the perspective chairs. And before we start, there's a twist in this audition. You're just going to act the scenes I want, sasabihin ko sa inyo kung anong scene ang gagawin ninyo and I'm going to judge it, of course. So let's start?" dagdag niya pa.

Excited naman na naghiyawan at palakpakan ang mga tao habang pumupunta na kami sa upuan na kaniyang sinasabi.

Habang tinatawag pa niya ang mga naunang nag-palista ay inikot ko ang paningin at sinuri ang buong theater room. Ang laki talaga nito. Pang sinehan ang laki at pagkakaayos ng mga upuan. Malaki rin ang stage at may flag ng Pilipinas sa gilid at flag ng logo ng school namin na may kristal na hugis. Kahoy naman ang sahig ng stage at may nakatutok na ilaw na bilog na malaki sa gitna, kung saan nakatayo ang taong nasa unahan.

Makalipas ang ilang oras ay sa wakas, surname ko na ang tinawag.

"And last, Miss Holdler." Nang marinig ko iyon ay kaagad akong tumayo at diretsong naglakad pababa upang makapunta sa stage.

In hale, exhale. Relax, Bricelle. Nang makapunta sa unahan ay kaagad akong binigyan ng mic.

"Okay. Miss Holdler—"

Kumunot ang noo ko dahil sa pag-tigil ni Tayler. Daig niya pa ang nakakita ng multo kung makatingin sa akin.

"Bricelle? Your surname is... Holdler?" nagtatakang tanong nito. Kumunot ang noo ko sa inaasta niya.

Anong problema ba nito? Ginawa akong girlfriend tapos surname ko lang ay hindi pa alam. Well, hindi na ako magtataka. Hindi naman ako sikat at hindi ako importante sa lahat.

"May problema po ba sa surname ko?" tanong ko sa kaniya. Nakita kong inalog nito ang ulo, tila nahihibang siya sa kaniyang sinasabi.

"Wala naman. Perhaps, you know someone with the same surname?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya, hindi mawari kung ano ba ang tumatakbo sa isipid nito.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now