Chapter 21

83 10 3
                                    


    
    
Bricelle POV

Bagsak ang balikat nang ako'y umuwi sa bahay namin, habang ang isip ko ay naglalayag sa ere.

Totoo ba ang lahat?

"Bricelle! Ang lola mo bilisan mo dali!" 'Agad nakuha ng atensyon ko ang sigaw ni Aleng Cecil.

Inalog ko ang ulo at inalis ang iniisip. Daglian kong hinakbang ang paa palapit sa bahay namin na nagkukumpulan ang mga tao.

"Anong nangyari!?" hiyaw ko kaniya. Hindi ito umimik at hinila na lang ako sa loob ng aming bahay.

Pagpasok ko sa sala namin ay napatigil at nanlaki ang mata ko nang makita na, na kauwang ang labi at na kahawak sa kaniyang dibdib si Lola. Dali-dali ko siyang nilapitan ang sinuri, 'agad din akong nakaramdam ng panginginig dahil sa iniisip na posibleng mangyari.

"Lola! Anong nangyayari sa 'yo!?" pagtangis ko rito.

Habang na katitig sa mukha ni Lola ay nararamdaman ko ang sakit at hirap na kaniyang dinadama ngayon. Unti-unting lumalabo ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo. 'Agad ko naman iyon tinanggal at dagliang kinuha ang bag ko, upang humingi ng tulong.

Pag-dial ko sa numero ay nilagay ko na ito sa aking tainga. "Hello? 911? Kailangan namin ng ambulansya, ngayon din! Kapag namatay ang lola ko rito dahil sa kakupadan niyo ay kayo ang papatayin ko!"

Hindi ko na napigilan ang lumabas sa aking bibig at padabog na inabot kay Aleng Cecil na nasa kaliwa ko ang telepono upang ibigay ang address namin.

Paglingon kong muli kay Lola ay may luhang unti-unting natulo sa kaniyang mga mata, kaya't hindi ko rin napigilan ang akin at humagulgol sa harap niya. Nanginginig na hinawakan nito ang pisngi ko, kung kaya't hinawakan ko iyon nang mahigpit at dinamdam ang haplos niya.

Nang mapagtanto kong lalo ko lang siyang pinagaalala ay hinawakan ko ang kamay nito at inilagay sa kaniyang dibdib. Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang mga butil ng luha sa aking pisngi at nginitian siya.

"Lola? Hingang malalim lang po, okay? Inhale, exhale," pagpapakalma ko. Kahit nangangatog na ang buo kong katawan dahil sa takot ay pinaulit-ulit ko iyon sa kaniya, na s'yang ginagawa naman ito.

Napansin kong umupo sa kabilang banda si Aleng Cecil at pinapaypayan si Lola. Tipid na nginitian ko lang siya at binalingan kong muli si Lola na patuloy sa paghinga nang malalim.

"Lola magkakasama pa tayo ng matagal di ba? Sige na lumaban ka lang, please po!" pagmamakaawa ko rito.

Nararamdaman kong muli ang unti-unting pag-agos ng aking luha kaya pinupunasan ko ito at sinasabayang muli si lola sa kaniyang paghinga.

Habang patuloy kami sa paghinga nang malalim ay s'ya ring dating ng mga nurse. Umalis muna ako sa tabi na at hinayaan silang galawin ang Lola ko.

Nang mailagay ang katawan ni Lola sa dala nila ay kumunot na lamang ang noo ko. "Dahan dahan naman po!" pagtangis ko.

Mukha kasing nagmamadali ang mga ito at hindi iniingatan ang pasyente nila.

'Agad nilang inilabas sa bahay namin at sa eskinita si Lola. Pagpasok nila sa lola ko sa loob ng ambulansya ay sumakay na rin ako. Balak din sanang sumama ni Aleng Cecil pero pinigilan ko siya.

"Ako na po ang bahala kay lola, bantayan niyo po ang bahay namin," sambit ko rito. Tumango siya kaya tipid na nginitian ko ito.

Nang paandarin na nila ang sasakyan ay  tiningnan ko si Lola na binibigyan nila ng hangin. Hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan iyon.

Lumaban ka lang, Lola. Kailangan pa kita. . .

Nang makarating kami sa ospital ay dali-dali akong bumaba at hinayaan silang asikasuhin si Lola. Pagpasok namin ay na katingin lamang ang mga tao roon at walang doctor na lumalabas, kung kaya't nagliyab ang bagang ko.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now