Chapter 7

122 18 5
                                    

White Handkerchief.

     
      
Nakangusong nakapalumbaba ako ngayon sa room namin dahil hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Bwisit na dalawang 'yon. Nagmamagandang loob na nga ako, sa 'kin pa nagalit.

Dahil sa dalawang iyon ay kakaonti lang ang napag-aralan ko ngayon sa history. Paniguradong babagsak ako nito, may exam pa naman kami ngayon at kamalas-malasan pa na kaklase ko ang United Nation.

"Bri," pagtawag sa 'kin ni Zavry kaya walang gana akong tumingin dito. Nawalan talaga ako ng gana ngayon dahil sa Froilan na iyon.

"Are you done na ba sa assignment in history?" tanong niya.

Bagsak ang balikat na kinalikot ko ang bag ko at kinuha ang notebook, sabay hagis sa kaniya kaya tuwang-tuwa naman nitong sinalo.

Hindi naman sa madamot ako, matagal ko na kasi silang tinuturuan at sinasabihan na h'wag laging umasa sa 'kin dahil darating ang araw na kapag hindi na nila ako kasama, kanino na lang sila aasa? Ayoko naman silang mapag-iwanan.

Sunod-sunod na napailing na lang ako kay Zavry. Ang motto talaga niya sa buhay ay gawin sa paaralan ang mga homework. Gano'n siya kasipag.

Nang dumating ang lecturer namin ay mabilisan kong kinuha ang notebook ko kay Zav— ikinagulat niya iyon pero kalaunan itinago na rin niya ang kaniya nang mapagtanto ang nangyari. Ang lahat ay umayos na nang pumunta na sa gitna ang lec.

"Good morning, everyone!" masiglang pagbati nito. Siya si Miss Alcantara, ang English teacher namin.

Napakabait niya at sobrang cheerful, kaya kahit bagsak na ang talukap ng mata namin, nakukuha pa rin namin maging masigla nang dahil sa kaniya. Bago kasi magsimula ng klase ay may pa warm up muna.

"Okay class, before we start I want you all to stand up," aniya. Sinunod namin ito at ang iba ay nagbabanat na agad ng kanilang mga buto.

Ang mga lalaki ay nakangiting aso habang nakatingin kay Miss— maganda kasi siya at mukhang high school lang din. Kung hindi nga siya nagtuturo ay magmumukha rin s'yang estudyante na kaklase lang namin.

"Next is—" naputol ang sasabihin niya nang may biglang pumasok na halimaw. Tila naghahabulan pa ang kaniyang hininga habang nakatuon ang kamay sa hita nito.

"You're late again, Mr. Casterñado!" Lahat ay natigilan. Naging sentro ng atensyon si Froilan at ang lecturer namin.

"I'm sorry, Miss. Sinamahan ko lang po 'yong kaibigan ko sa office ni Dean kasi transferee. Medyo natagalan lang ang pag-uusap kaya—"

"I don't need your explanation, Mr. Casterñado. Ikaw ang role model ng lahat kaya h'wag mo akong binibigyan ng excuse. Umakto ka na naaayon sa ugali mo." Tila may dumaan na anghel sa kapaligiran namin.

Tumindig si Froilan nang makarinig ng iba't ibang bulungan sa mga kaklase. Makikitaan sa kaniyang mukha ang pagpipigil ng inis.

"Go to your seat, now." Subalit kahit magkadikit ang kilay ay tumango lamang siya at humakbang na sa gawi ko, kaya hindi naiwasang magtama ng aming mata.

Nang makalapit siya sa direksyon ko ay inikutan ko ito ng mata at hindi na pinansin pa. Nagsimula na ring ituloy ang naputol na warm-up kanina.

Ilang minuto pa ang ginugol namin bago matapos sa warm-up. Matapos niyon ay nag-review kami ng topic last week. Mabuti na lang at napag-aralan ko iyon kagabi kaya hindi mahirap sa 'king sumagot. Kalaunan ay natapos din naman kaya binigyan na kami isa-isa ng test paper. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinuon na ang pansin sa papel.

Mga ilang saglit lang ay natapos na ang time namin kay Miss Alcantara kaya isa-isa na naming ibinigay ang papel sa unahan.

"See you tomorrow, class!" pagpapaalam niya.

HIGH SCHOOL POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon