Chapter 15

66 12 1
                                    


    
    
Tayler POV

Tutok na tutok ako sa cellphone ko habang naglalakad sa hallway, kasama si Froilan.

Ewan ko ba rito sa gunggong na ito kung bakit inaaya akong samahan siya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin, bagkus ay nakatutok sa daan ang tingin niya.

"Hoy!" Binatukan ko siya.

Nakita kong nagulat ito sa ginawa ko. Babatukan na sana ako nito nang bigla siyang matigilan.

"Naririnig ko ba 'yon?" tanong niya. Kumunot ang noo ko sa inaasta nito.

Mukha siyang baliw.

"Ano ba 'yo—" Tinakpan nito ang bibig ko kaya hindi ko naituloy ang sasabihin.

Bigla siyang tumingin sa kaliwa namin at 'agad tumakbo.

Saan pupunta 'yon?

"Pwe! Ang baho ng kamay mo! Saan ka pupunta, hoy! Hintayin mo 'ko!" Hindi niya ako nilingon at patuloy lang siya sa pagtakbo.

"Alam mo ba kung magkano itong sapatos ko? Ha!? Tingnan mo! Natapunan ng juice dahil sa katangahan mo!" Tumigil kami nang makitang nagkukumpulan ang mga tao.

Pilit kong humahakbang sa unaan upang makita kung sino ang pinagkakaguluhan nila.

Nang makarating ay nagulat ako sa aking nakita. Lalapitan ko na sana siya, nang biglang... hawakan niya si Bricelle.

"What did you do to her again? Sabi ko, don't you dare touch this woman again! Or I will kill you but still, you did it. Aren't you afraid, huh? I can kick your ass out of this school. Stupid nerd." Suddenly, Froi showed up.

Galit na galit ang mata nito.

Nag-aalalang sinuri niya ang kabuoan ni Andrea. Sunod ay galit na humarap ito kay Bricelle at hinawakan siya sa braso.

"Look what you did. Naligo na siya sa juice na natapon mo! Ano bang ginagawa mo't sobrang tanga mo na hindi mo siya nakita? Ha!? Sagutin mo akong babae ka!" bulya ni Froi.

Tiningnan ko si Bri, nakatingin ito sa parteng hawak ni Froilan at halata sa kaniya ang kirot no'n.

Gusto ko siyang lapitan, pero may parte sa aking pumipigil.

"Froi, stop it! You're hurting her!" Napatingin ako kay Francisco, pati siya ay nag-aalala.

"What? Ha! Kaya ba tatanga-tangang nabangga mo si Andrea ay dahil nakikipag-landian ka sa kuya ko? Ganiyan ka ba talaga? Makati ka ba talaga? Malandi? O baka pokpo—" Nagulat ako nang sampalin niya si Froilan.

Nabitawan na ni Froilan si Bri, kaya tiningnan ko siya at... naiyak ito.

"Ang kapal naman ng muka mong sabihan ako ng ganiyan. Una sa lahat, malinis akong babae, ni-hindi ko nga alam kung paano makipag sex at halikan, tapos ay sasabihin mo na makati? Malandi? At pokpok ako? Wow! Wala kang alam sa buhay ko kaya tigilan mo ang mga ilusyon na pinagsasabi mo. Matino akong babae, at higit sa lahat may respeto ako sa sarili ko at sa ibang taong may respeto din sa akin." Naiyak siya habang binabanggit ang mga katagang iyon, halatang nasaktan siya sa sinabi ni Froi.

"And FYI, accident lang ang nangyari kaya huwag mong isisi ang lahat sa'kin, dahil alam ko sa sarili ko na hindi lang ako ang may kasalanan dito, tanongin mo 'yang anghel mo, baka sakaling matauhan ka." Suddenly, she ran out of nowhere, but I followed her.

Halatang masakit ang mga sinasabi ni Froilan. Hindi gano'ng babae si Bri, dahil kilala ko siya.

Kilala ko na...

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now