Chapter 8

100 17 1
                                    

Audition.
    
    
Bricelle POV

Kasalukuyang nandito kami sa back stage at namamangha ako sa aking nakikita ngayon. Makikita mo rito ang iba't-ibang props na ginagamit nila at pati na rin mga damit, gayondin ang mga practice room ay makikita mo rito.

Astig!

Kung malaki ang stage at upuan doon ay malaki rin ang back stage. Kahit madami kami dito ay hindi ka mararamihan dahil nga malawak ito. Hindi rin mainit dahil nakabukas ang aircon nila at may malaki pang-fan sa gilid.

"Guys! Compress! May sasabihin si president!" anunsyo ng sekritarya ni Tayler. Tapos na kasi ang meeting namin at ipapakilala na lang kaming lahat na nakapasok sa audition.

"Ladies and gentlemen, I want you all to welcome our new members. Azalea, Princess Nicole, Eunice, Bricelle, John, Donny and Aldrex," pagpapakilala nito sa amin habang tinuturo kaming walo. Isa-isa naman kaming nag wave lang ng kamay sa kanila.

"Please, don't be shy and always cooperate with them. That's all, thank you for listening to our meeting and you can go now." Isa-isa na silang nagsi-alisan at nawala sa paligid.

Aalis na rin sana ako nang may biglang pumigil sa aking paglakad. Nanigas ako sa pwesto ko dahil nakahawak ito sa aking kamay.

"Bricelle," pagtawag niya. Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kan'ya. Nang makita na si Tayler iyon ay nakahinga ako ng maluwag at nagtatakang tinignan s'ya.

"Yes?" sagot ko. Saktong nagtama ang paningin namin kaya nakita ko ang mata n'yang kulay blue.

Blue as the sky. Ang ganda niyon!

"Uh... sorry pala no'ng audition. Dapat pala ay hindi ko pinagawa sa'yo iyon. According to Zav, your parents died when you're in the ten years of age, right? I'm sorry," paghingi nito ng tawad. Seryoso akong tumingin sa kan'ya dahil sa binanggit nito.

Tinanong n'ya kay Zavry ang tungkol sa parents ko? What for? Okay lang naman sa'kin, also it's part of my audition.

"Do you think it's funny?" Seryoso akong tumingin sa mata niyang kulay blue habang nakataas ang isang kilay.

Hindi na naman s'ya makatingin sa akin. "N-No it's not. I'm really sorry, please forgive me? Can you forgive me?" pagmamaka-awa niya, habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa isang kamay ko. Kumunot ang kilay ko at napangisi nang may naisip akong ideya.

"Sige, I can forgive you, but..." pamimitin ko. Nakangisi akong tumingin sa kaniya at nginitian ito.

"But, what?"

"But, I want you to be my date." Napatayo siya ng tuwid dahil sa gulat, ang muka niya na may namumula.

"D-Date? When?" naiilang na tanong nito. Nakabitaw na siya sa kamay ko dahil nakasalampak na sa bulsa ng pants niya iyon, habang nakakunot ang kilay at nakatingin sakin. Napangisi naman ako ro'n.

Nahihiya talaga ako pero, minsan lang kasi 'to!

"Didn't you know?" Lalong kumunot ang kilay niya sa sinabi ko, kaya natawa na lang ako ro'n.

"Why are you laughing?" tanong nito. Umiling-iling ako at kinalma ko muna ang aking sarili bago maayos na tumayo sa harap niya.

"Grand ball." Lalong nanlaki ang mata nito pero unti-unting s'yang napapangiti.

"Really?! When?!" Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso ko at ngumiti ng wagas.

Ang perfect ng ngipin niya!

"December," masayang sagot ko.

"Exciting! Thanks for telling me!" hiaw nito. Sa sobrang saya niya ay hindi niya namalayang nayakap na pala niya ako. Habang hindi niya pa napagtatanto ay pasimple kong tinapik ang likod niya at mabilisang inamoy ang katawan nito.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now