Chapter 18

79 11 0
                                    


     
     
Bricelle POV

"Again, Let's all give some loud of applause, the Section B in fourth year students. Represting the Waltz Dance!" sigaw ng M.C.

Hanay-hanay kaming mga babae na naka-upo, habang ang mga lalaki ay tumayo at inabot ang kamay sa amin.

Tumingin ako kay Tayler at inabot ang kamay nito, sunod ay tumayo ako. Gano'n din ang iba at lahat kami ay sabay-sabay at dahan-dahang naglalakad upang maka-buo ng bilog.

Pagdating namin doon ay tumungo muna kami sa kaharap namin. Nang magsimula ang tugtog ay lumapit kami sa isa't-isa ni Tayler at naghawak ng kamay.

Bawat hakbang at pag-sway namin ay bumibigat ang pakiramdam ko. Ni-hindi ako makatingin sa kaniya.

Patuloy lang kami sa paghakbang at pag slide. Sunod ay inangat niya ang kamay namin at umikot ako.

Bawat galaw namin ay mahinhin lang. Habang pa-ikot pa rin ang linya.

"Kinakabahan ka ba?" tanong niya sa gitna ng pag-sasayaw.

"Hindi," sagot ko.

Tinuloy lang namin ang pagsasayaw na iyon, hanggang sa matapos.

"Kitang-kita naman ang pagiging smooth ng sayaw nila, let's all give them some loud of applause!" sigaw ng M.C.

Dali-dali akong pumunta sa table namin at tinungga ang tubig na nakalagay doon.

Bakit ba ako nagkaka-ganito?

"Bricelle!" Lumingon ako kay Zav. Nag-aalala itong naka-sulyap sa akin, kaya malapad na nginitian ko ito.

"Okay ka lang?" Tumango ako.

"Oo naman! Tara, upo kayo. Panoorin natin ang iba nating kaklase," pagsisinungaling ko. Sumulyap ako sa likod niya, kung saan nandoon si Froilan at ang iba.

Ang totoo ay nakita ko ang titig niya kanina, kung kaya't nagsimula akong makaramdam ng kakaiba sa akin.

"Actually... bad news guys," mungkahi ni Mavis. Kasama niya ang music teacher namin at bagsak ang balikat na humarap sila sa amin.

"Anong bad news?" si Zavry.

"Hindi na makakapag-perform ang iba niyong kaklase, dahil kayo na ang ginawa kong representative ng section niyo," panimula ni Mrs. Flores.

"Po? What do you mean po?" tanong muli ni Zavry.

Umiwas ng tingin ang lec namin. "Competition talaga ito. Bawat year at section sa high school ay magkakalaban.  Kayo ang ginawa kong representative kaya may bawas 'agad tayo na points dahil kaka-onti kayo," patuloy ng Lec.

Parang may dumaan na anghel nang marinig namin iyon. Lahat kami ay hindi gumalaw.

"Bakit ngayon niyo lang po sinabi? Bakit kailangang magbuo pa kami ng grupo, kung competition pala ito?" sabat ni Mavis.

Napatingin ako sa kaniya at sa lec namin. Nakakapagtaka nga ang ginawa ng lec namin.

"Dahil gano'n naman dapat talaga ang mangyayari, pero nalaman ng head namin ang project ko sa inyo. Kung kaya't ginawa na lang niya iyong competition, at hindi pina-alam sa lahat... para surprise raw." Napabuga ng hininga si Zavry at ginulo nito ang buhok.

"Hindi iyon surprise." Lahat kami ay napatingin kay Froilan.

"Hindi iyon surprise, kundi isang pandaraya. Am I right, Mrs. Flores?" nakataas ang kilay na sambit niya.

Lahat kami ay hindi makapaniwala sa narinig.

"Kalaban natin ang Section A. Nagsisimula na sila, manood na muna tayo at mamaya na natin alamin ang nangyayari," sambit ni Mavis. Sumang-ayon naman ang lahat at bumalik na sa pwesto nila.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now