Chapter 32

72 3 2
                                    

      
        
Bricelle POV

Masangsang ang amoy ng kapaligiran. Magulo ang mga kagamitan na nakakalat sa sulok-sulok. Maputik ang sahig at nakakahilo ang mga taong naglalakad. Nang makarating kami ay sunod-sunod na salitang ibang lengguwahe ang narinig ko kay Froilan, kaya pinagtitinginan kami ng mga tao.

“What place is this? So messy, so many people and most of all, so dirty. Can you eat like this?” pagreklamo niya. Kasalukuysng tinatahak namin ang daan papunta sa pagkakainan namin ay kanina pa siya reklamo nang reklamo sa akin. Sinabi ko na ngang maghintay siya at sundan lang ako upang makalagpas sa maputik at mataong lugar na ito.

“Ayun na! Tara!” Hinawakan ko ang kamay nito at tinahak sa isang puwesto kung saan dikit-dikit ang mga estante ng bawat uri ng pagkakainan.

Nang makarating kami ay pinaupo ko siya sa parteng medyo malinis ang puwesto at nakangiting tiningnan ito. Habang sinuri nito ang kapaligiran ay ’agad kong kinuha ang telepono kong di-pindot at kinuhaan ito ng litrato. Mabuti na lang kahit ganoong uri ang telepono ko ay may camera ito sa likod. Mabuti rin at hindi niya napansin ang ginawa ko, kaya nang may dumating na babaeng hinihingi ang order namin ay ako na ang sumagot.

“Ate, dalawa pong tapsi. Pakisamahan po ng dalawang soft drinks at toyo na may kalamansi. At saka pala dalawang balot ng barbeque at isaw, ’yong isa pong balot ng barbecue at isaw ay pakibalot. Salamat!” Tumango lang ito at umalis na sa harapan namin.

Yes, nasa isang tapsilogan kami. Pero kakaiba ang isang ito, dahil lahat ng silog ay may extrang barbeque at isaw. Depende ein kung gusto mo ng iba, pero dahil favorite ko ito at gusto kong tikman niya iyon ay hindi ko na aaksayahin ang freebies nila. Dadalhan ko na rin sila Mavis, panigurado hindi nila alam ang tungkol dito. Walang nilalabas na salita si Froilan at nakakunot lang ang noong nakatingin sa akin hanggang makarating ang pagkain namin. Tila nandidiri ito habang tinaas ang isang stick ng isaw.

“What’s this? A snake?" tukoy niya sa isaw. Bumungisngis ako’t sunod-sunod na umiling.

“Isaw ’yan, ang isa sa pinaka sikat na tusok-tusok dahil talagang masarap at syempre, masarap din kapag hinaluan mo ng sawsawan nila,” paliwanag ko. Sinawsaw ko iyon kaya napangiwi lang ito, dahilan upang umiling ako habang nakangiti.

“It looks weird, but promise sobrang worth it at sobrang sarap nito.” Kinuha ko ang kutsara at tinidor niyo. Nilagyan ko iyon ng tapa at sinawsaw sa ketchup.

“Here, try this.” Tumingin lang ito roon, tila nagdadalawang-isip kung paniniwalan niya ako o hindi.

“You mean it?” tukoy nito sa promise ko. Tumango ako’t nginitian siya.

“Just trust me and try this.” Tumango ito, ngunit hindi nakawala sa akin ang pasimpleng paglunok niya. Kasabay ng pagbuka nang kaniyang bibig ay ang pagsubo ko rito ng pagkain. Tiningnan ko ito at napangiti dahil tola sinusuri n’yang talaga ang pagkain habang nginunguya. Pagtapos ay uminom ito ng tubig at diretsong tumingin sa akin.

“Not good,” wika niya, dahilan upang matigilan ako. Ngunit nakabawi rin dahil nakita ko na sunod-sunod at mabilis ang pagkain niya sa nakahain sa harapan nito.

Not good pala ha. Palusot.

Tumawa na lang ako at sinabayan siya sa pagkain. Pagtapos ng lunch namin ay bumalik na rin ’agad kami ng school dahil tumawag na si Mavis at sinabing kailangan na raw kami. Kaya habang naglalakad papasok sa campus ay tiningnan ko ang nakangiting si Froilan. Hawak-hawak ko rin ang isang supot, kung saan nakalagay ang pasalubong ko sa kanilang lahat.

“How’s your lunch?” tanong ko kay Froilan. Diretso lang ito sa paglalakad at hindi ako tinitingnan, ngunit may munting ngiti pa rin sa kaniyang labi.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now