Chapter 37

62 2 0
                                    

Bricelle POV

Naglalayag ang aking isipan habang nakaratay pa rin sa higaan ng ospital na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako pinapalabas.

Ewan ko ba sa kanila, okay na naman ako, wala naman akong galos o sugat, tanging ang ulo ko lang ang masakit. Simula nang magising ako rito sa kuwartong ito, isang lalaki ang nagngangalang Conor ang magpapakilala sa akin, tapos magpapakilala bilang personal body guard and spy.

Sira ba ang bungo niya? Bakit kailangan ko no'n, e hindi naman ako mayaman. Isa pa, sa mga palabas lang at cartoons meron iyon. Mga hibang na yata sila.

Until... Quinn came, with someone who's I'm very familiar with.

"Hoy! Anong sinasabi mong personal body guard and spy? Hibang ka ba? Bakit ako magkakaganoon, e hindi naman ako mayaman!" sambit ko sa lalaking nasa aking harapan.

May toyo yata 'to e.

"Signora, I am not in the right position to tell you that. Just wait for your family," paliwanag niya, dahilan upang kumunot ang aking noo.

Ano raw? He is not in the right position to tell me? Bakit? Anong dapat na position ba para masabi niya sakin?

Tiningnan ko ito nang masama, kaya kumunot ang kaniyang noo.

Hibang ka talaga! Baliw! Guwapo ka sana, kaso may sayad.

"Ewan ko sa 'yo, bahala ka diyan at inaantok ako." Tumingin lang ito sa akin nang malalim. "Huwag mo kong sasaktan habang tulog ako, makakatikim ka sa akin ng super power punch!"

"Whatever. I'm the one who's protecting you, so don't be worry," anito. Inikutan ko lang ito ng mata at tumalikod sa kaniya upang makapagpahinga.

Pag-gising ko ay may naririnig akong ingay ng mga tao. Kaya dahan-dahan akong umupo upang makita kung sino iyon. Kahit kumirot ang aking sintido ay inaninag kong maigi kung sino ang mga iyon.

Ang body guard ko- kuno na hibang. Si Lola at... bakit siya nandito?

"Quinn? Anong ginagawa mo rito?" Lahat sila ay natigil sa pag-uusap at tila gulat na gulat na tumingin sa akin.

Ngayon ko lang din napagtanto na... ang lalaking iyon, nandito rin.

Lumapit si Quinn sa akin at kaagad akong inakap, na siyang kinagulat ko.

"Bri, I thought I'm losing you again! I'm so worried about you, please forgive me. It's all my fault. I'm sorry," usal nito.

Ano bang sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.

Kumawala ako sa yakap nito at hinarap siya, "Quinn, hindi kita maintindihan. Anong kasalanan mo? Also, anong ginagawa mo rito?"

Bumuntong hininga ito't hinawakan ako sa magkabilang balikat ko at sabay titig sa aking mukha.

"Promise me, hindi mo ako lalayuan kapag sinabi ko 'to sa'yo," anito. Tumango na lang ako kahit nakapagtataka ang mga kinikilos niya.

"I'm your twin, Myrtle Quinn Dy Holdler." Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa aking narinig. Kasabay no'n ay tila naputulan ako ng hininga. Unti-unti ring kumikirot ang aking sintido.

"Bri? Okay ka lang?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, sapagkat nang tingnan ko ang mata nito ay tila may memoryang pumasok sa aking isipan.

"Yey! I win! I lose you ate, Hahaha!"

"No please stop!" Napahawak ako sa aking sintido nang paunti-unting tumitindi ang kirot no'n.

HIGH SCHOOL POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon