Chapter 28

71 6 0
                                    

       
       

Bricelle POV

Makalipas ang ilang araw ay naging maayos naman ang pakiramdam ko. Bumabalik na rin ang lakas ni Lola kaya’ kahit papaano ay kampante na ako. Nitong mga nagdaang araw ay pinagplanuhan lang namin ang gagawing event at pati na rin ang mgw representative para sa pagewnt na magaganap. Mayroon na rin kaming ibebenta para sa mini shop. At nakahanda na rin ang mga katawan at panlinis namin para sa parusa.

Kasalukuyang nagbibihis ako ng aking damit at pantalon habang may munting ngiti sa aking labi. Napag-usapan namin na ang mga organizer ng event, teachers at ang katulong namin na SSG officers ay mag free style upang hindi mahirapan sa pag-galaw.

“Bricelle, apo,” pagtawag sa akin ni Lola. Lumapit ako rito at hinalikan muna siya sa kaniyang pisngi.

“Bakit po, Lola?” Nginitian ako nito at may inabot sa aking tupperware na naglalaman ng ulam at kanin. Kunot noong napatingin ako kay lola, ngunit nginitian lang ako nito.

“Baunin mo, alam kong mapapagod ka sa araw na ito,” paliwanag niya. Dahil sa galak na naramdaman ay ’agad kong yinakap si lola.

Sobrang swerte ko talaga kay Lola.

“Maraming salamat po, hinding-hindi ko kakalimutan na kainin ito at sisiguraduhin ’kong uubusin ko pa itong niluto mo po. Favorite ko po ito at ayokong nasasayang ang mga pinaghirapan mo po,” wika ko. Nang kumalas na ako sa pagkakayakaoa ay nginitian lang ako nito at humakbang papunta sa sofa namin, kung saan ang mga gamit ko ay nakakalat pa.

“Hala sige pumasok ka nang bata ka, huwag kakalimutan ang habilin ng Lola!” Tumawa lang ako at kinuha na sa kaniya ang inayos niyang gamit ko’tt hinalikan ulit ito sa pisngi.

“Opo. Huwag magpapatuyo ng pawis, punasan ’agad ng bimpo na nilagay niyo sa bag ko. Lagyan din ito ng polbo upang hindi mamaho. Behave lang dapat, huwag masiyadong magaslaw dahil isa akong dalagang Filipina kaya’t dapat ay mahinhin. At higit sa lahat,” panimula ko’t isinukbit ang bag ko at iakap kong muli ito.

“Mag-iingat ako at sisiguraduhin na magsasaya sa event na iyon. Opo Lola, magsasaya ako at iingatan ko ang sarili ko. Kaya sana ay ganoon din kayo.” Humiwalay na ako sa pagyakap at hinalikan muli ito bago nagtungo sa pintuan upang magsoot ng aking sapatos.

“Bye, La! Ingat ka po!” Tumango lang ito kaya sinimulan ko nang tahakin ang daan papunta sa school namin.

Nang makapasok ako sa loob ng campus ay nakaramdam ako ng kagalakan habang humahakbang papunta sa gym. Hindi ko matanggal ang munting ngiti sa aking labi dahil sa nakikita ’kong pagdami ng mga estudyante na may mga dalang banner at kung ano-ano pang puwedeng pag-galingan ng ingay mamaya.

Basketball game nga pala ngayon.

“Bricelle! Tara na sa gym at may open ceremony raw muna for this event. Tara na dali!” may galak na sigaw ni Mavis. Bigla ako nitong hinila kaya’t hindi na ako nagpumiglas pa.

“Saan ang puwesto natin?” pagtatanong ko sa kanila dahil napansin ’kong hindi kami sa likod dumaan. Dito kami sa harap— sa stage.

“Ipapakilala tayo ni Dean sa lahat, pati na rin ang mga shareholders at bosses. At saka para informed ang mga students na tayo ang magbabantay sa kanila, once na gumawa sila ng violation,” usal ni Mavis.

“Violation? Like what?” Tumigil saglit si Mavis at hinarap ako.

“Kapag lumabas ng campus hangga’t hindi pa natatapos ang event ay siya ang maglilinis ng buong campus sa loob ng isang linggo. And that’s the rule,” nakangising pagwika nito na naging dahilan upang ikalaki ng aking mata.

HIGH SCHOOL POPULARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon