Chapter 41

54 4 0
                                    

Bricelle POV

Today is Saturday, at bored na bored ako dahil wala namang magawa sa kastilyo na ito. Wala si Ate, kasama si Tayler sa mall.

Si Lola ay nakikipag-bonding din sa mga amiga niya noon— reunion daw. Si papa naman, always busy sa work. Habang ako, ang pisteng body guard ko lang ang nandito kasama ang iba pa at mga tao sa bahay.

Minsan ay mas pipiliin ko rin palang hindi gaano kalaki ang bahay namin. Kasi kapag ganoon, kahit papaano ay sama-sama kami at hindi nakakawalang gana. Hindi ganitong malaki nga ang bahay, wala namang katao-tao.

“Signora, I can see boredom in your face. What do you want to do?” Inikutan ko lang ng mata si Conor at pinagpatuloy ang pag-kain sa ice cream habang nakapalumbaba.

“Tell me, what do you want? Go to the library, in the café or on the place you are working?” Nasamid ako sa sinabi nito, kaya dali-dali akong bumaba sa aking kinauupuan at pumunta sa ref upang kumuha ng tubig.

Nang maayos na ang lagay ng aking lalamunan ay masamang tiningnan ko ang nakangisi nitong mukha.

Paano niya nalaman na nagtatrabaho ako? Lintek, nasamid tuloy ako sa ice cream!

“Paano mo naman nalaman ang tungkol doon?”

Bumalik na ako sa upuan ko kanina at patuloy pa rin ang paglagok sa tubig.

“I told you, I am your body guard and spy. I've been following you for a years, so I know the place where you stop by,” paliwanag nito.

Kaya naman pala, malalaman niya nga iyon dahil nasa paligid ko lang pala siya. Hindi ba siya napapagod sa araw-araw na pagbabantay sa akin?

“Ang creepy mo pala. Hindi ko alam na may sumusunod pala sa akin araw-araw, nang ilang taon na!” Bumungisngis lang ito sa naging reaksyon ko.

“Well, it's my job to protect you, signora.” inirapan kong muli ito.

Pero mabuti rin na nandoon siya no'ng araw na ’yon. Kung sakaling wala siya, baka sakaling wala na rin ako ngayon...

“I have a question!” Hinintay lang nito ang sasabihin ko habang nakatindig.

“Why did you do this? I mean, for what? Dahil lang ba inutos ito ng papa ko? Para lang ba sa pera? Para saan?”

Ang kaninang nakangisi nitong mukha ay unti-unting naglalaho. Tila may nasabi ako na hindi niya nagustuhan.

Curious talaga ako, pero mas nadagdagan ang kuryusidad ko sa reaksyon niya.

“I didn't do this for money.” Kumunot ang aking noo.

“For what, then?” Tutok na tutok lang ako sa kaniya habang hinihintay ang sagot nito.

Hindi siya makatingin, ngunit panay s’yang hinga nang malalim.

“I can't tell you that,” tugon niya, dahilan upang mapatayo ako dahil sa inis, kaya ’agad kong dinakma ang blouse na suot nito— dahilan upang manlaki ang kaniyang mata.

“Bakit nga?! Bakit bawal kong malaman? Wala ba akong karapatang malaman ha?!” bulyaw ko rito.

Nang mapagtanto kong nasasakal ko na siya ay dahan-dahan ko na itong binitawan at kinalma ang sarili.

Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin? Wala ba akong karapatang malaman ang tungkol sa buhay ko o nangyayari sa kapaligiran ko?

“I'm sorry, Signora. I just can't say it, it's not the right time, yet. But, remember that I am no ordinary person,” wika niya. At  talikuran ako, ngunit naramdaman kong tumigil ito sa gilid ko.

HIGH SCHOOL POPULAROpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz