Chapter 46

38 1 0
                                    

Bricelle POV

Unti-unti kong binuksan ang aking mata habang nararamdaman pa rin ang paninikip ng aking dibdib.

Nang maaninag ang kapaligiran ay kaagad akong naalarma sa nakakandado kong kamay. Pilit ko iyong tinatanggal, ngunit hindi sapat ang pagdadabog ko upang matanggal iyon.

Nasaan ako?

Sinuri ko ang kapaligiran. Nasa isang kuwarto ako na napaliligiran ng mga malinaw na plastic na naging dahilan upang kumunot ang noo ko. Ang katawan ko ay nakagapos sa isang poste ng kuwarto habang ang kamay ko ay nakakandado sa likuran. Ang inuupuan ko ay patong-patong na plastic lamang.

“Nasaan ako?” I asked myself out of curiosity. Hindi ko alam ang dapat kong gawin, ngunit isa lang ang sigurado ako ngayon.

Natatakot ako.

Nang tingnan ko ulit ang kapaligiran ay nahagip ng mata ko ang isang CCTV na tila may maliit na speaker sa tabi nito na nakadikit sa dingding—bandang kaliwa. Nang tumunog iyon ay napapikit na lamang ako dahil sa kakaiba at nakakabinging tunog na lumabas doon.

“Kumusta? I’m sure you’re making conclusion on your temp, but let me straight to the point. I kidnapped you.” It was a man’s voice that sounds croaky.

Duh! Obvious naman na kidnapped ito, but I don't understand why. I'm not a kid, though. Maybe, this person has a interested with my patrimony. Well, lagi namang ganoon. Ate Brylle discussed it with me. She said everything is happening because of our wealth. Wala naman silang makukuha sa akin. Sapakin ko pa sila e.

“I thought you're strong? Is this what they called the strong woman they knew? The strong little girl who destroy our people?” Kumunot ang noo ko, hindi naiintindihan ang kaniyang sinasabi.

Nanatili akong tahimik at hindi iniimik ang taong iyon na alam kong nakasulyap sa akin gamit ang CCTV na nakita ko.

“Wala kang sasabihin?” panimula niya. “Oh, I forgot! Mr. Casterñado is with us.” Nanlaki ang mata ko, kaagad akong naalarma at napalingon sa camera kung saan niya ako sinusulyapan.

Gusto kong hindi maniwala. Gusto kong magbingi-bingihan, ngunit hindi ko magawa lalo pa’t narinig ko ang mahinang daing niya.

Froilan...

“Itong tukmol na ‘to lang pala ang katapat mo. Gusto mo ba s’yang makita? O baka naman gusto mong... paslangin ko ang minamaha—”

“Huwag!” putol ko sa sasabihin niya. Humalakhak siya nang napaka lakas at hindi kalaunan ay tumigil din upang magsalita.

“Kung gano’n, susundin mo ang sasabihin ko upang hindi mapahamak ang minamahal mo.”

Kumalabog ang puso ko, hindi dahil sa kaba, kundi sa takot. Sa takot na baka maulit muli ang nangyari noon. Sa takot na baka pati siya ay madamay. Ngunit kung hindi ko gagawin, parehas lang ang mangyayari at baka mas lalo pa naming ikapahamak.

“Tatanggapin ko.” Sa loob-loob ko’y gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa desisyon na iyon, ngunit wala na akong magawa dahil tila kaagad namang gumanda ang timpla ng lalaki sa mikropono.

I shouldn't just accepted their offer, I should defend myself, I should defend everyone near me. But why do I feel like all my sacrifices and decisions will turn to my biggest nightmare? Why do I have this guts that they have always a chance to vanquish me? Hopefully, this time I’ll make this right. For him. Because I’m tired. I’m tired seeing someone special to me suffering in pain and it was all because of my mistake. I won’t let that happen again. Not now, not him.

Bagsak ang balikat ko habang hinihintay na magbukas ang pinto sa harapan ko. Ngayon ko lang napagtanto na may pintuan pala roon, sadyang natatabunan lang ng mga plastic kaya hindi ko nakita.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now