Chapter 17

75 12 1
                                    


      
        
Bricelle POV

Dalawang araw na ang lumipas, nag-aalala na ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Zavry. Friday na ngayon at mamaya na ang performance namin.

Noong nagdaang araw naman ay nag-practice kami at madali naming nasaulo iyon. Si Mavis ang nagsilbing leader namin nang mga araw na 'yon.

Pero lubusang nag-aalala ako kay Zavry. Wala siyang paramdam sa amin.

"Mavis, may balita ka na kay Zav?" kuhit ko rito, ngunit hindi ata niya ako marinig dahil tutok na tutok ito sa kadudutdot ng kaniyang phone.

"Mavis," pagtawag ko rito. Ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay at tutok na tutok pa rin sa kaniyang cellphone.

Lintik na 'yan!

"Mavis Rzhie!" Bigla itong napatalon sa gulat nang sigawan ko siya.

Naagaw ko rin ang atensyon ng mga kaklase namin, pero wala akong pakeelam. Nag-aalala na ako.

"Ano ba Bricelle!? Bakit ka ba naninigaw diyan?" inis na tanong niya. Sisimulan niya muling magdutdot sa phone niya, kaya tinabig ko ito na siyang ikinagulat niya, ngunit mataray na tiningnan ko lang siya.

"Aba ineng, kanina pa kita tinatawag pero hindi mo manlang ata naririnig dahil tutok na tutok ka diyan sa cellphone mo. Tatanongin lang naman kita!" sagot ko sa tanong niya. Tumingin ito sa akin at naghihintay sa tanong ko.

"Ano ba iyon?" Inilapit ko ang upuan sa kaniya at humarap pa lalo rito.

"Si Zav, wala pa. May alam ka ba?" Nanlaki ang mata niya at sinuri ang palagid, nagtaka ako ro'n kaya nilakihan ko siya ng mata.

"Ang sabi no'ng Wednesday, hindi raw muna siya papasok. May nangyari kasi," anito. Bigla ko siyang hinawakan sa braso na siyang ikinagulat nito.

"Ano!? Anong nangyari? Sabihin mo!" sigaw ko rito. Hinawakan din ako nito sa braso at pina-upo, sinunod ko naman siya pero malapit pa rin ang mukha ko rito.

"Kalma! Ganito kasi 'yon," panimula niya. Humarap siya sa akin at tinago muna ang phone niya.

"No'ng Wednesday, pagtapos ng practice 'di ba pumunta ko sa SSG office? Si Zav naman ay sa office ni Mrs. Flores habang ikaw, biglang nawala. Tapos, hapon  na pauwi na ako n'on, nasa parking lot na ako, nang makarinig ako ng sigaw ng isang lalaki. So dahil curious ako ay pinuntahan ko iyon at nakita ko si Russell na naiyak, habang nasa-hita niya ang walang malay na maarteng si Zavry natin na may sugat sa braso," paliwanag nito. Dahil sa balitang narinig ay napatayo ako ro'n.

Si Zav, may s-sugat?

"Ano?! Anong nangyari sa kaniya? Bakit siya may sugat? Bakit kasama niya si Russell?" sunod-sunod na tanong ko. Napatakip naman siya ng kaniyang tainga kaya nahilamos ko na lang ang mukha ko.

Nag-aalala lang ako!

"Aba, ewan! Tanongin mo siya kapag dumating na," aniya. Napasandal na lang ako dahil alam kong wala akong mapupuna sa Japanese girl na ito.

Habang iniisip ang nangyari sa babaitang iyon ay sakto namang dating ng lecture namin at kasunod nito ang bwiset na halimaw kasama ang mga alagad niyang paasa at pa-cute at ang lalaking kasama ng kaibigan ko kahapon.

Russell...

Hindi ko alam pero nang makita ko ang pagmumuka niyang nakangiti ay nainis ako. Kaya walang ano-ano ay tumayo ako at lumakad sa harap nila.

Nang makadaan na ang lec ay nagtama ang paningin namin ni Froilan, pero hindi ko siya pinansin. Tiningnan ko si Russell at lumapit sa kaniya. Napatigil ito at nagtatakang tinitigan ko.

HIGH SCHOOL POPULARWhere stories live. Discover now